ENTRY #7

45 11 1
                                    

PAGKAKATULAD

 Nagtaka ako noong nakita kong nakatayo si Simon Tejeros sa labas ng room namin. Pero hindi naman kami close kaya napagdesisyonan kong wag na siyang pansinin.


Bigla akong kinalabit ni Roxanne, na sumama-sama dito sa 3rd floor kasi gusto niya dawng makita muna si Nic bago siya papasok sa room nila.

"Sino 'yan? Ba't andaming gwapo dito sa 3rd floor?"

Inirapan ko ang bruha. "Lumayas ka nga."

Pero ang kulit kasi sumunod parin noong papunta na ako sa pintuan.

Noong bubuksan ko na sana ang pinto, may biglang kumalabit sa sidsiran ng uniporme ko. At nagulat ako noong si Simon iyon.

"C-can w-we talk?"

"Tungkol saan?"

"Angel," tanging sagot niya.

Nakuha niya kaagad ang atensyon ko. At kahit pilitin ko man, ay talagang di nagpaiwan ang kapatid ko. Sumama talaga siya sa amin. Kung hindi lang talaga masama ang pumatay ng tao baka napatay ko na 'tong si Roxanne.

Doon kami pumunta sa pinakadulo ng corridor kung nasaan ang emergency exit ng building.

"I thought hard about what you said the other day. And it's really bothering me."

"Ay Englishero! Bet ko!"

Sinamaan ko ng tingin si Roxanne dahil sa sinabi niya. Hindi ba siya marunong magseryoso? Kitang seryoso usapan eh.

"Ang alin? Anong nakakapagpabagabag sa'yo?"

"Ay tongue twister 'te?" singit na naman ni Rox.

"That someone might've killed her."

Inayos ni Simon ang salamin na suot.

"Kaya gusto ko sanang tumulong sa imbestigasyon niyo."

Tinignan ko siya at sinubukan kong pag-isipan ang sinabi niya.

"Bakit?" tanong ko. "Bakit mo gustong tumulong?"

"Ikaw? Ba't mo naisipang mag-imbestiga?"

Ako iyong hindi nakasagot sa tanong niya.

Bakit nga ba ako nag-iimbestiga? For justice? Masiyadong malawak naman kung para sa hustisya. Kung ako tatanungin, mas pipiliin kong sabihin na ginagawa ko 'to para ma-satisfy ang sarili kong kyuryusidad.

Hindi naman sa may gusto akong maabot. Hindi naman sa nagpapakabayani ako. Alam ko kasing hindi ako makakatulog gabi-gabi kapag hindi ko to iimbestigahan.

"We might've different reasons, pero iisa lang naman ang gusto nating mangyari. If she was murdered, then we can find her killer. I wanna find justice for her."

Siniko ako ni Roxanne tapos bumulong siya. "Anong pinag-uusapan niyo? Ba't parang ang lalim? Ba't may hustisya-hustisya?"

Hindi ko nalang pinansin. Napatingin ako kay Simon.

Mapagkakatiwalaan ko ba siya?

--

Kinakabahan ako habang papunta kami ni Nick sa library. Sa parehong table kung saan kami madalas nag-uusap 'pag tungkol kay Angel ang pinag-uusapan namin.

Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya 'pag--

"Hi kuya!" Ang laki-laki ng ngiti ni Roxanne noong nakarating kami sa table.

Gulat na napatingin si Nick sa kapatid ko. At tapos napunta ang paningin ni Nick sa katabi ni Rox, na si Simon.

Nalilitong napatingin si Nick sa akin.

Hello KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon