Simon Tejeros..
"September 28, 2020, hinatid ako sa bahay ni S.T," basa ko sa isang entry sa diary. "'Yong mga last entries sa diary ay tungkol kay S.T. Malaki ang kutob ko na kung sino man tong si S.T., malaki ang papel niya sa imbestigasyon na ito. It's either siya ang killer, or siya ang nakakaalam ng lahat."
Napalingong-lingon ako para tignan kung may ibang tao ba sa library. Kasi baka may makarinig sa usapan namin eh.
"Pero 'di ko gets," sabat ni Nickle at pinakli ang diary sa pinakahuling entry. "Hello killer! Kung nababasa mo 'to, ibig sabihin nahanap mo ang diary ko. Pero sana hindi. Sana ang nagbabasa ngayon ay ibang tao," basa niya.
"Ba't ito sinulat ni Angel? Ibig sabihin ba alam niya na may papatay sa kan'ya?" komento niya.
Napaisip rin ako. Isa din 'yan sa pinagtatakahan ko.
Napabuntong-hininga ako. "Posible. Sa ngayon, wala pa tayong alam."
Natahimik kami ni Nickle.
"Sigurado ka na bang gagawin natin 'to?" paninigurado niya.
Etong lalaking 'to, ayaw lang talagang tumulong eh.
Napatingin ako sa kaniya. Alam kong natatakot na rin siya sa mga kahihinatnan nitong pag-iimbestiga namin. Nakakatakot na baka may maungkat kaming kung ano.
"Matatahimik ka ba 'pag 'di natin 'to tinapos?" tanong ko sa kaniya at hindi niya ako sinagot. Sa halip ay sinara niya ang diary at tinignan ako.
"Tignan muna natin kung anong similarity nina Ruby, Almira at Angel, kung saan sila connected. Kung bakit sila ang mga babaeng naging biktima. Kasi kung andito nga sa SMU ang killer, masyadong marami ang pwedeng maging suspect. Bawasan muna natin ang listahan," suhestyon niya dahilan para mapangiti ako.
Filter the list of suspects ba kamo? Buti nalang talaga matalino ang isang 'to.
Wala nang atrasan 'to. Aalamin namin ang totoong nangyare kay Angel at sa dalawa pang babae na sina Ruby at Almira.
--
Pumasok na kami sa mga klase namin at ipinagpaliban muna ang imbestigasyon.
"Aray!" sambit ko nang may nakabunggo sa akin habang naglalakad ako sa school corridor.
"Sorry po!"
Napatingin ako sa nakabunggo sa akin.
Tinulongan ko siyang pulutin ang mga gamit niyang natapon.
Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyanteng nakatambay sa labas ng rooms nila.
Pinulot ko ang notebook niya na nakabukas. At may drawing iyon ng isang anghel.
So magaling siyang gumuhit... kainggit naman. Ako kasi pag nagguhit--nevermind nalang!
Hinablot niya agad ito sa akin at tinago na para bang ayaw niyang makita ko iyon. Mabilis niyang kinuha ang mga gamit niya sa kamay ko. At habang pinagkukuha niya ang mga gamit niya ay may napansin ako.
Sa bandang kanang dibdib. Ang nametag niya. Simon Tejeros.
Mabilis siyang naglakad palayo sa akin. At naiwan akong tulala.
Simon Tejeros?
Hindi naman kaya?
Agad-agad akong naglakad papuntang room namin at hinanap si Nick. Natagpuan ko siyang nakikipag-usap sa mga barkada niyang lalaki.
BINABASA MO ANG
Hello Killer
Mystery / ThrillerWhat if you discover that the former owner of your room died of suicide? What if that same former owner of your room, is also the former owner of your new chair in the classroom, of your new locker in the school? And what if you found her diary and...