Diyaryo..
[Sabado]
"Ma! Sa'n nilagay ang mga naiwang gamit sa bahay na ito?" tanong ko kay mama.
"Nasa bodega. Bakit?"
"Sa'n iyong bodega?"
"Nasa likod ng bahay. Bakit ba?"
"May titignan lang ako," sagot ko kay mama. Tapos nilapitan ko si Roxanne na nakahilata sa sofa habang nanunuod ng romantic movie. "Rox, samahan mo ako."
"Maya na," sagot niya ng hindi man lang ako tinitignan. Napatingin ako sa screen ng tv, at kaya pala focus ang bruha kasi kissing scene pala ang pinapanood.
"Samahan mo ako sabi," ulit ko sa kaniya.
Naiinis niyang ibinaling sa akin ang mga tingin. "Istorbo naman eh!"
Pero 'yon, wala naman siyang nagawa. Ako ate eh, mwehehehehe.
Napatingin ako sa kabuoan ng bodega no'ng nabuksan ko na ang ilaw. Wew! Ang daming gamit. Like literally! Ang init pa!
Ang daming nakatambak na mga gamit. May sirang bisekleta, mga sirang electric fan, may mga gulong ng sasakyan, may mga kung ano-ano. Maalikabok. At higit sa lahat, ang daming lamok. May mga karton din na may mga kung ano-anong gamit.
"Ano ba ginagawa natin dito ate?" tanong ni Rox sa sinasampal-sampal ang sariling braso dahil ang daming lamok.
"Alam mo bang ang may-ari ng kwarto ko ay Angel ang pangalan?" sabi ko sa kaniya.
"Pa'no mo naman nalaman?"
"At alam mo bang si Angel ay patay na?"
"AHHHH!" bigla siyang napakapit sa'kin. "Ate naman eh! Wag ka ngang nananakot!"
Matatakutin talaga..
"Samahan mo'kong magtingin-tingin sa mga gamit," sabi ko.
Sinimulan kong maghalungkay ng mga gamit. Napapaubo pa ako kasi ang daming alikabok. Dapat pala nagsuot ako ng face mask.
"Ano ba kasi hinahanap mo nang matulungan na kita," sabi ni Rox.
"Hindi ko rin alam eh. Kaya diyan ka lang. Samahan mo lang ako dito."
Kailangan ko ng clue, or kahit ano, kahit konting impormasyon sa pagkawala ni Angel.
At bakit ko pinapahirapan ang sarili ko sa pagtuklas ng mga bagay na ito?
To quench my own curiousity.
May binuksan akong isang box at napaubo ako dahil sa dami ng alikabok. Puno ito ng newspaper. Pero hindi na ako nag-abalang basahin ang mga iyon.
"Ate, ate, may nakita akong box."
May binigay si Roxanne sa akin na box. Kaso may kandado ito.
Nagtingin-tingin pa ako sa ibang gamit pero wala naman akong makitang kung ano na related sa pagkawala ni Angel.
*BOOG!*
Nagkatinginan kami ni Roxanne. May biglang kumalabog sa bodega.
"Ano 'yon?" kinakabahan kong sabi.
Natatakot siyang umiling, "Hindi ko alam."
*BOOG!*
May kumalabog na naman.
BINABASA MO ANG
Hello Killer
Misteri / ThrillerWhat if you discover that the former owner of your room died of suicide? What if that same former owner of your room, is also the former owner of your new chair in the classroom, of your new locker in the school? And what if you found her diary and...