Diary..
Pangatlong araw ko na sa St. Mark University. At hindi naman sa feeling close ako, pero si Nickle palang kasi ang nakakausap ko. Mahiyain ako eh kaya siya laging napapagtanungan ko.
Nasa library kami ni Nickle after dismissal kasi may hinahanap siyang libro. Naiinis na siya sa akin kasi kanina pa ako sunod ng sunod sa kaniya. Hindi na kasi talaga mawala sa isipan ko si Angel.
Nakakapagtaka na pinapalibotan ako ng pangalang Angel. Pero magkaibang Angel naman siguro iyong may-ari ng diary at may-ari ng upuan at locker ko diba? Kikilabutan talaga ako pag iisang Angel lang sila.
"Bakit namatay si Angel?" pangungulit ko.
As in sobrang curious na ako sa nangyare kay Angel. Marami kasi akong mga narinig na usap-usapan tungkol kay Angel na dating may-ari ng upuan ko. Na bigla nalang itong nawala. Na nag-iwan lang ito ng suicide letter sa nanay nito at hindi na nakita pang muli. Mausisa talaga ako. Hindi naman sa chismosa. Talagang hindi lang ako nakakatulog kapag hindi ko nalaman ang gusto kong malaman.
Sinamaan niya ako ng tingin na para bang nagpipigil siyang wag akong awayin. "Hindi ko alam," sagot niya na naman. "Ba't ba tanong ka ng tanong?"
Sasapakin ko sana kasi ang suplado pero pinigilan ko ang kamay ko.
"Kung hindi mo alam, then sinong may alam? May nakakaalam ba?"
Umiling siya.
"That's what is sad. No one knows."
"Pa'no siya namatay?" usisa ko na naman.
"Teka nga, ba't ba interesado ka?"
"Basta sagutin mo nalang."
"Hindi namin alam. Noong isang araw nga lang namin nalaman na patay na pala siya. Someone found her body inside a drum."
Wait..
No'ng isang araw? Bangkay na nasa loob ng drum?
Ibig ba sabihin, si Angel iyong natagpuan sa pabrika ng Garossa? Iyong ibinalita sa local news? Siya iyon? Goosebumps!
Napatakip ako sa bibig ko.
"It was assumed as suicide by the police. Nag-iwan si Angel ng suicide note sa mama niya bago siya nawala. Inireport siya as missing pero hindi siya nahanap."
Suicide? Tas nasa drum siya? Kinulong niya sarili niya gano'n?
At sabihin na nating gano'n nga, but still, something is off. Ang daming pwedeng lugar para magpakamatay. At ang daming paraan para magpakamatay, bakit sa drum?
Patuloy pa rin sa paghahanap si Nick sa hinahanap niyang libro at ako naman sunod parin ng sunod sa kaniya.
"Sure ba talagang nagpakamatay? What if ipa-autopsy? Para sure!"
Noong natagpuan ni Nick ang hinahanap niya, ay kinuha niya ito mula sa shelf at ibinaling sa akin ang tingin. "Ano bang gusto mong ipalabas? Na may pumatay sa kaniya?"
Hindi ako nakasagot. Alam ko walang basehan ang hinala ko, pero kasi basta! Nafe-feel ko lang.
"Tara na nga, uwi na tayo. Dalawang araw mo na akong kinukulit tungkol diyan kay Angel," inis niyang sabi.
"Takot ka lang eh," pambibiro ko sa kaniya. "Takot ka bang multohin ka niya?"
"Hindi ako takot," agad niyang depensa. "Respeto lang sa kaluluwa ni Angel."
BINABASA MO ANG
Hello Killer
Детектив / ТриллерWhat if you discover that the former owner of your room died of suicide? What if that same former owner of your room, is also the former owner of your new chair in the classroom, of your new locker in the school? And what if you found her diary and...