Chapter 1: Reason/Punishment

54 9 7
                                    


*Abrielle's POV*

"Apo gising na. Baka ma-late ka na," pabulong na paggising sa'kin ng kasama ko sa bahay.

"Babangon ako nang kusa," nakapikit paring pag-tanggi ko.

"Ikaw ang bahala," pagsukong sabi nalang n'ya.

"Nga pala... Mag-byahe ka na pagpasok mo."

"Bakit?" pupungas-pungas kong tanong.

"Nagka-problema ang sasakyan mo eh."

"Bago lang ang kotseng yun. Anong problema?"
Unti-unti na nawawala ang antok ko sa dami ng tanong n'ya.

"Hindi ba't problema ang kotse kapag walang gulong?"
Awtimatikong napabangon ako dahil sa narinig.

"What? Paano na ko papasok nyan? Malelate nako," hindi ko na niligpit ang hinigaan ko at nagmadali patakbo sa banyo para maligo.

"Sinabi ko naman kasi sa'yong i-ayos mo sa grahe pagkatapos gamitin. Napakatigas ng ulo mo kaya 'yan ang napapala mo."
Kasabay ng agos ng tubig mula sa shower ang walang tapos na sermon ni Laleng, ang matandang babae na kinalakihan ko na. Medyo may katabaan at maliit ang height pero napakatinis ng boses. Talagang nakakarindi!

Nagmadali parin akong kumilos kahit may iba pang kotse na pwedeng gamitin. Nakakagalit lang dahil paboritong kotse ko pa naman 'yun.

"Yung isa nalang muna ang gagamitin ko. Ang susi?"
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya pero tinalikuran n'ya lang ako.

"Pasensya na pero napaka pabaya mo. Magtiis ka ngayon at matuto kang mag-byahe."

"Laleng naman e," dabog kong kinuha ang bag ko saka umalis.
Wala talaga akong magawa basta s'ya ang nagsabi.

Sa lahat naman ng araw na pwede manakawan, ngayon pa talagang first day of school! Kung sinuswerte ka nga naman oh!
Isa pa ang matandang yun, 'di naman kanya pero ipinagdadamot yung kotse na 'di naman ginagamit.

"Transferee?" tanong ng guard habang nakatingin sa ID ko.

"Malamang."
Di ba n'ya kitang naka civilian akong suot? Late na nga di pa papasukin. Great!

"Nasan ang registration form mo?"
Agad ko namang hinanap sa back bag ko yung hinihingi n'ya pero mukhang napailaliman pa ata.
Dyusmiyo! Kapag nga naman nagmamadali ka, lalong lumalabas ang mga abala.

"Hindi ko makita eh," naghahanap paring sagot ko.
Hinahalukay ko parin ang gamit ko nang may sitahin pang muli si Manong Guard.

"Hoy, registration form mo!?"
Rinig kong tanong ni manong sa sinisita n'ya.

"Nasa bag ko. Padaan Miss!" sigaw na sagot ng kaninang sinisita ni manong.
Humarap ako para tingnan kung sino ang pasaway na sumigaw sa puno ng tainga ko nang bigla n'ya akong matabig at tuluyan na kong natumba. Agad na kumalat ang gamit ko dahilan para makita ko ang hinahanap.

"Hoy!" sigaw ko para tawagin sya at dagliang tumayo.
Nang biglang ...

"Dumudugo ang paa mo ineng," nag-uusisa pang tiningnan ni manong guard ang paa ko.

"Kita ko nga ho. Ito na ang registration form ko manong," sabay pakita ng hinihingi nya at lumakad papasok kahit na masakit at patuloy na dumudugo ang paa ko.

"Late na 'ko," bulong ko sa sarili at inihahanda na ang sarili na mapahiya.
Napakagandang araw naman nito.

Ang unang klase ay magsisimula eksaktong alas-8 ng umaga at may ilang minuto nalang ako para hanapin ang magiging classroom ko dito sa South Bernardine International School or SBIS, na may malawak na espasyo at sandamakmak na estudyante. Sa tantya ko, may anim na naglalakihang building lang naman ang kailangan ko paghanapan ng nag-iisa kong classroom. Phew great!

Always Keep On ... (On-Going)Where stories live. Discover now