Chapter 3 : Turned Table

13 5 0
                                    


*Abrielle's POV*

Maaga akong nakatulog kagabi dahil na rin sa pagod. First day of school pero parang napakadami ko nang pinagdaanan.
Pababa na ako to have my breakfast nang biglang may nagmessage sa'kin. 
Si Safira lang pala. At paanong may communication kami?

Bago matulog kagabi, nag-open muna ako ng social media account ko. Kung saan, nakita ko ang friend request ng tatlong tao. Si Safiya, si Zia at si ... Brenton.

All this time puro ako Sarifa, kahit pa Safiya pala talaga yun. Inaccept ko din naman agad yung dalawa pero si Brenton hindi ko pa inaaccept. Pagkatapos nun, natulog na rin ako agad.
Ngayon ko lang naisip. 'Bakit ko nga ba sila inaccept?' E kukulitin lang ako ng mga 'yun. Nakakairita lang din minsan.

Anyways, Safiya asked kung dadaanan daw ba nila ako. But I rejected the offer dahil ayaw ko din namang mang-abala. Sapat na yung abala na naidulot ko sa kanila kahapon.

Bukod dun ay sa wakas! Naipaayos na rin ang sasakyan ko. Yun lang ang ipinapagamit sa'kin ni Laleng na kotse. Dahil 'yun lang ang regalo sa'kin na masasabi kong pagmamay-ari ko talaga.

"Laleng. Papasok na akooo."
Sigaw ko kasi mukhang nasa kusina pa s'ya.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho apo," mula sa kusinang habilin n'ya.

Si Laleng ay hindi ko Lola. Actually, s'ya yung yaya ko since birth at s'ya na ang tinuturing kong lola lalo na ngayon na wala na akong kasama.

Paglabas ko ng bahay, parang nabuo na agad ang araw ko. Bumungad lang naman sa harapan ko ang aking Audi R8 V10- Quattro na kulay gray pearl. Medyo may kalakihan din ang halaga kaya kung sino man ang nagnakaw ng parts nito, maswerte s'ya kasi di ko s'ya nakita.

Pumasok na ako sa kotse at nag-maniobra para umalis. Sa byahe ko papasok ng gate ng school ay bigla akong napapreno.

"Bwiset!" napahampas pa ako sa manibela ko.
May motor na biglang nag-over take para maunahan ako sa pagpasok. Humanda s'ya sa'kin.
Pagkapa-park ko ng kotse ko ay dali dali kong tiningnan kung sino ang may-ari ng Ducati Diavel na motorbike.

"Hoy!"
Sigaw ko dun sa driver ng motor.

"Umayos ka ng pagmamaneho mo. Hindi sa'yo 'tong lugar. Mag-ingat ka naman!"

Pagharap n'ya sa'kin saka ko lang s'ya nakilala.

"Wayne?!"

"Sayo yan?" senyas nito sa kotse ko gamit ang kanyang nguso.

"Oo bakit? May angal ka?"

"Sa susunod,bilis bilisan mo magmaneho. Para kang pagong mag-drive kaya may nakaka-overtake sayo," maangas at naka angat pa ang gilid ng kabilang labi na sabi nito.

"Sadyang wreckless driver ka lang. At ikaw ang umayos!"
Sabi ko lang saka s'ya tinalikuran.

"By the way Abrielle. Bagay sa'yo yang uniform. Nagmukha kang tao ngayon."
Nginitian n'ya ako na hindi ko ikinatuwa.

Ngayon nga pala ay 'di na'ko nakacivillian. Naka-uniform na ako pero pakiramdam ko medyo maikli ang suot ko. Gray, white and black long sleeves with pitch black above the knee skirt together with simple black pointed heels. Mukha lang s'yang komplikado isuot pero komportable s'ya at hindi mainit sa katawan.

Pero ano daw? Nagmukha daw akong tao? Anong tingin n'ya sa'kin pag nakacivillian? Aso? O baka naman Dyosa? Pwe! Asa.

***

*Brenton's POV*

It's time. Ako ang gagawa ng punishment na siguradong pagsisisihan ko.

"So Brenton, What's the plan?"
Usisa kaagad ni Lucian pagkarating namin sa tambayan namin. Ang tambayan namin ay isang room na hindi ginagamit at nabigyan naman kami ng permission to stay here. At mula dito, tanaw ang garden at ang mga upuan sa ilalim ng lilim ng malaking puno. Napakagandang tanawin.

Always Keep On ... (On-Going)Where stories live. Discover now