*Abrielle's POV*
"Argh! Nakakainis!"
"Huy kalma, tumatalsik yung pagkain." Nandito kami ngayon nina Zia at Safiya sa cafeteria. After ng nangyari sa venue, sakto naman na oras na para mag-lunch. Kaya nagkahiwa-hiwalay na rin kami.
"Sobrang nakakabadtrip ang dalawang 'yun! Ano bang meron sa kanila? Bakit ganun nalang sila mag-usap at mag-bangayan? Kung mag-parinigan ay daig pa ang mga babae," halos mayupi ang hawak kong coke in can dahil naalala ko na naman ang mga lalaking yun.
"Naku, isa yan sa pinakamalaking misteryo dito sa school. Tulad ng sabi ko sa'yo, classmates na kami since first year. At hindi ka maniniwala," lumapit naman s'ya sa'kin para bumulong, "they're bestfriends back then. Hindi halata ngayon no?"
"Bestfriends? E bakit ngayon halos magpatayan na sila?"
"There are rumors that it's because of the SSC presidency. Dati kasi, si Wayne ang number 1 student sa standing at pangalawa lang si Veto. Sabi nagalit daw si Wayne dahil nalamangan s'ya at naagawan ng pwesto," paliwanag ni Safiya habang kumakain ng sandwich. "May iba namang nagsasabi na dahil sa babae kaya sila nag-away. Pero mukhang malabo yun dahil hindi naman playboy si Wayne that time," tatango-tango namang sumang-ayon sa kanya si Zia.
"Ibig sabihin hindi malinaw kung anong dahilan bakit sila nagkasira?"
"No one knows. Because no one dared to ask them."
"Pero feel ko kapag si Veto ang tinanong mo, sasagutin ka n'ya. Because unlike Wayne, si Veto ay approachable at magaling makisama," napakunot noo naman ako sa sinabi ni Zia, "don't get me wrong ah. He's a good guy just like before pero medyo gumaspang ang ugali n'ya bago pa man matapos ang first year namin dito."
"Bahala sila. Hindi ko naman talaga gusto malaman ang dahilan ng away nila. Wala rin akong pakialam kung mag-away sila maya't maya. Basta 'wag nalang nila ako idamay!"
"Bakit naman? Akala ko ba ay friends na tayong lahat?" agad namang napasimangot si Zia.
"Friends na kung friends. Pero wala parin ako sa lugar para makialam sa past issues nila. I don't want to concern myself to their issues na wala naman akong kinalaman lalo pa't ni kaunti ay wala akong nalalaman," napatango naman silang lahat sa sinabi ko.
Gusto lang din nila na makatulong kay Wayne pero alam din nila na deep inside, wala kaming magagawa para ayusin ang matagal na nilang gulo. Dahil na rin ayaw ko nang mag-isip, bumalik na lang kami sa aming mga booth para gawin ang aming mga duties. Sakto naman na may mga nagdadatingan na ulit na mga students para mag-request ng songs. Tutal kanina pa ako sa sports club, sa glee club na muna ako this time para naman makatulong din ako sa kanila. ***
Nakailang song requests na kami kung saan ang iba ay may pa-mention pa dahil mayroong requested songs that are used to confess their feelings toward someone. Talaga ngang there's no age and gender when it comes to love.
Nang maubos na ang mga song requests at students na tambay dito sa booth, naupo muna ako sa isa sa mga table na nasa harap ng booth saka nagmasid masid sa mga tao sa paligid. Maraming magkakasama na magkakaibigan at masayang nagtatawanan. May mga kumakain at may sumasayaw sa di kalayuan, siguro ay booth nina Safiya yun. Kita ko naman mula sa katabing booth si Zia na nakaupo at panay parin ang pagsusulat. Natawa naman ako na kunot na kunot ang noo n'ya at galit na galit. Nakita ko naman si Lucian na galing sa booth nila Zia at mapula ang pisngi. Ano kayang nangyari dun?
"Oh, tubig ka muna. Alam kong pagod kana."
Agad ko namang nilingon ang nagsalita sa tabi ko. Dahil uhaw na rin ako mula sa matagal na pagkanta, tinanggap ko ito at ininom.
YOU ARE READING
Always Keep On ... (On-Going)
Romance"On a clear night,the sky appears to be filled with dazzling stars, that will light up the world hidden before our very eyes." ******************************************** Abrielle Seo, a Filipino-Korean transferee student at South Bernardine Inter...