*Abrielle's POV*"What is the first financial institution organized in the Philippines to take care the flourishing galleon trade existing between Philippines and Mexico? Anyone? " Mrs. Vida asked.
We're in the middle of the discussion about banking and financial institutions, a crucial subject for business students like us. Sobrang mahalaga ang subject na ito dahil nandito ang halos lahat ng terminologies na ginagamit sa business industry.
Pero mukhang wala ni isa ang may balak sumagot kay ma'am."Anyone please answer the question," mahinahong sabi ni Mrs. Vida.
Katulad ni Mrs. Gatsalian, maganda ang hubog ng katawan nito at pareho silang maganda ang mukha. Pero itong si Mrs. Vida ay higit na mas matangkad at mukhang mataray ang mukha dahil sa kurbadang kilay nito na buhay na buhay sa kulay ng balat nito na may pagka-darker tone na mas bumagay pa sa kanyang mukha. Maganda, mukhang istrikto pero napaka-malumanay naman ang boses.Hanggang ngayon ay wala pa ring sumasagot sa tanong n'ya. Hanggang sa-
"Ms. Seo?" tinawag n'ya ako para sumagot.
"Yes ma'am?"
"Answer the question," she said directly looking at my eye.
"Obras Pias," sagot ko na ikinapalakpak namang agad ni ma'am.
"Right! Finally! May makakausap na ako sa klase!"sabi n'ya na parang may sinasamba pang hindi namin nakikita. "Wala bang ibang nagbasa sa inyo bago pumasok? I announced last week na may recitation tayo, right?" nakakatakot na tanong n'ya sa aming lahat.
Naupo naman na ako nag bigla s'yang tumalikod para magsulat sa white board.
"Galing ah!" nag-thumbs up pang sabi ni Brenton sa'kin.
Nginitian ko naman ito at sabay kaming tumingin kay Ma'am. Walang gugustuhing mapagalitan ng tulad n'ya. She's a great example of the saying, 'Mabait pero masamang magalit.'Nakakapagtaka lang din at nakakapanibago na ang isang Wayne Simmons ay seryosong nakikinig at nagsusulat ng notes n'ya. Akalain mong mahilig s'ya sa ganitong subject?
Napansin ko namang masyadong mahaba ang isinusulat ni ma'am sa board. Alam ko nang tatawag s'ya ulit ng sasagot kaya naman inihanda ko na ang isasagot ko. Nakasanayan ko nang isulat ang sagot dahil baka ma-mental block pa ako at kung anu-anong salita lang ang masabi ko. Handa na akong sumagot ulit nang iba namang pangalan ang tawagin n'ya.
"Mr. Simmons? Please read the question on the board," utos ni ma'am kaya naman biglang napatayo si Wayne sa gulat.
Pansin ko namang hindi na s'ya magkaintindihan sa kakalinga kung saan-saan.Tulad ng sabi ni ma'am, binasa nga ito ni Wayne, "What do you call about the absorption of one or more corporations by another existing corporation which retains its identity and takes over the rights, privileges, franchise, and properties, and assumes all the liabilities of the assumed corporation?"
"Now, what's your answer?" Mrs. Vida asked.
"Hmm."
Halatang nag-iisip at nagbubuklat pa sa notes n'ya si Wayne pero nakalipas ang ilang segundo nang hindi pa s'ya sumasagot at ibinaba na ang notes n'ya. Tandang suko na s'ya magpanggap na alam n'ya ang sagot."This is your recitation, Mr. Simmons. It'll help you in your grades specially if you're struggling to pass your exams," sabi ni Ma'am na mas nakadagdag pa ng pressure sa lalaking nakatayo.
Uupo na sana s'ya nang hawakan ko ang kamay n'yang pinagpawisan na. Palihim ko namang ipinakita sa kanya ang kaninang isinulat ko.
"Miss 'Merger' po ang sagot."
Sa wakas ay nasabi n'ya ang sagot. Ang tamang sagot!
YOU ARE READING
Always Keep On ... (On-Going)
Romance"On a clear night,the sky appears to be filled with dazzling stars, that will light up the world hidden before our very eyes." ******************************************** Abrielle Seo, a Filipino-Korean transferee student at South Bernardine Inter...