Chapter 9: Sickness and Friendship

2 1 0
                                    


*Wayne's POV*

"Sobrang lutang s'ya kanina. Pero hindi tulad mo, s'ya pinipilit na gumawa ng tama, gumawa ng gusto n'ya gawin, at gumawa kahit na hindi maka-focus. Sa sobrang distracted n'ya, nagupit n'ya sarili n'yang kamay! And guess what? She refused Veto's help. Salamat sa sinabi mo, hindi nalinis ang sugat n'ya at 'di s'ya makalapit sa aming mga lalaki kahit na para lang maglaro," after hearing what happened, I ran to my car and drove away.

Parang binomba ang tainga ko sa narinig. Mali ba talaga ako? Mali ba talaga yung sinabi ko? Pero kahit ganun, wala akong intensyon na masaktan s'ya sa sinabi ko. I just said what I feel to say. D*mn! Maybe I was really really wrong.

' Sobrang selfish ko. Pinagana ko na naman ang pride ko! '

Sobrang daming tumatakbo sa isip ko. Sa sobrang dami, halos sasabog na ang utak ko! Ilang minuto din nang mapansin kong kanina pa ako nakatigil sa harap ng bahay nila.

Ano bang gagawin ko? Bakit ako nagpunta dito? Para saan pa? Nasabi ko na ang nasabi ko, nasaktan na s'ya kaya wala nang mangyayari kung babawiin ko 'yun para lang gumaan ang pakiramdam n'ya. Ano namang sasabihin ko sa kanya? Kung maski ako hindi alam kung saang part ako mismong nagkamali?

"Salamat sa sinabi mo, hindi nalinis ang sugat n'ya," bumalik sa ala-ala ko ang sinabing yun ni Yule. Lalo lang akong nakokonsensya.

"Nandito nalang din naman ako, might as well gumawa nalang din ng paraan para malinis ang konsensya ko," nagpapabalik-balik kong bulong sa sarili habang hawak ang first aid kit na dala ko.
Nandito na ako sa harap ng mismong gate at napag-pasyahan kong tawagan s'ya.

"Hello," pupungas-pungas na sabi ng nasa kabilang linya.

"Bumaba ka rito," utos ko sa kausap at agad na ibinaba.
Dumaan pa ang ilang minuto bago ko s'ya nakita.

"Anong problema mo?" nanghihina n'yang binuksan ang gate para kausapin ako.
Hindi pa s'ya maka-mulat ng maayos, balot na balot ng jacket at pajama, may fever patch sa noo at amoy pinaghalong alcohol at katinko. Nakahawak s'ya sa gate kaya naman nakita ko ang band-aid sa daliri n'ya.

"What happened to you?"

"Wala. May lagnat ako. Wala akong lakas na makipag-sagutan sa'yo kaya umuwi kana," hinang-hinang sabi n'ya na papikit-pikit pa.

"Are you okay?" nilapitan ko naman s'ya at hinawakan sa noo.
Kahit naka fever patch s'ya, ramdam parin ang init ng katawan n'ya.

"Sobrang taas ng lagnat mo! May kasama ka ba jan?"

"Oo," tumingin s'ya sa mga paa n'ya at agad ko namang naintindihan.

"You lied. Pasok!"
Sabi ko sa kanya at nagpumilit na akong pumasok.

"What are you doing? Umalis kana!" sumisigaw pero medyo mahina kesa sa usual n'yang sigaw.
Marahil ay sobrang nanghihina na s'ya.

"Nasa'n ang kwarto mo?"
Tanong ko na ikinakunot naman ng noo n'ya.

"At anong gagawin mo sa kwarto ko? Manyakis ka talaga!" sigaw n'ya pa saka ako pinag-hahampas ng walis na nakuha n'ya sa gilid.

Sa sobrang pagpupumilit ay lalo s'yang nanghina at natumba sa sahig.

"Ang kulit mo kasi. Saan ang kwarto mo?" lantang gulay naman n'yang itinuro ang daan.

Inalalayan ko s'yang tumayo at iginiya papunta sa kwarto n'ya.

"Let's go. You're so hot!"
Sinamaan naman n'ya ako ng tingin matapos ang sinabi ko.

"What?! You're literally hot. You're sick, idiot!"
Pinitik ko ang noo n'ya gamit ang isa ko pang kamay. Masyadong madumi ang utak.

Always Keep On ... (On-Going)Where stories live. Discover now