*Wayne's POV*Maaga akong nagising hindi dahil excited akong pumasok. Kundi dahil binabagabag ako ng mga nangyari kahapon. Mula umaga palang, alam ko nang hindi magiging maganda ang araw ko nang makita s'yang nakikipag-ngitian sa lalaking yun na walang ibang ginawa kundi ang mag-magaling.
[Flashback]
Nagbatian sila ng "Goodmorning" at nag-ngitian na akala mo nasa commercial ng kape! What an eye sore!
Si babae naman kung makangiti akala mo close sila."Hindi mo na ako nireplyan kagabi. Nabasa mo ba text ko?"
Text? Bakit parang bigla ata silang naging close?"Oo nabasa ko kanina lang. Sorry nakatulog na'ko nun eh."
"Ayos lang yun 'no."
Tsk. Yan na naman si Mr. President. Ang walang kupas na magaling magpa-cute sa mga babaeng madali mahulog sa mga picture-perfect na lalaki.
"Sige sige. Sabay nalang tayo bumaba mamaya. Save mo number ko ah!"
Aba't kailangan pang isave ang number n'ya? Ganun ba s'ya kaimportanteng tao o close na close na ba talaga sila? Himala ata."Saya mo ata ngayon?"
"Oo, kaya 'wag mo sirain ah?"
Wala na syang ibang ginawa kundi ang siringan ako tuwing ako ang kausap. Pero 'pag si Veto ang kausap, nakangiti s'ya at matino kausap.
Hindi pwede ang ganito eh.Inilahad ko ang kamay ko para kunin ang cellphone n'ya pero nauwi kami sa asaran hanggang sa nangyari na nga ang nangyari. Hindi sinasadyang na-corner ko s'ya dahil ayaw nyang ibigay agad ang cellphone n'ya. Akala mo naman kukunin ko, may gagawin lang naman ako saglit.
'Marami akong pambili ng cellphone, wag ka mag-alala.'
Sabi ko pero isinaisip ko nalang. Ayaw kong magsalita dahil nasa mismong harap ko sya, nakatingala pero nakasimangot."Ugh!"
Nang bigla n'ya nalang akong sampalin ng sobrang lakas! Babae ba talaga to?!"Walangya ka! Manyakis!"
Manyakis? Ako?!"What? I did nothing to you. Wag kang mag-eskandalo."
Napaupo akong biglang ng itulak n'ya ako ng sobrang lakas!"Siraulo kaba?"
Hawak sa kwelyo at susuntukin n'ya na ako. Hinayaan ko lang sya pero ..."Abrielle! Stop!"
Dumating na si picture-perfect pero hindi para iligtas s'ya kundi para iligtas ako. Galit na galit ang babaeng ito hindi ko naman sya hinawakan. Cellphone n'ya lang ang hawak ko at yun lang yun.Lalo lang ako nainis nang ilayo s'ya ni Veto at paupuin sa malayo. May sinabi pa s'ya dito bago ako lapitan.
"Wag mo na s'yang pagti-tripan ulit dahil ako na ang makakalaban mo."
[End of Flashback]
After naman ng clubs' meeting, muntik na naman kaming magka-banggan ng Veto na yun! Napakayabang! Akala mo nasa kanya na ang lahat para umastang perpekto at walang mali sa pagkatao. Sukang suka ako sa pag-mumukha n'ya at kung pwede lang na burahin s'ya rito, matagal ko nang nagawa.
Magpasalamat s'ya na naawat kami agad bago pa man s'ya mang-hiram ng mukha sa aso!
Pinasunod kami ni Ms. Seo sa cafeteria para doon mag-usap pero dahil 'di na ata n'ya matiis ang gutom ay inuna n'ya pang kumain.
Ano bang meron ang babaeng ito and how can she make me do whatever she say and feel like this? Pinapaghintay at pinapasunod n'ya kaming lahat dito.Yung mga kaibigan n'ya ay kasama n'ya nang nakaupo sa table nila habang si Veto naman ang umoorder ng pagkain nila. At dahil nagugutom na din sina Conall at Zephyr ay sila na ang kusang umorder ng pagkain para sa table namin.
YOU ARE READING
Always Keep On ... (On-Going)
Romance"On a clear night,the sky appears to be filled with dazzling stars, that will light up the world hidden before our very eyes." ******************************************** Abrielle Seo, a Filipino-Korean transferee student at South Bernardine Inter...