Chapter 7: Club Practice

6 1 0
                                    


*Wayne's POV*

Saturday. First weekend sa bagong semester ngayong second year college. Unang linggo palang mula nang bumalik kami sa SBIS para mag-aral pero pakiramdam ko, ilang buwan na akong pagod kakapasok. Idagdag pa dito na wala man lang nangyayaring maganda sa bawat araw ko.

Parang pumapasok lang ako ng school para mabadtrip at mabara ng babaeng yun!
Speaking of that witch. She's supposedly my target and I'm his master. Pero mukhang nabaligtad yata. Dahil kung masagot-sagot n'ya ako, kung mautusan at kung ma-supladahan akala mo s'ya ang boss!

Hindi ko alam kung bibilib ba ako dun, maaawa o matatawa. Dala-dalawa ang club na sinalihan n'ya. Hindi ba n'ya alam na isang club palang mahirap na magampanan? Tsk. Halos harap-harapan n'ya pang sabihin na 'no choice' lang s'ya kaya s'ya nakasali sa club namin at ipagduldulan na kaya s'ya sumali sa isa pa ay dahil yun ang gusto n'ya!

Oo na. Inaamin ko na kami talaga ang may pakana kung bakit s'ya napilitang sumali sa club namin. It's all my plan. Ang i-corner s'ya on the spot na wala pa s'yang club at mapilitang sumang-ayon sa professor namin. Pero hindi ko naman inasahan na nakilala n'ya na pala ang lalaking yun at higit sa lahat, magkakaroon s'ya ng idea na sumali sa club nila.
Edi sana kami ang magkasama ngayon. Club sana namin ang nagpa-practice para sa darating na event. Hindi 'yung may pa-dinner dinner pa silang nalalaman.

At dahil Saturday nga, obviously walang pasok. I have nothing to do but to stay in my bed for the whole d*mn day! I feel really lazy and exhausted kaya naman I haven't even ate my breakfast yet. I have nothing to do outside, nowhere to go, no one to be with and nothing to eat! I'm so hungry already.

"Hello Conall," malungkot na sabi ko sa kabilang linya.
Tinawagan ko na si Conall tulad ng lagi kong ginagawa.

"Hello Wayne. Oh anong nangyari sa'yo?"
It took few seconds before I could answer.

"I'm so hungry." I answered.

"Really? Okay wait. Bye for now."
Sabi n'ya lang at tuluyan nang in-end ang call.

Sa sobrang bored, nag-jogging nalang ako sa aking grahe at inikutan ang nakaparada kong mga sasakyan. After mag jogging, nag-linis na din ako ng buong bahay but I'm still bored as f*ck!
I went back to my room and took a shower. After taking a shower, my boredom just can't really leave me alone today. Nagpa-gulong gulong nako sa kama ko pero lalo lang ako nagugutom dahil napapagod nako!
I was about to order food online nang biglang may nag-doorbell.

"Oh Conall. Buti naman dumating kana!"
Masiglang sabi ko. Sobrang natutuwa at galak ang nararamdaman ko ngayon dahil nakita ko s'ya ngayong umaga.

"Buti naman at dinalaw mo'ko. Akala ko mamamatay na ako sa gutom eh. "

"Oo. Kaya nga ako nandito eh. Para di ka mamatay. Oh heto. Ipinagluto na kita ng almusal mo kaya dalhin mo na ito doon at kumain kana!"

"Salamat dito ah. Pasok kana muna."

Si Conall ang nag-iisang matinong magluto saming magkakaibigan. Tulad ngayon, dahil sa kanya ay makakakain na ako ng agahan.

"Saan pa ang lakad mo bukod dito?"
Tanong ko nalang matapos kong kumain. Maghuhugas na ako ng kinainan ko at lumapit naman s'ya para kausapin ako.

"Actually wala na. Uuwi na din ako pagkatapos mong hugasan 'yang Tupperware ni mama. Baka hanapin eh."
Kung 'di lang ako busog, kanina pa siguro ako mamatay-matay kakatawa. Kalalaking tao nito talaga, ewan!

"Oo na. Oo na. 'Yan na ang Tupperware mo oh. Salamat sa pag-kain ah!"
Sabi ko sa kanya habang ibinabalik ang kinainan ko sa bag na dala n'ya.

Always Keep On ... (On-Going)Where stories live. Discover now