Chapter Fourteen

5 0 0
                                    

Trigger Warning: Abuse

'Sinugod sa hospital si mama, ate. Buboy ito'

Halos mabitawan ko ang cellphone ko nang mabasa ang text ng kapatid ko. Hindi ko na rin naiayos lahat ng gamit ko dahil basta ko na lang inilagay lahat ng 'yon sa bag ko bago ako nagmadaling mag-alis ng suot kong cap at uniform sa shop.

"Ate Maria pasensya na, emergency lang ate. Salamat."

Hindi ko na rin nahintay pa ang sagot niya dahil dere-deretso na rin akong umalis bitbit ang gamit ko. Muntik pa akong mabangga nang dumaang motor pagkalabas ko pero buti na lang at may humablot sa braso ko.

Si Santos.

Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa 'kin habang hawak-hawak ang braso ko. Mukhang pupunta siya sa shop para bumili dahil magkasalubong lang kami. Sa hindi maintindihan dahil sa pagmamadali umiling lang ako sakanya at itinago ang mukha kong umiiyak na.

"Pasensya na...una na ako."

Tatanggalin ko na sana ang braso kong hawak niya pero diniinan niya pa 'yon.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya na nakapagpabuhos ng luha ko.

Humihikbi, sumagot ako sa kanya. "Si...si m-ama...sinugod daw sa hospital..."

Wala siyang sinayang na oras dahil hawak ang braso kong hinila niya ako papunta sa parking sa gilid ng shop. Laking gulat ko na hindi niya ako dinala sa motor niya dahil sa isang kotse kami tumigil. Pinagbukas niya ako ng pinto nang may seryosong mukha.

"Get in. Ihahatid kita."

Hindi na ako nag-inarte at agad kong sinabi kung saang hospital kami pupunta. Ilang beses ko ring tiningnan ang cellphone ko dahil nagbabakasali sa text ni Buboy.

Mga 10 minutes ata ay nakarating na kami sa sinabing hospital ni Buboy. Hindi pa as in nakaka-park si Santos ay agad na akong bumaba kaya narinig ko siyang napamura bago sumunod sa 'kin.

Wala siyang imik na nakasunod sa 'kin hanggang sa makapasok kami ng hospital.

"Ma..Marita Haritt Guinverra, asan siya?" Hinihingal kong tanong sa front desk.

Agad namang hinanap ang pangalan ni mama at agad namang itinuro ang room niya. Agad kong nakita si Kevin at Buboy sa labas na nakaupo kaya agad akong tumakbo papunta roon.

"Ate!" halos sabay nilang sigaw pagkakita sa 'kin.

"Si mama?"

Hindi pa nakakasagot ang ni isa sa kanila ay pumasok na ako sa loob. Naabutan ko ang isang nurse at isang doctor na inaasikaso si mama. Ramdam kong nakasunod sa akin ni Santos pero hindi ko na man lang pinansin 'yon.

Pumatak na ang luha ko nang makita ang kalagayan ni mama. Punong-puno ng pasa ang mukha at braso niya. Mukha ring sinuntok siya sa mukha dahil putok ang labi niya. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa may kama dahil napaupo na lang ako malapit doon. Agad ko namang naramdaman ang alalay ni Santos sa likod ko at inakay ako paupo sa upuan.

"Kayo  ba ang anak ng pasyente?" Tanong ng doctor pero wala akong lakas ng loob na sumagot kaya si Santos na ang nag-atubili.

"Opo. Siya po,"

"Based sa mga pasa at sugat ng mama mo, malamang sa malamang na binugbog siya. Masama ang lagay ng nanay mo dahil sa mga natamo niyang sugat at pasa tapos inatake pa siya ng asthma niya. Nang magising siya kanina ay nagwawala siya at umiiyak lalo na nang malaman niyang nakunan sjya kaya tinurukan namin siya ng pampatulog."

Nanlaki ang mata ko at dahan-dahang tumingin sa doctor.

"Nakunan? Nakunan po?" Naguguluhang tanong ko.

In Your Dreams, VielyWhere stories live. Discover now