Chapter Seven

12 2 0
                                    

"Ma, nakapagbayad ka na po ng kuryente?"

Tanong ko habang nagkakape. Linggo ngayon at walang pasok. Wala yung dalawang asungot dahil nagbabasketball sa labas. Imbis na magwalis o maglinis man lang dito sa bahay, puro lakwatsa pa ang inuuna.

Inayos niya yung gamit niya bago sumagot sa 'kin. "Kahapon, nakapagbayad na ako. Salamat anak ha. Hayaan mo't ibabalik ko sayo kapag nakasweldo na ako kay boss."

"Ma, sabi ko tulong 'yon hindi utang. Tsaka sino pa ba magtutungan edi tayo. Talaga 'tong si mama, parang others." Tinawanan niya ako at tinapik sa balikat.

"Sige na, alis na ako. Ikaw na bahala dito." Tumango ako at humalik sa pisngi niya bago siya umalis.

Inubos ko muna ang kape ko bago magpakana nang paglalaba. Pagkatapos maglaba ay nagplantsa naman ako ng mga uniform ng dalawa kong magaling na kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi. Panigurado na uuwi lang 'yon ay kapag manananghalian na.

Tama nga ako dahil saktong pagtapos kong magluto ng pananghalian ay dumating na yung dalawa.

"Ate, kulang pera pang project ko. Si Kevin din ay may ambagan sa school." Bungad agad ni Buboy, hindi pa man lang nakakapasok ng buo sa bahay. Si Kevin naman ay dumeretso sa kwarto para magpalit ng damit.

Imbis na mamoblema, nginitian ko na lang si Buboy at tumango bago nagpatuloy sa paghahain ng pagkain.

"Sige, gawa ako paraan. Naibigay ko na kay mama lahat ng pera ko e, pinambayad sa kuryente natin. Hanggang kailan niyo ba kailangan?" Tanong ko sakanya. Dumeretso naman siya para tulungan ako.

"Hanggang bukas na lang ate. Lunes na bukas e."

"Sige,"

Kaya naman pagkatapos kumain ay agad akong tumawag kay Jy. Nakakahiya man pero wala naman akong ibang malalapitan. Bukas pa ng gabi ako magkakapera ulit, yung sweldo ko sa shop gabi-gabi. Kung hihingi naman ako kay mama, mamomoblema pa 'yon dahil matagal pa rin ang sweldo niya. Kaya sabi ko kina Buboy na kapag may kailangan silang kaya ko naman, sa 'kin na sila humingi imbis na kay mama. Alam ko kasing mas-stress lang siya kapag hihingi kami ng sabay-sabay tapos may mga bayarin at gastusin pa dito sa bahay.

"Salamat talaga, balik ko sa isang araw." saad ko kay Jy.

("Para kang timang! Sabi ko naman sayo, 'wag kang mahihiyang humingi ng tulong sa 'kin, sa 'min ni Katerina. Para kang others!") Napangiwi ako.

"Nakakahiya din naman kasi! Pera pa rin ng magulang niyo 'yan."

("Ewan ko sayo! Kahit nga hindi mo na ibalik 'yan, okay lang. Alam naman namin sitwasyon niyo diyan sainy---")

"Babalik ko sa isang araw. Salamat talaga, bruha." Putol ko sa sinasabi niya at pinatay na din ang tawag.

Kinabukasan ay hindi ko nakita si Santos. Hindi ko rin napansin ang motor niyang nakaparada sa labas. Baka late? O absent?

"Hindi na daw dito mag-aaral si DX." Bungad ni Kano pagkapasok ko ng room. Agad akong nanlumo kahit na alam kong joke lang niya 'yon. Maninira na naman siya ng umaga.

"'Wag ka na umimik, Kano. Hindi maganda ang tabas ng dila mo kung ganyan lang ang sasabihin mo." Nakita ko sina Jy at Katerina kaya agad akong lumapit doon. Nag-reserved na sila ng upuan ko. Nagpasalamat din ulit ako kay Jy bago ako umupo.

"Seryoso nga, Viely. Panahon na para humanap ka ng ibang crush." Napangiwi ako kay Kano. Sinundan pa niya talaga ako para lang mang-asar.

"Kung katulad mo lang din ang isusunod kong crush, 'wag na lang 'no. Papatol pa ako sa babae kaysa sayo." Nag-apir ang dalawa kong kaibigan at binatusan pa si Kano.

In Your Dreams, VielyWhere stories live. Discover now