Note: The song/s used/will use in this story are personally made by my bestfriend. I personally asked her to write songs for this story so, enjoy!
------------From: Unknown
Ang papa m i2 Viely ank.
Gusto kong matawa dahil 'yon ang bumungad sa umaga ko. Ni hindi pa ako nakakabangon mula sa pagkakahiga nang tumunog ang phone kong nasa gilid ko lamang.
Binasa ko lang 'yon nang paulit-ulit bago ako tumayo. Hindi naman na siya ulit nag message pagkatapos. Nagpakilala lang talaga siya.
"Oh anak, naghain na ako ng pagkain mo. Alam kong puyat ka kagabi." Ani ni mama pagkalabas ko ng kwarto.
Kasulukuyang kumakain na din ng dalawa kong kapatid na asungot habang si mama ay nagre-ready para pumasok. Napangiwi ako.
"Ayaw mo talaga mag-resign ma?" Lahat sila ay napatingin sa 'kin. Si mama ay kumunot ang noo at tila naestatwa pa sa tanong ko bago sumagot, umiiling.
"Alam mong ayaw ko ana---"
"Pero 'ma, hindi na po ata maganda ang nangyayari sainyo. Hindi po ako manhid para hindi maramdaman na may nagbabago o mali sainyo. Iba na po ang kutob ko sa boss niyong 'yan."
Tumawa siya nang bahagya at bumuntong-hininga.
"Kung ano mang iniisip mo tungkol kay boss, itigil mo na Viely. Tinutulungan niya tayo, 'yon ang importante. Mauuna na ako, mag-iingat kayo." Ani niya sabay alis.
Napabuntong-hininga na lang din ako bago ako kumilos. Hindi ko alam kung paano ako nakapasok sa school sa sobrang bangag. Ang daming pumapasok sa isip ko na hindi ko alam kung paano ko sasagutin isa-isa. Naguguluhan ako.
Sakbit ang bag habang inaayos ang buhok kong nagulo mula sa tricycle, suot ang simpleng maong pants at black t-shirt, marahan lang akong naglalakad sa kahabaan ng hallway papunta sa department namin. Sa kamalas-malasan pa nga, si Kano na naman ang bumungad sa 'kin sa room.
Awit na awit.
"Kung mangbwi-bwiset ka, 'wag ka nang umimik Kano. Please." Saad ko agad bago ako nagdere-deretsong pumasok sa room. Ni hindi na man lang siya nakapagsalita kaya narinig ko na lang ay ang tawa niyang nakakairita.
"Problema mo? Ayos ka lang?" Tanong ni Jy pagkaupo ko. Si Katerina ay wala pa. Late na naman 'yon sure na.
"Wala," Simpleng sagot ko bago ako tamad na sumandal sa armchair. Saktong pumasok naman si Santos.
Himala dahil hindi na siya uma-absent sa mga klase na kasama ako. Sabagay, wala siyang magagawa dahil mas maraming klase na kaklase niya ako. Mas madami kaysa noon. Or...mas gusto na niya akong makasama sa klase? Hmmm, asa Viely.
Pero hindi sa pagiging assuming... parang parati ko na siyang nakikita sa klase. Dati naman ay hindi ganoon karami ang klase na magkasama kami. Ngayon ay parang halos lahat na ata ng subject ay magkasama kami. Napansin ko kasi dahil may isang subject noong nakaraan na hindi kami magkaklase pero nito lang ding nakalipas na araw, magkaklase na kami doon. Nakakahalata na ako, Santos ha.
Tamad na naman siyang umupo sa upuan niyang napili malapit sa bintana. May nauna na kasi sa pwesto niya parati sa bandang hulihan kaya no choice siya. Napangiti ako.
Nakakahalata na talaga ako. Dapat ang kaklase ko ay sina Leewis at Pidel pero si Santos ang nandito ngayon. Kaya naman nang mapatingin siya sa gawi ko, ngumiti ako nang pagkalaki-laki, teasing him.
YOU ARE READING
In Your Dreams, Viely
Romance"Yes, I will love you. But it'll only be in your dreams, Viely."