Chapter Thirteen

19 2 2
                                    

Hope. Hope. And hope.

'Yan na ata ang pinaka-used words ko this year. Alam kong masamang mag-expect, masamang umasa, pero sino ba ako para hindi umasa kung ganoon ang dating ng mga salita ni Santos? One moment, he'll push me away, and then one moment, ayan na siya, flowering words na nakakainis.

"Hokkaido, large." I smiled at the student. Schoolmate ko base sa I.D. niya. Ang taray ng aura niya kaya nginitian ko na lang siya nang malaki.

"Name ma'am?" Nakangiti ko pa ring tanong pero ang loka, inismidan ako! Aba't!

"Tumingin ka na sa I.D. ko, bakit tinatanong mo pa?" Barumbadong tanong niya na nakapagpalaki ng mata ko.

Wala na bang mababait sa mundo ngayon?! Nagtatanong lang ako?!

I smiled still. "Just asking lang po kasi baka po hindi sainyo 'yang suot niyong I.D. But yeah, please wait Ms. Julie." I emphasized her name bago ako tumalikod para simulan ang order niya.

Nakakainis. Ang daming ma-attitude na tao!

After my shift, dumeretso ulit ako sa resto kung saan nagtra-trabaho si mama. Matagal ang vacant ko kaya may time ulit ako na pumunta doon. Kaso isa na namang pangamba ang namutawi sa 'kin nang pumunta ako doon pero sarado sila.

'Nasan si mama?

Ang sabi niya sa 'kin kanina ay maaga silang magbubukas kaya maaga siya umalis. Tanghali na ngayon at dapat ay bukas na ang resto pero bakit sarado? Agad kong nilabas ang cellphone ko para i-message siya.

To: Mama

Dito ako sa labas ng resto ma. Bakit sarado? Akala ko ba may pasok ka?

To: Mama

Ma, asan ka ba?

Tumingin ulit ako sa buong resto bago ako nagsimulang maglakad pabalik, patuloy pa ring tine-text si mama. Ti-nry ko ding tawagan ang cellphone niya pero hindi 'yon sinasagot.

Unti-unti na naman akong nilamon ng pag-alala at pangamba. Ilang mura na rin ang nasabi ko sa utak ko kapag naaalala ang mukha ng boss niya.

Nakabalik na ako't lahat sa school, wala pa ring reply at tawag galing kay mama. Sinabi kong tawagan niya ako pero wala man lang din kahit isang text.

Mabilis ang lakad ko habang nagtitipa ng message kay mama nang mabunggo ako. At kay Santos pa nga.

Kunot-noo niya akong tiningnan pati ang hawak kong cellphone. Para kaming tangang nakatigil sa gitna ng hallway kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit?" Tanong ko.

Emotionless na naman siya. Pagkatapos niya akong tingnan ng parang jinu-judge, naging blangko na naman ang itsura niya.
Hindi na siya nagbago. Bihira ko na lang siya lalong makitang nakangiti. Bihira ko na silang makitang magkakasamang makakaibigan, madalang ko na din siyang makitang ngumiti. Ganito na ba talaga siya?

Nang tumunog ang phone ko, agad akong napatingin doon bago ako tumingin ulit kay Santos. "Pasensya na, nagmamadali ako." I told him.

Pero hindi pa ako nakakahakbang ng dalawa nang higitin niya ang braso ko. He was looking at me the way he looked at me everytime I feel like I made another mistake. Bakit parang may kasalanan na naman ako sakanya? Wala naman akong ginagawa a.

"Look Santos... nagmamadali ako. Huwag ka na munang ganyan okay? Please, wala ako sa mood makipaglandian."

"Where are you going?" Tanong niya na nagpalaki ng mata ko.

In Your Dreams, VielyWhere stories live. Discover now