They say, the most happy person in the world can also be lonely. A happy person can also feel sad and fragile at the same time.
Palagi nilang sinasabi na maingay ako, magulo, makulit, nakakarindi, at kalog. Sobrang ingay sa classroom, sa gala, sa bahay, sa kahit saan, sabi ng mga kaibigan, kaklase at kapatid ko. Masayang kasama, hindi mauubusan ng kwento, pero mauubusan ng boses dahil sa ingay.
College na ako pero yung bunganga ko daw parang pang-highschool.
Pero minsan pala, kahit sanay na din akong maging masaya, kapag sobrang sakit na at damang-dama na ng mga sinabi sayo, parang nakakasawa din.
Pero hindi e.
Santos, humanda ka talaga sa 'kin.
"Ayos ka lang ba 'neng? Mukha kang bangag."
Hindi ko alam kung matutuwa ako or hindi sa sinabi sa 'kin ni Manong magtataho. Akala ko pa naman concerned siya sa 'kin pero sinabihan pa ako ng bangag. Swabe.
Ibinaba ko ang hawak kong phone at ngumiti sakanya ng sarkastikong ngiti. "Ayos lang ho ako, kayo po ba? Mukha na po kayong bangag na bangag."
Akala ko ay magagalit siya pero tinawanan pa niya ako. Tingnan mo 'tong si manong, mukhang masaya. 'Pag-uwi kaya niya, masaya pa rin siya? 'Pag hindi kaya naubos ang paninda niya, makakangiti pa siya?
"Alam mo 'neng, kung 'yan ay problema sa pag-ibig, 'wag mong kaproblemahin. Mas mahirap ang buhay kaya 'yon ang unahin mong problemahin. Maraming namamatay ngayon dahil sa hirap ng buhay. Kaya kung ako sayo, hiwalayan mo na 'yang buyprin mo kung puro konsumisyon naman ang binibigay sa 'yo." Nanlaki ang mata ko at magsasalita pa lang sana para depensahan ang sarili ko nang umalis na siya at nagsisigaw na ng 'taho'. Ang swabe talaga.
Inis akong tumayo sa pagkakaupo sa waiting shed at naghanap na ng masasakyang tricycle papunta sa school. Pagdating ko sa school ay sumalubong agad ang mukha ni Kano. Napatampal na lang ako sa noo ko dahil siya na naman ang dadagdag sa problema ko.
"Kano, 'wag ka na umimik. Wala ako sa mood, please lang." Panguna ko sakanya at pumasok sa room. Bakit ba kasi sa dami ng subject, lagi ko siyang kaklase!
Uupo na sana ako sa unahan nang makitang nasa hulihan si Santos. Napangisi ako. Aba himala, we're classmates again huh. Napatawa ako sa isip ko at mabilis na pumunta sa upuang katabi niya. Nawala ang pagka-bad mood ko bigla. Nice.
Nakasuot siya ng maong pants at simpleng gray t-shirt at white na sapatos. Pero yung appeal niya, nakakainis. Bakit ba ang lakas ng appeal nitong lalaking 'to?! Ako nga, nakasuot na ako ng jumper na may itim na sando sa ilalim, normal pa din naman. Baka dahil... flat ako?! Hays buhay.
"Good morning!" Bati ko sakanya sa sobrang energetic.
Hindi man lang niya ako pinansin at bumuntong-hininga pa na animo'y ayaw na ayaw ang presensya ko. Inayos ko ang buhok ko at inilagay lahat sa tagiliran bago ako humarap ulit sakanya. Kaso magsasalita pa lang ako nang dumating sina Leewis. Kaya ayon, tumayo si Santos at nakipagbatian sakanila. Lumipat pa siya ng upuan pagkatapos. Napangiwi na lang ako.
Nice try, Viely. Mamaya ulit. Aral muna.
"Hoy ang inis naman! Hindi nagba-balance!" Reklamo ni Katerina habang kumakain kami ng tanghalian sa cafeteria.
Maraming kumakain pero mga tahimik at isa na yata kami sa napakaingay dito. Paano ba naman, kung hindi reklamo ni Katerina, boses naman ni Jylene ang maririnig na may kausap sa phone. Ako na lang ngayon ang hindi nag-iingay dahil paano ko sila kakakausap eh busy silang dalawa.
YOU ARE READING
In Your Dreams, Viely
Romance"Yes, I will love you. But it'll only be in your dreams, Viely."