Chapter Two

14 1 0
                                    

"Guinverra, stand up straight."

Tamad akong tumayo nang maayos habang nagsusulat sa binder ko. Pigil na pigil naman ang tawa ni Jy at Katerina habang tinitingnan akong magpakakuba habang nagsusulat. Kasalanan nila 'to e. Kinwento nila ako nang kinwento kanina nang magkwento ako tungkol sa nangyari kanina sa hallway. Ayan tuloy, ako pinagdiskitahan nitong si Prof. Selvezstre. Pati sina Kano ay tinatawanan ako dahil kaklase ko sila ngayong umaga.

"Kung sino man ang naririnig kong nagbubulungan, feel free to leave. Ayokong naiistorbo ang klase ko." Napangiwi agad ako sa sinabi ni Prof at tamad na umayos ulit ng tayo. Ngalay na ngalay na ako at may sampung minuto pa bago magdismissal.

Nang hindi ko na kaya ang ngalay ay agad akong nagtaas ng kamay.

"Pwede na po ba akong umupo? May trabaho pa po ako pagkatapos ng klase niyo e." Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil doon. Nangingibabaw ang tawa ng dalawa kong magaling na kaibigan.

"Quiet! Ms. Guinverra, hindi ko gusto ang tabas ng dila mo." I pouted.

"Prof., seryoso po ako. May trabaho pa po talaga ako after ng klase niyo. Nakatayo po ako doon ng isang oras at hindi ko na po kaya kung tatayo pa ako dito ng ilang minuto. Hindi na po ulit ako mag-iingay."

The last thing I knew, nagtatawanan na kaming tatlo habang kumakain sa cafeteria pagkatapos ng klase at halos isang oras na pagtayo ko sa klase ni Prof Selvezstre. Hampas-hampas pa ako nung dalawa habang tumatawa.

"Saan ka nga ulit nagtra-trabaho?" Natatawang tanong ni Katerina. Sumeryoso ako at tumikhim muna bago sumagot.

"Sa Mcdo, ghorl. Pila bumibili, isang oras ako nakatayo, hays." Magsasalita pa sana ulit ako nang makita ko si Santos kasama ang mga kaibigan niya.

Agad naghampasan yung dalawa nang makita din nila. "Shet, si Uy! Bakit ang gwapo ba niya?!" Bulong ni Katerina habang ang mata ay nasa crush niya. Si Leewis Fin Uy. Varsity dito sa University. Psh. Mas gwapo pa din si Santos.

Driew Xgeon Santos lang malakas.

Agad akong nabuhayan ulit ng energy nang makitang napatingin sa 'kin si DX. 'Yon kasi ang tawag sakanya dito sa school. Ako lang talaga tumatawag sakanya ng surname niya. Mas gusto kasi nila yung DX dahil astig daw. Mas maganda nga lang sana kung XD. HAHHAAHAHXD.

"Himala... hindi mo binabati ang love of your life mo?" Biglang banat ni Katerina at hinampas pa ang braso ko.

"Nahiya ka na after ng mga sinabi mo kanina?" Tanong ni Jy. Agad akong umiling at inubos ang tubig na nasa bottle.

"Wala sa dictionary ko ang salitang 'hiya', 'no. Wala lang ako sa mood, mamaya ko ulit siya guguluhin. Pakainin ko muna siya."

Umismid yung dalawa.

"Ang kapal!"

Pagkatapos kumain ay dumeretso ako sa library para manghiram ng libro sa isa kong subject. Need kong mag-review dahil panigurado na may recitation at quiz na naman kay Prof. Kalimtang bukas. Alam-alam ko na mga tricks ng schedule niya e. Being her student for almost a year wasn't new. 2nd year college na ako ngayon at isa pa rin siya sa mga prof ko. Minsan nga, sarap mag drop sa subject niya. Pero syempre, joke lang. Nag-aaral ako ng mabuti.

Paalis na sana ako sa library nang may lumapit sa 'kin.

"Ikaw ba si Viely Guinverra?" Tanong ng isang estudyanteng babae sa 'kin, tingin ko ay freshmen.

"Ah, oo ako nga. Bakit?" Ngumiti siya.

"Ikaw pala yung isa sa scholar and dating top-natcher sa exam dito sa university."

In Your Dreams, VielyWhere stories live. Discover now