Chapter One

27 2 0
                                    

"I need all the requirements this afternoon. Make sure to pass all of it or else... you will fail on my subject. That would be all, DISMISSED."

Sabay-sabay na nagsitayuan ang mga kaklase ko at naglabasan na din yung iba. Nanatili akong nakanganga sa upuan at iniisip na kung anong gawain ang uunahin ko sa lahat ng sinabi ni Prof. Kalimtang. Ang daming gawain at mamaya na ang pasahan lahat. Feeling ko tatakbo na lang bigla si mama dito sa school para sunduin ang anak niya na nahimatay sa stress. Stress kasi siya, ghorl.

Ang stress ng Accounting!

"Mukha kang giraffe na nabali ang leeg, Viely." Inis kong tiningnan si Katerina at inismidan.

"Kung ako mukhang giraffe na nabali ang leeg, ikaw mukhang kambing na naipit ng truck." Tumawa siya nang malakas pati na si Jy na katabi niya.

Napatawa na lang din ako at inayos na ang mga gamit ko bago namin napagpasiyahan lumabas. Nasa hallway ang iba naming kaklaseng lalaki na agad bumati sa 'ming tatlo. Nangunguna si Kano na kaklase namin. Kano tawag namin dahil anak  araw raw siya at mukhang Amerikano. Pero one fact, hindi naman siya mukhang Amerikano. Mukha lang naman siyang nagko-kojic.

"Bakit ganyan mukha mo, Guinverra? Parang problemadong-problemado a. Hindi bagay sayo." Sinamaan ko siya ng tingin at sinipa nang bahagya.

"Wala kang pake. Meron ako ngayon, huwag mo akong inisin." Nagtawanan sila pati na sina Katerina.

Pagkaalis namin sa building namin ay agad kaming dumeretso sa field kung saan palagi kaming tumatambay para gumawa ng mga school works. Tahimik kasi dito at malakas ang hangin. Nasa ilalim kami ng puno kaya maganda dahil malilom. Kaso minsan, hindi talaga namin natatapos mga ginagawa namin kapag nagkwentuhan na. Lalo na kapag hindi na natigil ang bibig ko.

Pero sa sitwasyon ngayon, parang hindi ko kayang mag-ingay dahil ang dami ko pang gagawin! Hindi ako pwedeng bumagsak dahil isa akong scholar. Mabuti na lang din dahil dalawang subject ang vacant kaya matagal ang time bago ipasa.

"Viely para ka namang tanga diyan. Ayusin mo nga mukha mo." Inirapan ko lang silang dalawa at nilabas na lahat ang mga gamit ko. Nagsimula na agad akong gumawa ng mga gawain at nagpasak ng earphone pero walang tugtog. Gusto ko pa rin makasiguro kung binaback-stab ba nila akong dalawa o hindi. Char.

"Oo gosh! Hindi ko nga alam na Accountacy din ang course nila! Ngayon ko lang nalaman dahil nasa bulletin board." Rinig kong pagkwe-kwento ni Jy kay Katerina kaya hindi na nila pareho matapos-tapos ang ginagawa. Pati ako na nagkwe-kwenta ay nalilito na dahil sa ingay nilang dalawa. Kung hindi lang ako busy ay baka nakipagchikahan na din ako. Baka nga boses ko pa ang nangingibabaw kung nagkataon.

"Eh si Uy kilala mo? Gags, ang pogi!" Impit na tiling sabi ni Katerina habang may paghampas pa kay Jy. Natatawa ako sa itsura nila pero pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Feeling ko mali-mali na tuloy sinasagot ko. Ayaw pa mag-balance!

Nanahimik silang dalawa ng ilang minuto kaya nakapagfocus ulit ako sa kinekwenta ko. Malapit na ako matapos magkwenta nang biglang sumigaw si Katerina.

"Tekneneng! Ang pogi talag---"

"Putragis na buhay!" Reklamo ko sabay balibag ng bag ko sa kanilang dalawa. Inis akong tumayo at lumipat ng pwesto hindi kalayuan sa kanila para makapagsagot nang maayos.

Narinig ko pa silang tumawa nang malakas habang iniinis ako. Manigas sila. Wala ako sa mood makipagchikahan.

"Balita ko may pinopormahan si Santos na babae." Rinig kong sambit ni Katerina kaya agad akong napatingin sa kanila.

In Your Dreams, VielyWhere stories live. Discover now