Chapter Three

16 1 0
                                    

"Hoy! Para ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa, Guinverra."

Loko ni Kano habang tumatawa. Andito kami ngayon sa library para maghanap ng mga informations about sa isang group activity sa isa naming subject. Sa kasamaang palad, kagrupo ko pa nga si Kano.

Feeling ko bumabalik ako sa elementary kapag nakikita ko 'tong si Kano. Dumadagdag lang siya sa mga problema ko.

"Pwede ba kahit ngayon lang, 'wag ka muna umimik?" Naiirita kong tanong sakanya na tinawanan niya nang malakas. Pati mga kagrupo namin na nasa lamesa ay nakitawa din.

Anong nakakatawa?!

Nanahimik na din naman siya nang sawayin siya ni Asila, isa sa ka-grupo namin.

Nagfo-focus ako nang malupitan sa paghahanap ng mga info nang marinig ko ang boses ng taong ayaw kong makita. Halos magda-dalawang linggo ko na siyang iniiwasan dahil medyo nasaktan ako sa sinabi niya sa 'kin noong nakaraan. Medyo nasaktan lang naman. Saktong busy din ako nitong mga nakaraang araw kaya wala akong time na guluhin siya. Siguro bukas o pagkatapos nitong activity namin, guguluhin ko na ulit siya. Pahinga lang ganon. Walang sukuan. Sanay na ako sa mga prangka niyang salita sa 'kin simula noong umamin ako sakanyang gusto ko siya. Easy.

"I can't find it. Ano bang exact title nung libro?" Rinig kong sabi niya sa kausap niya sa phone. Mahina lang 'yon dahil hindi siya pwede sumigaw at magtaas ng boses dito sa library.

Nasa may tagiliran namin siya kaya naririnig ko ang boses niya. Hindi pa niya ako nakikita dahil hindi ako nakaharap sakanya.

"Focus, Guinverra. Humahaba na naman leeg at tainga mo kapag andiyan si DX." Biglang singit na naman ni Kano kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nawala na din naman si Santos sa paningin at pandinig ko kaya nag-focus na ulit ako sa ginagawa.

"Good," Simpleng sambit ng prof namin pagkatapos naming mag-present. Napangiwi ako. Ang ganda-ganda ng presentation namin pero 'yon lang ang sasabihin niya! Tanggap ko pa sana kung uulanin niya kami ng mga tanong pagkatapos e.

"Next," Sambit niya ulit para sa susunod na grupo.

"Dami mong naambag, Kano." Sarkastikong sabi ko kay Kano pagkaupo namin. Tumingin siya sa 'kin at tumawa.

"Salamat," Seryoso niyang sambit kaya pareho kami ni Asila na napalingon, gulat na gulat.

"Wow ha, walang anuman." Sagot ni Asila kaya natawa ako bigla. Hindi niya matanggap yung pagpapasalamat ni Kano dahil pailing-iling pa siya. Wala naman kasing naiambag e. Tumayo lang sa unahan, amp.

"Akala mo naman may naiambag..." Rinig kong bulong pa ni Asila kaya pasimple akong tumawa.

Pagkatapos ng klase ay dumeretso ako sa milktea shop sa labas ng university. Noong isang araw kasi ay natanggap ako doon bilang part-time. Tuwing Miyerkules lang dahil mahaba ang vacant time ko. Tatlong oras ang vacant ko sa umaga ngayong araw kaya saktong-sakto para sa trabaho. Saktong ala-una ay babalik na ako sa school para sa simula ulit ng klase.

Maganda din dahil isang way na 'yon para makatulong ako sa gastusin sa bahay. Dati din naman ay nagpapart-time ako sa isang shop din. Kaso nag quit ako noon dahil sa sobrang busy sa acads. Siguro naman ngayon ay kaya ko namang pagsabayin. Hindi na ako nangangapa.

"Aga mo a," Nakangiting bungad ni ate Maria, ang manager ng milktea shop. Ngumiti ako nang malapad at agad na ibinaba ang bag ko para kumuha ng t-shirt, apron at plastic gloves. Nakapag briefing na din kasi ako noong isang araw.

In Your Dreams, VielyWhere stories live. Discover now