Chapter 6

47 12 44
                                    







Chapter 6



"BUNSO, MATAGAL KA PA BA D'YAN?" rinig kong sigaw ni Kuya mula sa labas, narito kase ako sa CR naliligo.

"Hindi pa Kuya, siguro mga 15 minutes pa,"sigaw ko pabalik

"15 MINUTES? BUNSO NAMAN! KONTING BILIS, LALABAS NA ITO. HINDI KO NA KAYA"

"Tiisin mo muna Kuya, 15 minutes nalang naman e, si Ate Lorraine nga natiis mong maghintay nang 10 years, 15 minutes pa kaya?"

"IBA NAMAN YUN E, UGH! BUNSO HINDI KO NA KAYA, LALABAS NA TALAGA"

"MAGTIIS KA!" sigaw ko pabalik.

Mahigit ilang oras na akong nandito sa CR naliligo, hayst ang dami kasing kuskusin sa katawan ng babae. Syempre, kailangan malinis ka.

"BUNSO! HINDI KA PA BA TAPOS? HINDI KO NA KAYA"

Hayst! Ito talagang si Kuya hindi makapag hintay, sabi nang 15 minutes pa. Kanina pa kase sya na e-ebak mga t'yong, haha. Tinatawag nang kalikasan. Ang dami nya kasing kinain na Fish ball kanina pagkatapos nang practice. Nang libre kase si Raymond dahil sila ang nanalo sa game. Mga 2nd year college ang nanalo at dahil libre, syempre hindi Hi-hindi-an  ni Kuya yan, matakaw pa yan sakin mga repa, lamtakin mong halos isang daang fish ball ata nakain nya.

Nang matapos ang game at matapos manlibre ni Raymond nag si uwian na ang iba, at dahil wala ang hinayupak na kapatid ni MOO, kami na ang naghatid sa kanila pauwi. Hindi na dumating sa practice game kanina yung baklang damuho na yun, Hindi namin alam kung sa ang lupalop na nang mundo nagsususuot yun. Wala rin sya sa bahay nila kanina nang ihatid namin si Catrina my loves.

"BUNSO!"

Napaikot ang mga mata ko, Jusmiyo mariposa garapon hindi pa rin pala nakakagawa nang paraan si Kuya kung paano sya e-ebak. Agad ko nang kinuha yung towel at itinapis sa katawan ko. Tska sinuot yung t-shirt ko. Binuksan ko na ang pinto at lumabas.

Napatakip naman agad ako nang ilong nang umalingasaw ang mabahong utot ni Kuya, "Yuck! Kuya! ang baho!"agad namang nag madaling pumasok sa CR si Kuya habang hawak hawak ang puwetan nya. "E, kanina pa ako natatae ang tagal mong maligo!"giit nya sabay sarado nang pinto.

"Huwaw! Kasalanan ko pa?" turo ko sa sarili, "Kakain Kain kase nang marami hindi naman pala kaya," napailing akong umakyat sa kwarto ko.

Agad na akong nagpunas nang katawan at nag bihis. Naka pajama lang ako at nakasuot nang white t-shirt. Hihiga na sana ako para matulog nang marinig kong tumunog cellphone ko, kaya binuksan ko. Isang message mula sa Unknown Number.

Unknown Number : H1 KW@sH 2Log k@ n@ b@? 😄😄😄😍😍😍

"Ugh! Bwiset! Itong jejemon na naman"

Hindi ko na sana rereplyan yung text at matutulog na lang kaya lang bigla uli tumunog phone ko at nag text uli sya.

Unknown Number : KW@sH k0Ng ToMbOy n@ m@y b1g BOObS!!!

Nanliliit mga mata ko, teka parang pamilyar yung sinabi nya ah

Ako : Anong Kailangan mong hepatutak na jejemon ka?

Unknown Number : W4L4 N4M4N KW@SH, M4NG4NG4MUST4 L4NG S4NA 4H3H3H3😅😅😅. 4L4M Mo KW4Sh uN4Ng  m4k1t4 p4l4Ng k1t4, 1KnOw 7H47 YoU 4R3 7h3 On3😍😍😍😘😘😘


Kinilabutan naman ako sa pinagsasabi nya. Lintik na jejemon toh hindi ko mabasa mga pinagsasabi nya.


Ako : Hoy Kupal ka! Kung sino kamang jejemon ka tantanan mo ko ha, ang sakit sa eyes nang mga pinagtetext mo, hindi ko maintindihan,humanap ka nang jejemon na ka uri mo!


Ni off ko na agad yung phone at nahiga na sa Kama. Pinagmamasdan ko ang kisame, napapikit ako nang mariin.

Ang daming gumugulo sa Isip ko, tulad nang pang hihinala ko sa jejemon na nag tetext sakin araw araw, nang banggitin nya yung TOMBOY NA MAY BIG BOOBS! Ang baklang damuho na si Lawrence Augustus agad ang sumagi sa isip ko. Siya lang naman kase yung damuhong mahilig tumawag sakin nang ganun. Aish! Ewan! Ang gulo!


Tapos yung mga titig ni Cat kay Kuya kanina, hindi nama sa pinagdududahan ko na si Catrina my loves, pero kase--- yung mga tingin nya kay Kuya mula pag punta nya dito sa bahay hanggang matapos ang game, nakay Kuya lang ang atensyon nya. Nagsasalita ako pero parang wala lang syang naririnig, hindi ko Alam mararamdaman ko, na-Nasasaktan ako......

Ugh! Bakit ba ang gulo!

Muling dinilat ko mga mata ko at tska sinabunutan ang sarili“Ugh! Nakakainis! Hindi ako makatulog!”tinignan ko yung oras na nasa wall clock ko. “Mag a-alas dose na pero hindi pa rin ako makatulog!”muli kong sinulyapan yung phone ko na nasa ibabaw nang study table ko. “BWISIT KANG JEJEMON KA BAKIT MO BA GINUGULO ANG ISIP KO!!!” kinuha ko yung unan ko at ibinato sa wall clock.


Napabalikwas ako sa gulat nang marinig kong may bumato sa bintana nang kwarto ko. Nang lingunin ko kung anong bagay ito, isang bato na naka balot sa papel. Agad ko namang kinuha ito at binasa yung nakasulat sa papel.


HUW4G K4N4 PO M41N1S KW4SH, L1NGON K4 S4 B1NT4N4 MO

Kainis na jejemon ito, hanggang sa pag sulat ba naman jejemon pa rin! Kunot noo ko namang binuksan nang malaki ang bintana nang kwarto ko, may isang lalaki akong nakitang naka tayo sa tabi nang poste. Nakasuot ito nang black jeans, white t-shirt at na naka jacket na black at may suot na black cap, dahan dahan naman nitong  ini-angat ang ulo nya. Hindi ko masyadong ma aninag ang itsura nya dahil sa dilim.


Kinuha nya yung phone nya at parang may tina-type, nanlaki ang mga mata ko nang itapat nya sa mukha nya yung phone at makilala ang itsura nya. Nakangiti nyang iwinawagayway ang phone nya,


Habang ako ay nananatiling nakatulala at parang di makapaniwalang siya yung jejemon na nang cha-chat sakin.



“I-Ikaw........”


Bisexual In Love (Ongoing)Where stories live. Discover now