Chapter 1

125 12 18
                                    







Chapter 1


Ang sabi nila, Ang babae ay para sa lalaki lamang at ang mga lalaki ay para sa babae. E paano naman kaming mga kasali sa LGBTQ+? Ano naka tengga nalang kami? Ang hirap kase sa panahon ngayon marami nang mapanghusgang tao sa mundo. Hindi nila iniisip ang mararamdam nang kapwa nila. Ang mahalaga lang sakanila ay ang manghusga at manglait nang kapwa.

Hello? Tao rin naman kami mga t'yong! May damdamin at Nasasaktan.


Ewan ko ba ba't ang daming nagsasabing  sinasayang ko yung ganda ko at may mga ibang nandidiri sa'kin dahil Bisexual ako,


Oo. Bisexual ako, may angal ka?

Paano ako naging Bisexual? Simple lang, pag gising ko isang araw, natagpuan ko nalang ang sarili ko na isa na pala akong Bisexual. Ang galing 'di ba? Haha.

De, biro lang. Basta, isang araw pag gising ko. Natagpuan ko ang sarili kong nagkaka gusto na sa both gender. Weird 'no?


Ang mga pananamit ko, ay bumabase sa mood swings ko. Alam n'yo 'yun mga repa? 'yung trip mo magsuot nang pambabaeng damit kase bigla mong nakita 'yung crush mo. Na crush rin nang sambayanang pilipino, De jok.  Pero syempre bigla rin magbabago takbo ng isip mo kase nakita mo 'yung babaeng nagpapatibok nang puso mo at nag papasaya sa'yo, kaya bigla mo nalang maiisipan na magsuot nang panlalaking damit. Para mag mukha kang gwapo sa paningin n'ya.

Ewan ko ba sa utak ko, ang weird n'ya diba?

Hoy! Hindi ako weird 'no! Kasalanan ko ba kung shunga ka lang talaga?


Luh! Sumasagot rin pala 'yung utak?

Pero teka lang mga repa, baka kase iniisip n'yo na d'yan na kaya ako naging Bisexual dahil na broken hearted ako. Mali kayo dun mga repa.

Wala akong naging Boyfriend.
NBSB kaya ako, No Boyfriend Since Birth. Wala kase sa bokabyularyo ko ang mag boyfriend at girlfriend. Wala lang trip trip lang. Tawag sa'kin nang iba e, chxboy raw ako. Pero Wala akong pake sa kanila.

Hanggat may isang taong naniniwala sa akin na hindi ako ganun at iba ako sa sinasabi nang lahat, hindi ako mawawalan nang pag-asa.

LJ nga pala, ang pinaka Gwapong Magandang Bisexual sa lugar namin.

“MOO!”napa lingon ako sa likuran ko, napa ngiti ako nang malapad nang makita ko ang MOO - My One and Only ko.

Naglalakad na s'ya papalapit sa'kin. Ang ganda n'ya, ang ganda ganda n'ya talaga. 'yung ngiti n'ya, nakakalaglag panga.

Catrina Leanisha Misterio, My One and Only Girl Best Friend. Ang nag iisang babaeng nagpapatibok nang puso ko. MOO ang tawagan namin. Para sakanya, wala lang 'yun siguro. Pero para sa'kin may ibang meaning 'yun.

Para sa akin kase, ang pagmamahal ay walang kasarian and loving in the same gender is not a crime. Hindi mo naman kailangan na magmahal  ng magka ibang gender, Tska hindi mo din  mapipilit ang isang tao na magmahal nang isang lalaki or babae para lang maging katanggap tanggap ka sakanila. Love is what one feels. Tska kung mahal mo , mahal mo. LOVE HAS NO GENDER.


“Moo, kanina mo pa ba ako hinihintay? Pasensya ka na ha, si Kuya kase ang tagal tagal n'yang mag ayos! Inabot na nga s'ya nang ilang oras sa kakatitig sa salamin kung ayos na ba ang suot n'ya.”

“Ayos lang, kararating ko lang rin naman,” naka ngiti kong sambit. actually dalawang oras na akong nanghihintay sa'yo dito Cat.

Naglalakad lakad na kami papunta sa classroom. Halos lahat nang nadadaanan namin ay napapatingin samin ni Cat, sa ganda ba naman nang kasama ko, sinong hindi maiinggit sa gwapong katulad ko.

Nakasuot na plain white dress si Cat, naka heels rin s'ya. habang yakap yakap n'ya ang books n'ya. Samantalang ako, Nakasuot naman ako nang oversized shirt, jeans , rubber shoes, and baseball cap.

“CATRINA LEANISHA MISTERIO!” napa tigil kami sa paglalakad dahil sa poncho pilatong tumawag sa buong pangalan ni Cat

Nang lumingon kami sa likuran halos masuka at mandiri ako sa paparating na naglalakad papalapit samin.

“Bakit kasama mo na naman 'yang tibong 'yan?!” nangunot naman ang noo kong pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan ko.

“Hoy! Excuse me! Hindi ako tibo!”

“Pinopormahan ka ba nang tomboy na 'to? Naku sinasabi ko sa'yo Catrina ngayon pa lang e reject mo na 'yan!”

“Teka nga! Ano bang problema mo sa'kin ha? Lawrence Augustus Misterio?” pag banggit ko sa buong pangalan n'ya.

Oo. Siya si Lawrence Augustus Misterio ang nakatatandang kapatid ni Catrina Leanisha Misterio na BEST FRIEND ko. Take note, Hindi s'ya straight guy. Dahil bakla s'ya! Yes! Bakla s'ya mga kaibigan.

“Eww! For your information pwet mong may lotion huwag hawakan baka ma impeksyon,   Lawrencia is my name!” giit n'ya. Nakita ko pa 'yung pag-irap n'ya sa'kin. Oh see? Sabi sainyo e, bakla talaga s'ya mga t'yong!

“Excuse me ule,”

“Oh daan ka na,” kunwaring nag bigay pa s'ya nang daan.

Inirepan ko naman s'ya. “Huwag ka ngang pilosopong bakla! Ang panget mong bakla!”

“Huwaat? Me? Panget?! Dzuuh mas pretty pa ako saiyo. Hiyang hiya naman ang beautyness ko saiyo. Tska, Hindi ako panget 'no, Gwapo ako!”

“Gwapo nga, Bakla naman.”

“Aba't!”

“Ahh Kuya? Tama na please. We are just friends and isa pa, Kuya look oh pinagtitinginan na tayo. Tska kuya ano ba 'yang nasa itaas nang buhok mo?” pfft! Muntik na akong matawa nang makita ko kung ano nakalagay sa buhok n'ya. Naka puyod lang naman ang buhok n'ya sa gitna at may headband na panyo.

“Manahimik ka nga! New stylish ko ito! At Ikaw tomboy ka!” dinuduro duro n'ya pa ang noo ko. “Ang kulet nang lelang mo, sabi nang hindi ako tomboy, Bisexual ako okay.”

“Pake ko kung Bisexual o kung ano ka man, Binabalaan kita, huwag Kang didikit sa kapat–––”natigilan naman s'ya sa sasabihin n'ya at napa awang ang labi n'ya, napatutulala ito sa likuran ko.

“Oh bakit natigilan ka?” naka rinig kami nang tilian kaya napalingon ako sa tinitignan nang baklang 'to.

“KYAAAAAAH NANDITO NA SILA”

“OMG! ANG POGI TALAGA NI MIKE! ANG POINT GUARD NANG MADISON BASKETBALL TEAM”

“HINDE, MAS POGI SI RAYMOND! ANG THREE POINT SHOOTER NANG TEAM”

“ANO BA KAYO MAS POGI SI JOHN ANG TEAM CAPTAIN NG TEAM”

“NANDITO NA ANG BASKETBALL TEAM PLAYER NANG TEAM KYAAAAAH”

“ano ba 'yan! Ang ingay ingay nila, naririndi na 'ko!”atungal ko

Naglalakad na sila malapit sa gawi namin. Lahat sila nakasuot nang Jersey shirt nila may mga hawak pa silang bola at pawis na pawis halatang kakagaling lang nila sa practice.

“Leah Joy,” Loh! Si Kuya makatawag nang buong pangalan.

Oo. Ako ang nakababatang Kapatid nang Team Captain nang Basketball team player nang Madison, Walang iba kundi si John Louise Fernandez or JL for short.

“Oh?”

“Tss. Umayos ka nga! Bakit ganyan na naman ang ayos mo? Mag palit ka.” sabay hagis sa mukha ko nang naka paper bag na may lamang school uniform.

Loh! Problema ni Kuya sa suot ko? E ang astig ko nga pag ganito. Mas lalo akong guma-gwapo.

Humakbang nang konti si Kuya sa baklang Kapatid ni Cat, kaya mas malapit na sila sa isa't isa.

“Lawrence Augustus”titig na tawag ni Kuya

“Y-Yes? Baby?”


“BABY?!”

Bisexual In Love (Ongoing)Where stories live. Discover now