Chapter 7

36 12 80
                                    






Chapter 7


"KUYA JOHN NAMAN! BAKIT HINDI MO AKO KA-AGAD GINISING?"atungal ko habang pababa ng hagdan

"Aba,Bunso. Ano ako alarm clock mo?"naka pamewang na usal ni kuya habang nag hahanda ng agahan."Tska, ang laki laki na nang alarm clock na naka lagay sa loob nang kwarto mo, hindi ka pa rin nagising? Aba'y tulog mantika ka ata, bunso. Hindi kaya....."nanunuksong tingin at ngisi ang ibinato sakin ni kuya

Nagsalubong naman ang mga kilay ko dahil sa tono nang pananalita nya,"Hindi kaya ano? Pwede ba kuya, deretsahin mo na nga ako, huwag ka ngang pa suspense."iritang sambit ko.

"Hindi kaya,..... May boyfriend ka na?"napataas naman ang kilay ko sa sinabi n'ya, Juskoday! Tamaan man ako nang kidlat dito mismo sa kinatatayuan ko, isinusumpa kong hinding hindi ako mag b-boyfriend. Hello? Mga t'yong,Gwapong maganda lang ako pero hindi wala sa wisyo ko ang magkaroon nang boyfriend. Girlfriend pwede pa, tska pa crush crush ganun,"Ayieeee si bunso, nag dadalaga na yieee"ma pang-asar na wika nito

"Ayieeee si kuya, pag hindi pa tumigil tatama na sakanya itong basong hawak ko,"naka ngiting untag ko.

"Joke lang bunso! ikaw naman hindi mabiro, maupo ka na nga at kumain na tayo," ano, titigil ka rin pala kuya e, haha. Naupo na ako sa tapat nya. Kumuha ako nang hotdog at sinangag.

"Bunso, may itatanong sana ako sayo,"usal ni kuya habang kumukuha narin ng pagkain nya.

"Sige lang kuya, mag tanong ka lang huwag lang math. Dahil ang sagot sa tanong na 1 + 1 ay Magellan,"usal ko habang nginunguya na yung pagkaing nasa bibig

"Bunso, ano kaya kung....."

"Kung?"subo ko uli sa kinakain ko

"Paano kaya kung....."

"Kuya! Ano ka ba naman? Bakit hindi mo pa deretsahin, pa suspense ka naman masyado, Kailangan mo ba nang pera? Mangungutang ka sakin nang pambili mo nang bagong brief dahil hindi mo mahagilap yung mga brief mo na nawawala? Nako kuya ha, wala akong pera, tska huwag na huwag mo akong pag bibintangan na kinukuha ko yung ilang brief mo at sinusuot, nako hindi ah, wala akong kinalaman dyan, nag t-testing lang ako kung bagay ba sakin, pero maniwala ka, hindi ko talaga kinukuha mga brief mo at mas lalong Hindi ko sinusukat---amp!"napatigil ako sa pagsasalita dahil biglang pinasakan ng hotdog ni Kuya yung bibig ko. Nabulunan tuloy ako, agad akong kumuha nang tubig.

"Ang dami mo namang sinabi, ayaw mo nalang sabihin na kinuha mo yung brief ko at sinukat mo. Ikaw talaga bunso, Pero ito nga yung tanong ko,"

"Ano nga kase yung tanong mo?" sabay lagok ko nang tubig

"Bunso, Paano kung bakla ako---Ugh!" agad na napatayo si Kuya dahil na ibuga ko sakanya yung tubig na iniinom ko," Bunso naman! Kakaligo ko lang!"nasamid uli ako dahil sa sinabi nya.

"ANO?! WHAT?! KUYA BAKLA KA?! SO KA URI MO RIN YUNG BAKLANG DAMUHO NA KAPATID NI MOO? YUNG BAKLANG ANG HILIG PUNAHIN ITONG HINAHARAP KO?"sabay turo ko sa dibdib ko.

"HUWAG KA NGANG OA! ANG SABI KO LANG, PAANO KUNG BAKLA AKO, HINDI KO SINABING BAKLA AKO! UMAYOS KA NGA! SA GWAPO KONG ITO? AKO? BAKLA? LUL!"

"e ba't defensive ka?"

"W-wala, trip ko lang. Bakit ba?! Pumasok ka na nga! Late ka na!"

Namilog ang mga mata ko, naalala ko may klase pa nga pala kami. Late na ako sa 1st subject kaya matik na nag cut classes ako. Hayst! Bawi na nga lang ako next time, "O, sige Kuya Alis na ako. Kita nalang tayo mamaya,"kinuha ko na yung bag ko

"Sige,"pag tango ni Kuya

Malapit na ako sa may  pintuan nang lumingon ako sakanya, "Kuya, Hindi ka bakla ha,"

"Hindi nga! Umalis ka na nga!"

"Hindi talaga ha?"

"Sinabi nag hindi!"

"Hahahaha e, ba't defensive ka? nagtatanong lang naman ah,"

"Pag dika pa umalis, Ibabato ko na saiyo itong mga Plato"

"Hahahaha! Joke lang Kuya! Ikaw naman Hindi mabiro, sige aalis na ako,"

"Geh"

"Hindi ka talaga bakla ha,"pahabol ko

"Isa!" agad na akong Kumaripas nang takbo HAHAHAHA ang saya talagang makitang na a-asar si Kuya, HAHAHA

Naglalakad na ako papuntang sakayan nang jeep nang may makita akong dalawang babae na pinag-iinitan ng mga lalaki.

"T-tama na! Maawa kayo, pakiusap wala na talaga kaming pera, pakawalan nyo na kami"

"HAHAHAHA awa? Hindi uso samin yun,hindi ba pare?"

"Oo nga, ilan kaming maghahati-hati oh, tapos ibibigay nyo lang limang daan? Nagpapatawa ka ba?"

"E, sawala na kaming pera e! Bakit ba hindi kayo manghingi ng pera sa mga magulang nyo, o mag hanap ng trabaho, mga palamunin!"

"Avery! Huwag! huwag ka nang magsalita maslalo lang nila tayong pag-iinitan,"

"Abaaa, matapang ang isang ito,"

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!"

"Maganda pre, ang sarap tikman"

"Hoy! Bitiwan mo si Avery! Ano ba! Nakuha nyo na ang gusto nyo, pwede ba pakawalan nyo na kami, paki usap naman"

"Alam nyo, ang mga katulad nyong hindi nagbibigay nang lagay samin nang na-aayon sa patakaran dapat pinaparusahan, Hindi ba?"

"Oo, maganda pa naman ang isang ito pre, arbor ko na ito"

"Aaaah! Bastos!"

PAAAAK!

"Aray! Tarantado ka ah!"

"Argh! Bitiwan mo ako! Ano ba nasasaktan ako!"

"Talagang masasaktan ka!"

"Bitiwan nyo si Avery! Avery!"

"Manahimik ka, Tomboy!"

Agad na sinikmuraan nang matabang lalaki yung tomboy, sinasabunutan naman nung payat na mukhang adik yung Avery, Kailangan ko silang tulungan. Nagpalinga linga ako, naghahanap nang kahoy na pwedeng gamitin pang laban sa kanila.

"Ayun!"agad kong kinuha yung tubo na katabi nang basurahan.

"Argh! Ano ba bitiwan mo ko!"

"Ano ba?! Ang likot likot mo, kapag hindi ka pa tumigil sisikmurahan na kita," akmang susuntukin nya na sikmura nito, lumabas na ako sa pinagtataguan  ko.

"Sige, Ituloy mo. Nang matikman mo bangis nang isang Leon"wika ko sabay inayos ang baseball cap na nasa ulo ko. Lahat sila napatingin sakin.

"Hah! At sino ka naman?"turo sakin nang matabang pandak na katabi nung tomboy na sinikmuraan nila.

"Ako? Ako si Batman."turo ko sa sarili ko

"AT AKO NAMAN SI SUPERMAN."






********

MAS MARAMING COMMENT MAS MAPAPABILIS ANG UPDATE☺😅✌🏻

Bisexual In Love (Ongoing)Where stories live. Discover now