Chapter 5

46 11 5
                                    




Chapter 5

"HI, SWEETHEART." bigla namang naghiyawan ang mga kasama n'ya nang tawagin n'ya akong sweetheart

"HI MO MUKHA MO! LUL! MUKHA KANG PWET NANG BASO!"

"Ang swerte naman nang baso, naihalintulad pa sa gwapong katulad ko," sabay ngisi n'yang sambit.

Naningkit ang mata ko, Teka si Lawrence Augustus na bakla ba itong nasa harapan ko? O isa lang itong malignong nagpapanggap na si Lawrence Augustus, o baka naman namaligno ang taong ito kaya kung ano ano pinagsasabi.

"GWAPO? SAAN BANDA? HINDI KO MAKITA" tinignan ko s'ya mula ulo hanggang paa. Naka suot s'ya nang Jersey shirt and short with red and black shoes.

"Boys," tawag n'ya sa mga kasamahan n'ya. Agad naman nilang kinuha ang mga hawak nito. "Open your eyes, sweetheart. Nakapikit pa kase 'yang mga mata mo kaya hindi mo makita." mas lalong nilapit n'ya ang mukha n'ya naaamoy ko na ang hininga n'ya. Ang bango amoy tint mentos.

"Huh! Kahit nakapikit ako, hindi ka pa rin gwapo sa paningin ko, si Daniel Padilla lang ang natitirang gwapo sa mundo,"bigla naman akong napahawak sa dibdib ko at napatulala, nag I-imagine na ikakasal ako kay Daniel Padilla kung sakaling mag balik loob ako sa pagiging babae, "How I wish I could be her Kathrine Bernardo---Aray!" nasa kalagitnaan na ako nang pag I-imagine kung saan hahalikan na ako ni Daniel Padilla nang bigla akong pitikin sa noo nang hepatutak na baklang damuho na malas sa buhay ko.

"Bwiset ka! ang sakit nun ha! Baka nakakalimutan mo, hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo sakin kanina. Tinamaan mo ako nang pesteng volleyball mo sa noo ko kaya may bukol ako ngayon!" sabay pakita ko sakanya nang bukol.

Sinilip n'ya 'yung bukol sa noo ko,"Sus! Para kagat lang yan ng langgam" sabay tinulak n'ya noo ko gamit hintuturo n'ya.

"Aray! Punyemas ka! Alam nang masakit hahawakan pa!"

"Haha, sorry na sweetheart. Huwag ka nang magalit,"

"SWEETHEART-IN MO YANG MUKHA MO!"

"Yieeeeeee" pang a-asar nang tatlo

"TSE! MAGSAMA SAMA KAYO!" paalis na ako palabas nang pintuan ngunit napatigil ako.

"M-MOO, a-anong ginagawa mo rito?"

"Hi, MOO. sabi kase ni Kuya may practice daw sila nang team, tinanong ko s'ya kung pwede akong sumama at pumayag naman s'ya. mapapanood natin kung paano maglaro ang mga kuya natin, MOO. sasama ka rin ba para mapanood ang kuya mo, MOO?"

"O-Oo naman!" masigla kong giit.

Haaay Diyos nang mga Mahabaging Bisexual, salamat at kahit papaano ay may kukumpleto nang araw ko. Dahil nandito na ang My one and Only Catrina my loves ko.

"Sus! gusto mo lang sumama dahil kasama kapatid ko e," rinig kong binubulong bulong nang impaktong nasa likuran ko na akala mo'y bubuyog bulong nang bulong kahit naririnig ko naman.

"Oh, Bunso. Sasama ka practice namin?" tanong ni Kuya na biglang sumulpot sa likuran ni Cat

"Oo, Kuya. Syempre ako pa? Dapat lang na kasama ako, dahil susuportahan ko ang pinaka gwapo kong kapatid"

"Haha. Nambola ka pa, okay tara na. TEAM." lingon ni Kuya sa mga kasamahan n'ya.

"OO!" sabay sabay nilang sambit.






NANG MAKARATING na kami sa Basketball Court. agad nang nag warm up ang mga players. Habang kaming dalawa ni Catrina my loves ay narito sa gilid nakaupo sa isang maliit na bench at pinagmamasdan lang ang team.

Bisexual In Love (Ongoing)Where stories live. Discover now