Chapter 10

35 5 13
                                    

Chapter 10

NAKAKABADTRIP NAMAN! Gusto ko lang naman umuwi, pero bakit kailangan ko pang makakita nang magjowang naglalandian sa daan. Grabe naman si ate girl makadikit sa braso nang jowa niya parang linta. Tapos ang ikli ikli pa nang suot na damit, kinulang ata sa tela kitang kita kona pinakatatagong itim na budhi niya. ang itim nang singit eww kaderder......gusto ko tuloy masuka.







"NAKAKAINIS!"sigaw ko sa daan habang sinasabunutan sarili ko. Naalala ko, nakalimutan kong dalhin yung bag ko at uuwi ako ngayon na basang basa at take note ha, naka sando lang!


Bwisit kase yung dalawa eh! Nakuuu wag lang talaga silang magpapakita sakin kundi titirisin ko sila.



"IKAW NA NAMAN?!"

"Oo bakit?"

"Anong ginagawa mo rito?"

"E, ikaw. ano rin ang ginagawa mo rito?"

"Bakit ko sasabihin sa'yo? Bakit close ba tayo?"

Linya ko yun ah! Kahit kailan gaya gaya itong baklang toh! walang originality.


"Hinde, open lang hehe"


"Aba! Linya ko yan ah! Mang aagaw ka naman masyado pre"giit ni Lawrence



"Mang a-agaw? Bakit anong inagaw ko sayo?"


Nagkatitigan lang sila. May gustong sabihin ang baklang Lawrence pero hindi niya masabi. Napatingin naman silang dalawa sakin.


"Loh!"napahawak ako sa dibdib, "huwag po, huwag po, bata pa ako"umiiling iling na sambit ko

"Gaga! Anong ka etchusan yan?"kunot noong tanong ni Lawrence.


Eh? Anyare? Kinuha niya na yung mop



"ang mabuti pa, tulungan kana nang beauty ko na maglinis. Hindi naman makakabawas sa pagiging pretty ko ang paglilinis. Hindi katulad mo, haggard na agad chacka pa."nag ngitngit naman ang ngipin ko dahil sa pang-iinsulto niya.



Tinignan ko naman yung isa na nasa tabi nang pinto


"Oh ikaw?"ngumiti naman siya at nag piece sign. Jejemon talaga.


"Syempre,tutulungan kita aking prinsesa,"nakangiting sambit nito tska kinuha na sa mga kamay ko ang basahan naramdaman ko pang pasimple nyang hinawakan ang kamay ko.



"Prinsesa pala ha,"hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang isang kulogo, nag tatanggal nang butones nang kanyang uniform.

Nginisian ko naman s'ya, mukhang magandang asarin ang isang toh,"bakit selos ka?"nakakalokong ngising sambit ko. Agad naman nagbago ang expression nang mukha nito na ngayon ay nakabusangot na. Haha! Ano asar talo ka pala e Hahaha.


"Sige lang, mang asar ka lang. Pero tandaan mo ang sinabi ko,"kinuha nya na yung mop,"I'll make you mine, sweetheart,"bulong nya bago nag simulang mag mop, parang may kung anong kuryente naman ang dumaloy sa tenga ko nang bumulong ito.

Bisexual In Love (Ongoing)Where stories live. Discover now