Chapter 8

38 10 102
                                    







Chapter 8



"AT AKO NAMAN SI SUPERMAN."kunot noo akong napalingon sa likuran ko, at sino namang extra ang sumali sa eksena ko?

Ako lang dapat ang Bida dito, bakit may superman na umeepal sa scene na 'to?

Paglingon ko sa likuran ko,nagulat akong napatingin sakanya,"Anong ginagawa mo rito?"

"Edi ano pa? Edi sinundan ka, ang tagal tagal mo namang lumabas nang bahay nyo, kanina pa ako naghihintay sayo e, late na tuloy tayo sa 1st subject."atungal nito

"Aba! Sino bang nagsabi sayo na maghintay ka nang napaka tagal sa labas nang bahay namin? Sinong shunga?"

"Ako! Pero kasalanan mo kung bakit ako na late, may quizzes pa naman kami sa 1st subject ko. Na late ako nang dahil sayo, kaya ilibre mo ako mamaya,"

"Ano ka sinu-swerte? Bakit kita ililibre? E kasalanan mo naman kung bakit ka na late, may pa hintay hintay ka pang nalalaman sakin, bakit close ba tayo?"

"Hinde. Open tayo diba?"

"Hoy ano ba?! Dito pa talaga kayo nag away na mag jowa kayo!"sigaw nang mataba

agad naman kaming napalingon sa kanya,"Loh?Kami? mag Jowa? Ulul! Hindi kami mag jowa! Tabachoy!" sabay naming bigkas. Nagkatinginan naman kami

Agad naman akong nandiri at napaiwas nang tingin nang kindatan nya ako. Eww! Yuck! Feeling artista ampotek, hindi nya naman kamukha si Daniel Padilla. Mukha syang baklang damuhong kulogo.

"Tumabi ka, ako nang bahala dito,"humarang si Lawrence sa harap ko

Hanep! Lakas maka agaw eksena nito, feeling superhero ang loko mga repa, e nanginginig naman yung tuhod!

"Huwag ka ngang epal, ikaw ang tumabi,"hila ko sakanya papunta sa likuran ko

"Ang dami nyong satsat! Jeffrey, Justin, banatan nyo," utos nang mataba

"Oo! kami nang bahala sa dalawang ito"wika nang payatot na mukhang adik, si Jeffrey

Dahan dahan silang lumalapit samin, hawak ko na ang tubo na ipanghahampas ko sakanila, tinignan ko naman kung anong ginagawa ng isa, napa face palm agad ako at napapikit nang mariin nang makita kong nandun sa kabilang sulok ang baklang damuhong kulogo na naka upo nang pambabaeng dekwatro, hawak hawak ang salamin at sinusuklayan ang buhok gamit ang mga daliri nya.

Punyemas talaga itong baklang ito walang ambag sa lipunan! "Hoy! Anong ginagawa mo? Bakit nakaupo ka lang dyan?" Nakakayamot talaga ang isang ito, kung pwede nga lang na sya na muna unahin kong patumbahin, ginawa ko na.

"E, diba sabi mo huwag akong epal, at tumabi nalang ako, oh ngayon nandito nako sa isang tabi, nagpapaganda, alam mo kase na haggardo verzosa na ang peg ko, kakahintay saiyong impakta ka. Ang tagal tagal mong lumabas sa lungga nyo, so itech, retouch muna ang beautyness ko, para mamaya pag nagkita kami ni John Louise, pak! Oh bongga! Fresh na fresh ang beauty ko dzaaay,"napaikot naman ang mga mata ko sa pinagsasabi nang hinayupak na ito.

Ugh! Mahabaging diyos nang mga Bisexual, utang na loob Ilayo nyo sakin ang impaktong baklang damuho na ito sa harapan ko baka mag dilim ang paningin ko at sakanya ko maihampas itong tubo na hawak hawak ko.

"Wala ka talagang kwenta! Wala kang ambag sa lipunan! Letche ka!"

"HAHAHAHAHA aba, kita nyo nga naman, bakla pala ang isang yun, HAHAHAHA"

"HAHAHAHA isang tomboy, at isang bakla! Mga salot sa lipunan!"agad nag init ang ulo ko sa sinabi ng pandak na si Justin

"IKAW...."tinapunan ko sya nang matatalim na tingin, "lagot ka saking pandak ka,"agad na akong sumugod

Nang papalapit na sya, hinawakan ko na nang mahigpit ang tubo at inihampas sa tuhod nito. umaray naman ito at napaluhod, naramdaman kong may nasa likuran ko kaya akma ko nang ihahampas sa likuran ko ang tubo nang biglang hawakan ng pandak na ito ang hita ko. Paglingon ko sa harapan ko, isang malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ko.

Pakshet! Mga t'yong ang sakit!

"Hoy! Gagi ka, bat mo sinampal yan? Lagot ka sakin!" sigaw ni Lawrence na napa tayo sa kinauupuan nya kanina.

Punyemas ka kasing bakla ka! Bakit paupo upo ka lang dyan!

"HAHAHA Bakit may magagawa ka ba?" Akma nyang sasampalin uli ako kaya napapikit na ako. Dahil masakit pa ang pagkakasampal nya sa akin.

Ilang segundo pa ang lumipas wala parin akong nararamdamang dumadamping palad sa pisnge ko, nang imulat ko ang mga mata ko nakita ko si Lawrence na tinatadyak tadyakan na yung matabang nag babantay kanina sa dalawang babae. At ang dalawang lalaking naka sagupa ko naman ay binubugbog na nang isang matangkad na lalaki, Parang nakikilala ko ang ayos nang pananamit nya, maging ang pananalita nya.

"Tama na boss, tama na, hindi na kami lalaban" nag mamaka-awang sambit nang mga ito.

"Subukan nyong saktan uli ang prinsesa ko, hindi lang yan ang aabutin nyo,"

"Pangako, hindi na po mauulit, hindi na po mauulit,"todo paghingi nang patawad ang dalawang yun sa lalaking matangkad.

"Sige, umalis na kayo."malamig na tugon nito sa dalawa at nagsitakbuhan na paalis.

"Oh? Ano pang hinihintay mong tabachoy ka? Umalis na mga kasama mo, sige umalis ka narin!"rinig kong sigaw ni Lawrence sa matabang nakalupagi na sa sahig dahil sa ginawang pagtatadyak ni Lawrence sakanya.

Nakatuon ang atensyon ko sa mestizong lalaking matangkad, maganda ang pangangatawan, may matangos na ilong at kulay brown eyes. Nakangiti sya habang papalapit na sakin, Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang nasa harapan ko sya ngayon, at nakikita sa malapitan, sa maliwanag.


Siya ang dahilan kung bakit napuyat ako kagabi, at sya rin ang dahilan kung bakit gulong gulo ang isip ko, nagtataka at ang daming tanong na bumabagabag sa aking isipan.

Naramdaman ko namang lumapit sa tabi ko yung dalawang babae at si Lawrence.

"Maraming salamat sa pagligtas nyo sa aming dalawa, ako nga pala si Avery"

"Salamat mga pare, ako si Lebayn, LB nalang for short." pagpapakilala nang dalawa, kaya nilingon ko na ang mga ito.

"Wala yun,"sambit naming tatlo, nagkatinginan naman kaming tatlo,nila Lawrence at nang matangkad na lalaki.

"Papasok na kami, sige mauna na kami, late na kami sa 1st subject namin e"

"Sige girls, ingat kayo sa daan. Baka majombag ule,"napairap naman ako sa pahabol nang baklang damuho na ito sa dalawa.

"Sige, bye!"

"Oh ano? Tara na, late narin tayo, late na nga tayo sa 1st subject pati ba naman sa second subject? Edi sana hindi nalang tayo pumasok" giit nito.

"Hoy tibo!"tawag ni Lawrence pero diko kinikibo, nakatingin lang ang mga mata ko sa taong nasa harapan ko ngayon,

"Sasabay narin ako sainyo,"wika nito.

"Ano?! Pare, salamat sa pagtulong mong iligtas yung dalawang babae pero pare, kung gusto mong pumasok, mag isa kang pumasok,"

"Masakit pa ba?"

"Ha? Anong pinagsasabi mo? Paano ako masasaktan e ni hindi nga ako pinagpawisan" sagot ni Lawrence sa tanong nya.

Napaka assuming naman nang hepatutak na ito, hindi naman sya yung kinakausap, dahil sa akin mismo nakatingin itong lalaking mestizo.


"Ayos ka lang ba, aking prinsesa?"

Bisexual In Love (Ongoing)Where stories live. Discover now