Chapter 9

35 10 57
                                    






HAAAAYST, HINDI KO KAYO MATIIS! KAYA, SIGE NA. MAG U-UPDATE NAKO. PERO TANDAAN NYO PARATI KONG SINASABI, MAS MARAMING COMMENT MAS MAPAPABILIS ANG UPDATE, KAHIT NA BUSY AKO SA PANONOOD NG NARUTO ESTE SA PAG AARAL NANG MODULE KAYA KO PA RIN GUMAWA NG UPDATE, BASTA SIPAGIN LANG KAYO MAG COMMENT NYAHAHAHAHA, TAMA NA ANG SATSAT! SIMULAN NA ANG PAGBABASA!!!



ENJOY READING MGA T'YONG!😁✌🏻








Chapter 9








NAKASAMBOL ang mukha kong ubod nang gwapo at walang katulad na kagandahan habang nagkaklase ang pinaka boring na Professor sa tanang buhay ko. Char!

Ewan ko ba mga repa, pero feel ko maging babae ngayon. Kaya heto, naka suot babae ako ngayon. Suot suot ko ang school uniform namin. Ang ikli nang palda above the knee s'ya mga repa. Kaya litaw na litaw tuloy ang mapuputi kong hita. tapos white long sleeve naman ang pang itaas ko. Naka pony tail narin ang ayos ng buhok ko at naglagay lang ako nang konting pulbos at lip gloss sa labi para naman maging pinkish. Para pag hinalikan ako ni Moo, refreshing. Haha, de biro lang mga repa, malaki respeto ko kay Moo. Muli kong tinignan ang suot ko. Ngayon ko lang napansin na parang Japanese style uniform pala itong uniform namin.

Kung sabagay, paano ko nga ba mapapansin kung laging suot suot ko ay T-shirt at jeans samahan mo pa nang baseball cap at rubber shoes. Nux! Sobrang gwapo ko pala talaga pagnakasuot ako ng ganun. Pero, iba ngayon mga repa. Iba ang aura ko ngayon. Gaya nga nang sabi ko nuon, ang pananamit ko ay bumabase sa mood swings ko. At dahil girlalu ngayon ang na tripan ko, sige pagbigyan na. Minsan lang naman mangyari ito sa loob ng isang taon.

"Okay Class Dismiss." Yown! Sa wakas! Tapos narin mag lecture itong si tatang, ang tanda tanda na kase ayaw pa mag retiro. E, kung sa bahay nalang sya nagpapahinga edi lalakas pa resistensya nya at tatagal pa buhay nya.

Oh, ayos ba mga t'yong? Kahit na Gwapong magandang bisexual na brutal ako, e may pusong mamon parin nama ako. Hehe.

Tatayo na ako at akmang maglalakad na paalis nang biglang humarang naman itong si tatang sa daraanan ko. Naku, tatang. Kung may balak kang mag pa-picture sakin  dahil nahihiwagaan ka sa nakikita mo ngayon, naku wala akong time para d'yan dahil may isang taong gusto akong makausap. At Kailangan rin naming magkalinawan.

Biglang sumagi sa isip ko yung tagpo kanina, at maulingan ang huling sinabi n'ya.

"Ayos ka lang ba, aking prinsesa?"

Hinila na agad ako nang baklang damuho bago pa man makapag salita uli ang lalaking jejemon na iyon.

"Hoy baklang damuho!"tulak ko sa likuran nito. "Baka gusto mo nang bitawan ang kamay ko, hindi mo ba nararamdaman na mamawis na oh, tska ang kapal rin nang apog mong hawakan ang kamay ko e hindi naman tayo close"nagulat at natigilan ako nang tignan nya ako ng masama.

Humarap siya sa akin, bad trip! ang seryoso nang mukha n'ya ngayon mga t'yong! "Simula sa araw na ito, magiging akin ka na, Kung yung lalaking rin lang naman yun ang magiging Karibal ko sayo, sige seseryosohin ko na. Ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sayo."hindi ako makapag salita sa natutunghayan ko ngayon. Totoo ba ito? Ang isang Lawrence Augustus nag c-confess? ang baklang damuhong ito?  Weh? Hindi ako makapaniwala, napailing iling ako.

"A-ano bang pinagsasabi mo, hoy! ginu-good time mo ba ako?"inaasahan kong tatawa sya at sasabihing OO, NYAHAHAHAHA NA PRANK BA KITA? pero hindi e,

Bisexual In Love (Ongoing)Where stories live. Discover now