Chapter 11

27 4 0
                                    
























CHAPTER 11




"Oh anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo? Nakipag away kana naman ba? Sabihin mo, napa guidance na naman kayo ni rence 'no?"ratatatat ni Kuya pagpasok ko nang bahay.

Grabi naman, kadarating ko lang niratatatat na agad ako ni kuya nang sangkaterba niyang mga tanong. Wow ha, Hindi man lang muna ako paupuin or pagpalitin muna nang damit. Hanep rin itong kuya ko mga t'yong, tsk tsk tsk.

"Kuya, pwede ba pagpahingahin mo muna ako? Kase sa totoo lang, yung araw ko sirang sira na!"sagot ko habang ginulo gulo ang buhok at naupo sa sofa.

Narinig ko pang napa ‘tsk’ siya bago pumunta sa kusina para ikuha ako nang maiinom. Saglit naman akong napatingin sa suot ko at inamoy, pero anak nang tinolang masarap mga repa! Hanep! amoy imburnal nang amoyin ko sarili ko! Bwisit kase yung dalawang yun eh! Mas lalo na ang matandang hukluban nayun! Bwiset! saktong sakto talaga sa mukha ko pagkakasabog niya sakin nang isang baldeng may tubig na pinaglubluban nang mop! Peste! bwiset! Nakakainis! Hinding hindi ko makakalimutin ang araw na ito!

"yung matandang hukluban nayun!"nagngingitngit sa inis kong saad. Hindi ko na pansin na nakatayo na pala si kuya sa harap ko.

"Oh, bakit namumuyos ka naman sa galit d'yan? Oh ito tubig pampakalma"inabot ko naman yung tubig na hawak niya. "Eh paano kase,"ininum ko muna yung tubig bago nag kwento.

"Ahh so ganun pala yung nangyari,"tatango tangong saad ni Kuya habang nakangising nakatingin sakin.

"Anong tingin yan?! mukha kang baliw!"inis na sambit ko. ano bang nakakatawa sa sinabi ko? ano natutuwa pa siyang nabuhusan ako nang baldeng pinaglubluban nang mop? wow ha, parang hindi kapatid.

"So, may dalawa na palang manliligaw ang bunso kong kapatid ngayon sa school at hindi ko man lang alam ha,"nanunuksong tanong niya.

Tinignan ko naman ito nang masama,"anong manliligaw pinagsasabi mo? Pwede ba kuya, 'wag nga ako!"inis akong tumayo at naglakad na paakyat nang kwarto ko.

"Uyy si bunso may manliligaw na,"pahabol pa nito.

Nilingon ko muna siya bago tuluyang isinara ang pinto,"tse!"pero ang kuya kong magaling tumawa lang nang tumawa.






Nakasandal ang likuran ko sa pinto,bumuntong hininga at mabilis na napailing ng sumagi sa isip ko sinabi ni Kuya, like watdapak mga t'yong! seryoso? ako? may dalawang bugok na manliligaw grrr bigla akong kinilabutan sa sumagi sa isip ko. dumeretso na ako sa banyo para maligo.






Pagpasok ko, hinubad kona agad ang damit ko tska binuksan ang shower, ayy charot! wala pala kami nun hahahahaha. poor nga lang pala kami so de tabo lang gamit namin, nang hawakan ko ang tubig bigla akong kinilig, charot! malamig pala hahahahaha talande! charot! Nakapikit ako habang dinadama ang lamig nang sandaling kahapong di magbabalik~ ayy hanep putspa! napakanta ako dun mga t'yong! hahahaha







Tatlong oras rin akong natapos maligo kase nag concert pa ako, sinusuklayan ko ngayon ang buhok kong basa pa habang nakaharap sa salamin. tinignan ko ang sarili ko sa salamin, sabay kindat "syeeet! ang gwapo ko talaga—"


"Leah Joy!"

"Ayy pitumputpitung tupa!"nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Kuya sa kwarto ko, nang gugulat pa ang hanep! kung may sakit lang ako sa puso malamang inatake nako. "Kuya ano ba! ginulat mo naman ako eh!" kaasar! panira talaga itong si Kuya, nagulo tuloy buhok ko, humarap uli ako sa salamin habang nagsusuklay, kita ko naman na nakasandal ang braso nya sa pader at magkakrus ang mga kamay na nakatingin sakin.




"oh? bakit ba nariyan ka pa kuya? dun kana nga sa labas"saad ko pero nag tsk tsk tsk lang sya at umiiling iling.



"oh bakit? dati rati lagi naman akong pumapasok sa kwarto mo ng walang paalam ah, tsh! nagbihis at nag a-ayos kana pala ha, Bakit balik loob kana ba sa pagiging babae?"



"wutdufuk! hindi noh! Nevah! tska masama bang mag ayos?"



"Sus! hihintayin ka namin sa baba bilisan muna d'yan"paalis na si Kuya nang mag salita ako.


"namin? Sinong namin? may bwisita ka kuya?"literal naman siyang natawa

"bwisita? tsh! manliligaw mo Kamo"nanlaki agad mga mata ko sa narinig





Manliligaw?


Manliligaw? as in MANLILIGAW TALAGA?



Oo nga Beh! ano shunga shungahan lang? kunwari hindi kinilig?


OMO. napatakip ako nang bibig at Dali daling sumilip sa pinto, nakita ko ngang may tao sa baba. oo kase  yung Kuya ko Alien yun e





HALA HALA HALA! Natataranta ako tarantado! ANONG GAGAWIN KO? ANONG GAGAWIN KO? ANONG GINAGAWA NILA DITO? JUSMIYO MARIPOSA GARAPON! OH MAHABAGING DIYOS NANG MGA BISEXUAL ANONG GAGAWIN NANG GWAPONG MAGANDANG KATULAD KO?





Narinig ko ang mga yabag nang sapatos na papalapit na dito sa kwarto ko. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko, sumalampak nalang ako sa kama at nagtulog tulugan. Narinig kong bumukas ang pinto. unti unti kong nararamdaman na lumalapit siya sa gawi ko.




Feeling ko tinititigan niya ako, teka sino ba toh? ang kapal naman nang mukhang pumasok sa kwarto ko.


"Psst!"rinig kong sumisitsit "Psst! Sweetheart? tulog kana?" tska ko lang nakumpirma na ang baklang Lawrence Augustus nga ang nangahas pasukin ang kwarto ko. "Uyy babaita tulog kana ba talaga? kalerkey ganyan ka pala matulog? umbok ang pwet at naka nguso yak! kaderder ka siz! hala shuta ano yan? ano yang nasa ilong mo?" huh? bakit ano yung nasa ilong ko? "Araaaaaay! punyeta ka! ang sakit!" napabangon ako matapos niyang hilahin buhok ko sa ilong. bwiset! ang sakit tuloy nang ilong ko!







"Hahahahaha gigising ka rin pala dami mo pang arte"nakapamewang nitong saad



"Bwiset kang bakla ka! anong ginagawa mo dito sa kwarto ko! lumabas ka nga! natutulog ako! tsupi!"


"araouch ha, hindi mo man lang na appreciate pag dalaw ko sayo ditong gaga ka"nag rolled eyes pa siya.


"bakt may sakit ba ako? para dalawin mo!"


"Ikaw na nga itong binibisita ayaw mo pa! diwag! maka alis na nga!"tumalikod na siya, nakaramdam naman ako ng guilt, tatawagin kona sana siya, kaya lang bigla siyang humarap at naglakad malapit sakin,"oh bakit ka bumalik?"tanong ko, pero ngumisi lang ito, "ano naman?"nagulat ako sa ginawa nya "Kiss" nang halikan nya ako sa lips tska nag tatakbo palabas nang pinto. napatayo naman ako "hoy bwisit ka bumalik ka dito!"


"Goodnight Sweetheart!"huling sinabi nya bago tuluyan nang makaalis. impaktong toh lagot ka sakin bukas!






agad nakong bumalik at sumalampak sa kama. kinuha ko yung unan at niyakap ito. napatulala ako sa kisame habang inaalala ang mabilis na pangyayaring naganap kanina. napapikit ako nang mariin. UGH! MY KISS! MAGNANAKAW! NINAKAW MO ANG FIRST KISS KO LAWRENCE AUGUSTUS MISTERIO!





Bisexual In Love (Ongoing)Where stories live. Discover now