Kabanata 8

1.6K 47 6
                                    


Busy ako kakagupit ng mga damit na binigay sa akin, bigay na sabi pa bahala na daw ako kung ano balak kong gawin kaya minurder ko sila, joke hahaha!

"Ayan tapos na, ang saya!" Masayang pahayag ko.

Biglang may kumatok kaya agad akong tumayo at pinagbuksan ang kumakatok.

"Inang!" Bati ko dito.

"Kamusta binibini?" Tanong nito, napapakamot na lang ako ng ulo dahil lagi na lang binibini ang tawag nila sabi ko nga mas maganda kaya yung Angel.

"Okey naman po, look nagupit ko na silang lahat" Pagbibida ko sa mga damit, napangiti lang ito sa akin pero kita dito ang kalungkutan.

"May problema po ba?" Naupo ako sa tabi nito.

"Bukas ang ikaunang kabilugan ng buwan simula ng sumpain ang buong kaharian" Malungkot na pahayag nito.

Napaisip ako bukas na ang una kailangan ko ng kumilos at para mailigtas ang kaharian.

"Inang, paano ko po matatalo ang bruhang witch na yun, tsaka may powers siya diba?" Tanong ko sa matandang kausap.

"Binibini nasa kanya ang asul na bato, may kapangyarihan ang batong iyon kaya naisumpa niya ang buong kaharian, pero hindi siya ganun kalakas dahil di kasama ang pulang bato na nasa kwintas mo, ang kwintas na suot mo ay sa aming reyna at ang asul ay sa mahal na hari, ang kapangyarihan ng magkasama bato ay ang pagputol ng sumpang naibigay niya sa lahat kailangan nating makuha ang asul na bato para maikabit sa kwintas mo ng tuluyang makakawala kami sa sumpa" Pagpapaliwanag nito sa akin.

"Eh, hala paano makukuha yun san ang bahay niya?" Nag aalalang tanong ko, obvious naman na di ko alam ang gagawin ko.

"Nasa loob siya ng kagubatan nakatira ngunit di makita dahil nilagyan niya ng mahika" Sabi ni Inang sa akin, ang complicated ano bang gagawin ko.

Napabuntong hininga ako, hinawakan ko ang suot kong kwintas at binulong ko na sana tulungan ako.

Halos wala bang limang segundo biglang nagliwanag ang kwintas at kasabay ng pagbuklat ng libro na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

Biglang may isang imahe ang lumabas dito, nakadrawing ang isang malaking kastilyo sa gitna ng kakahuyan, napapalibutan ito ng isang mataas ng pader.

Biglang may mga salita ang lumabas ang libro.

Binibini, sa tulong ng kwintas na iyong suot matutunton mo ang kaharian ni Uraya, magtiwala ka sa iyong sarili at ilagay ang buong puso at isip sa kwintas.

Iyon ang mensaheng lumabas sa libro, napaisip ako ilagay ang buong puso at isip sa kwintas.

Pumikit ako at hinawakan ang kwintas sinunod ko ang nakasulat na mesahe.

Ibigay ang buong puso at isip sa kwintas.

Nakita ko ang daan papunta sa kaharian sa gitna ng kakahuyan, at ako ang makakasira ng mahika na inilagay nito.

"Alam ko na po paano makapunta sa kaharian ni Uraya" Masayang pahayag ko kay Inang, napangiti ito sa narinig.

Alam ko na ang libro at ang kwintas ang makakatulong sa akin sa pagliligtas ng buong kaharian.

**

Nakaupo ako, kakatapos ko lang magsanay tinurian nila akong dumepensa at lumuban dahil mukhang balak talagang sakupin ni Uraya ang buong kaharian, buti na lang at natalo ng mga kawal ng palasyo ang mga kalaban.

Di pa man din ako nakakabawi ng lakas isang malakas na dagundong ang narinig ko, para itong kulog na napakalapit sa lakas ng tunog.

Napatayo ako, hinawakan ko ang kwintas at bumulong na samahan ako sa laban ko, agad akong tumakbo palabas ng palasyo.

Nakita ko ang kamahalan kasama ang lahat na nakatingin sa isang babae nakasakay ito sa isang itim na kakaibang uri ng hayop ang mukha at hugis ng mukha ay parang sa baboy na may dalawang sungay at ang katawan ay sa kabayo.

Napatigil ako sa pintuan nabato ako, dahil sa kaba, nakakatakot ang babae itim na itim ang suot nito na balot na balot may nakapatong sa ulo nito na parang sombrero at may telang maliit na nakalawit sa sumbrero.

Nakangiti ito pero kakaiba ang dala niyang ngiti.

"Kamusta na sa iyo mahal kong pamangkin, natapos na ang unang kabilugan ng buwan, dalawa na lang at sa akin na ang buong kaharian!" Sabi nito at tumawa ng malakas at kasabay ang pagdagundong ng kulog sa paligid napakadilim na din na parang anytime uulan ng malakas.

"Di ko hahayaan na mapunta sayo ang buong kaharian, di mo makukuha ito" Sigaw ng kamahalan.

"Talaga, pero malapit na ang iyong kamatayan, kamahalan" Ngumiti ito na parang sinasabing panalo na siya, natahimik ang kamahalan sa sinabi nito.

Hello di ba siya nainform na nandito si Angel ang puputol sa kayabangan niya.

"Ehem! Not so fast wicked witch!" Sigaw ko kaya lahat sila napalingon sa akin.

Nakita ko ang pagbabago ng mukha ni Uraya, kahit kinakabahan ako di ko pinakita alam ko na kaya ko siyang talunin.

Naglakad ako papalapit sa pwesto ng kamahalan.

"At sino ka naman lapastangan?" Tanong nito makalapastangan naman ang lalim ha.

"My name si Angel Marie Casimiro, ako ang tatalo siya ugly wicked witch!" Sigaw ko dito.

Nagstep forward ako para mapalapit ng kaunti dito, nakita kong napatingin siya sa suot kong kwintas.

Kitang kita kasi ito nakataas kasi ang buhok ko at off shoulder ang suot ko.

"Paanong nasayo ang pulang bato, akin yan!" Sigaw nito.

"Ows talaga, may pangalan mo?" Pang iinis ko sa kanya.

Nakita ko ang pagtaas ng kamay niya at sabay tutok sa akin, biglang may itim na liwanag ang dapat tatama sa akin, pero biglang nagliwanag ang kwintas ko, napalibutan akong ng puting liwanag.

Nagulat ang lahat sa bilis ng pangyayari, nagulat din ako pero napangiti sa huli at sinabi ko sa sarili ko na di lang siya ang may powers meron din ako.

Napangisi ako ng nakita ko ang pagtiim ng bagang niya, dahil sa di niya ako natamaan ng black magic niya, nyenyenyenye!

Hinawakan ko ang kwintas at pagkabitaw ko tinapat ko sa mga kawal niya, biglang may liwanag ng lumabas at kasabay ng paglaho ng mga kawal niya maski ang alaga niyang weird na animal.

"Woah ang galing may powers na ako!" Masayang pahayag ko.

Napatingin ako ng masama sa kanya at akmang itatapat kay Uraya ang mga kamay ko pero bigla niyang hinarang ang malaking kapa niya sa buong katawan niya at biglang nag salita na, "Di pa tayo tapos babae!" At biglang nawala.

Nawala na ito biglang nagbalik sa liwanag ang kapaligiran.

Napalingon ako sa mga kasama ko, nakatulala sila sa nangyari, lumapit ako sa kanila at sinabing, "Mapuputol din ang sumpa, promise ko sa inyo na babalik sa normal ang lahat" Sabay ngiti ko sa mga ito.

Ngumiti din sila sa akin, napatingin din ako sa kamahalan, "Di ka mamatay, pangako ko yan!" Sabi ko dito.

Buo ang loob ko lalaban ako kay Uraya para sa mga tao na umaasa sa akin, ako ang susi para bumalik sa normal ang lahat, normal na buhay nila pati ang pagbabalik ng normal na buhay ko.

vhans :)

A/N: nakaupdate din dito sa wakas :)

03-21-2015

Magkaibang  Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon