Kabanata 4

1.8K 64 15
                                    

Nagising ako nasa kama ako, nanaginip lang ba ako?

Umupo ako, at inikot ko ang paningin ko kwarto.

Pero ibang kwarto ito di ko kwarto, pinagmasdan ko ang kama, malaki ito tapos may mga telang nakapaikot sa buong kama.

Napatingin ako sa bintana, kaya agad akong tumayo at sumungaw dito, napatakip ako ng bibig sa nakita kong tanawin.

Totoo ang lahat, nakita ko ang bundok kung san siguro ako galing, ang ilog at ang isang bayan na nakita ko din ng nasa may bundok ako.

Nagulat ako sa pagbukas ng pinto niluwa nito isang babaeng nakamahabang damit ito at nakaipit ang buhok na nakataas.

Ngumiti ito at nagbow, yung hinawakan ang gilid ng damit at yumuko.

"Gising ka na po pala binibini" Magalang na sabi nito.

What the binibini? Ang lakas makalumang tao.

"Ha---eh Oo" sabi ko.

"Ito po ang iyong mga gamit" Sabi nito at ibinaba sa kama ang gamit ko.

"Salamat!" sabi ko at ngumiti.

"Walang anuman po, may kailangan ka pa po ba binibini?" Tanong nito sa akin.

"Wa-wala naman na, pero ano----kasi may tanong ako---yung mga ano---yung mga" di ko matuloy ang sinasabi ko.

Pero bago pa ulit ako makapagsalita ulit eh may pumasok.

Napangsinghap ako ng makita ko kung sino, sheet di nga talaga ako nanaginip.

"Gising na ang ating panauhin" Sabi ni aso.

"My gosh! Mababaliw na ako" Sabi ko.

"Pasensiya na binibini, pero wag kang matakot di kami masasama" Sabi ng pusa na umakyat sa kama at matamang tumingin sa akin.

"Gosh, ano ba talagang nangyayari? Where am I?" Sabi ko habang sapo ko ang aking noo.

"Nagsasalitang hayop, seriously!" Sabi ko halos gusto kong gumulong dahil gulong gulo ako.

"Ipagpaumahin mo binibini, kung ikaw ay naguguluhan sa mga nangyari" Sabi ng ibon.

Gosh! Si Maya ang aking nagsasalitang ibon pero Goodmorning pa lang ang kaya niyang sabihin, pero itong ibon na ito at ay ang tatas mag salita.

Nagulat ako ng makita ko ang lalaking nakahood, nagbow silang lahat.

Di ko pa din makita ang kaubuan ng kanyang mukha dahil sa takip ito ng malaking hood.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam binibini?" Tanong nito, natulala ako shocks napaka manly ng boses niya.

Anskfkakxslacsd seriously Angel nagawa mo pang humarot? Sabi ng kontrabida kong konsensiya.

"Ha---ah o-oo, ano kasi, paano ba to?" naguguluhang kong sabi napakamot pa ako sa ulo ko.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa kanila.

"Ikaw ay nasa aming kaharian" Sabi nun lalaki sa akin, bakit ba nakatago ang mukha niya?

"Kaharian? Anong kaharian? Anong lugar ito? Nasa Pilipinas ba ako?" Napakadami kong tanong.

"Kahariang Kaligayahan, Pilipinas, saan yun binibini?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

Kaligayahan? Di ako naliligayahan, Peste gusto ko ng umuwi.

"Si Inang, si Inang po siguro ang makakasagot sa ating kamahalan" Sabi ng aso.

Inang, sinong inang? Inang ko po.

"Tama, halika binibini siya lang ang makakasagot sa atin" Aya sa akin ng lalaki.

Agad akong sumunod kahit gulong gulo ako, kailangan ko ng kaliwanagan sa nangyayari.

vhans <3

01-16-2015

Magkaibang  Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon