Kabanata 12

1.5K 44 1
                                    


"Kamahalan!" Sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya.

Maging sila Andres lumapit na din dito lahat kami nag aalala.

"Nakuha ko na ang asul na bato, buo na ang kwintas natalo na din si Uraya bakit di pa nawawala ang sumpa?" Naiiyak kong tanong sa kanila.

"H-hindi din namin alam binibini?" Malungkot na sagot nila sa akin.

Tinapat ko ang tenga ko sa dibdib niya di na tumitibok ang puso niya.

"Bakit wala na siyang heartbeat?" Tuluyan na bumagsak ang mga luha ko.

"Kamahalan ano ba tama na joke time di na nakakatuwa" Sabi ko dito na iyak na iyak.

Napayakap ako dito, bakit akala ko ba pag natalo ko na si Uraya at nabawi ang bato matatapos na ang sumpa.

Bakit kung kailan narealize ko na mahal ko na siya bakit kinuha na siya.

"Sorry na oo sabi ko di kita iiwan pero umalis pa din ako, gusto ko lang naman na matapos na ang sumpa e, ayoko nakikita kang nahihirapan at nasasaktan e!" Iyak pa din ako ng iyak.

"Gising na please!" Yumakap ako dito.

"Gising na kamahalan!" Nasabi ko na lang at hinawakan ang kamay niya.

"Binibini tama na po" Awat nila pero di ako umaalis sa tabi niya.

"H-hindi....ayo...ko ka..i..langan muna niyang gumising" Tuloy tuloy pa din ang pag iyak ko.

"Ano bang gagawin ko?" Frustrate na frustrate kong tanong.

Hinawakan ko ang kwintas, "Please... tu....lu...ngan nin....yo kami" Pagmamakaawa ko dito.

Nagulat kami ng biglang pagliwanag ng libro kasunod ang paglabas ng babae.

Ang ganda ganda nito nakaputing mahabang damit siya, at napakakinis ng kutis alon alon ang buhok nito napakaganda ng mukha, lumulutang ito sa hangin at napapalibutan ng puting liwanag nakangiti ito sa akin.

Kung wala ako sa gantong sitwasyon baka nagtatakbo na ako sa takot, pero nandito ako sa mundo na ang mga gantong senaryo ay parang natural lang.

"Si...no ka?" Umiiyak pa din ako pero nakapagtanong pa din ako.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mukha ko, "Binibini pakinggan mo ang iyong puso nandiyan ang kasagutan!" Sabi nito.

"A....nong i....big mong s-sa...bihin?" Nagtataka akong tanong dito.

Tinapat ko nito ang mukha niya sa mukha ko, "Kung anong sinabi nito sundin mo" Dagdag niya at hinawakan ang dibdib sa parteng puso.

"Na..gu..gu..lu...han ako!" Di pa din paawat ang luha ko.

"Pag ibig na wagas ang sagot sa pusong nalulungkot" Matalinhangang sagot nito.

"Ikaw ang makakasagot pakinggan ang iyong puso" Kasunod nun ay ang pagkawala niya.

Napatayo ako, "Teka ano bang ibig mong sabihin" Pero nawala na ito.

Nakatingin sila Maya sa akin mukhang naguguluhan na din sa nasaksihan.

Ano bang ibig niyang sabihin, nasstress ako!

Napaupo ulit ako sa tabi ng prinsipe, hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan umiiyak na naman ako, "Mahal kita!" Sabi ko dito at napapikit dahil sa sakit na di ko matulungan ang lalaking minamahal ko.

Napadilat ako ng biglang parang may malamig na hangin na tumama sa balat ko, napasinghap ako ng biglang nagliwanag ang kwintas at pagliwanag ng mga katawan nila Jaime, nasilaw ako kaya napapikit at ng mawala ang liwanag dumilat ako at napanganga tao na sila nakabalik na silang lahat sa dati.

Magkaibang  Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon