Kabanata 6

1.6K 52 4
                                    

Maaga akong nagising, o feeling ko lang kasi palaging makulimlim, nun unang araw ko dito may tumama pang sikat araw sa mukha ko at after nun wala na makulimlim na palagi.

Napagpasyahan kong bumaba at lumabas, nakarating ako ng garden pero parang nalungkot ako dahil halos nalanta na lahat ng halaman, bulaklak at puno.

Siguro dahil sa sumpa, di ko pa din alam kung paano matatapos ang sumpa.

Lumapit ako sa halaman na nalanta at hinawakan ko ito.

"Kawawa naman kayo, wag kayong mag alala pag natapos na ang sumpa babalik na ang dating niyong ganda" Kinakausap ko ang mga halaman, O diba.

Pero nagulat ako ng bilang kuminang ang halaman at nabuhay, halos manlaki ang mata ko.

"Oh my gosh what happen?" Nagtataka kong tanong.

Nabuhay ang nalalantang halaman, parang walang pinagdaanan na pagsubok.

Ilang minuto akong nashock, ng makabawi ako hinawakan ko ang pulang rosas at ganun din bumalik ang ganda ng mga ito.

"Amazing!" Masayang sabi ko.

Hinawakan ko ang lahat at unti unti itong bumalik sa dati, nabuhay ang mga halaman, bulaklak at puno.

Maski ang inaapakan ko na tuyong lupa, nagkaron ng berdeng berdeng damo.

"Wow!" Inikot ko ang mga mata ko sa paligid gumanda ang buong garden, buhay na buhay.

"Paano ko nagawa yun" Tinignan ko ang mga kamay ko wala naman bago sa sa mga ito pero ng hawakan ko ito nabuhay ulit, nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

Pero makulimlim baka magpapakita ang araw, pero paano nag iisip ako di ko mahahawakan ang langit imposible yun.

Napaupo ako sa lupa at tumingala, pumikit ako at inisip ang pag sikat ng araw sa mundo kung san ako galing.

At unti unti kong dinilat ang mga mata ko, at bigla akong napangiti kasi unti unti nahawi ang mga ulap at sumilip na ang araw sa akin.

"Oh my, hello haring araw!" Kumaway pa ako na parang kinakausap ko ito.

"Nasan ang binibini?" Narinig kong sigaw ni Ana.

"Ana nandito ako!" Tawag ko dito.

Nagulat siya ng makita ang hardin, at ang magandang sikat ng araw.

"Binibini anong nangyari?" Nakangiti niyang tanong at inalalayan akong tumayo.

"Di ko alam kasi nun hinawakan ko ang mga yan nabuhay, tapos inisip ko ang sikat ng araw kung san ako galing biglang sumikat ang araw" Sagot ko dito.

Nagulat ako na nasa labas na ng palasyo ang lahat ng tao at lahat masaya sa nangyayari.

"Maraming salamat binibini!" Nagulat ako ng makita ang prinsipe.

Agad akong nag bow " Naku di ko nga po sure kung kagagawan ko yan, malay niyo bigla talagang umaraw" Sabi ko.

"Pero binibini ang pagbabalik ng kagandahan ng hardin ay dahil sayo" Sabi ng prinsipe.

"Ah--eh hehe siguro nga" Sagot ko.

"Halika na at tayo ay kakain na" Aya niya sa akin at naunang naglakad papasok sa loob ng palasyo.

Agad akong sumunod dito, masaya ako ito na ang umpisa ng pagbabalik sa dating kaligayan sa kaharian na ito.

**

"Sige na saglit lang kasi" Pangungulit ko kay Ana, sabi ko kasi gusto kong magpunta sa ilog pero ayaw niya baka magalit daw ang kamahalan.

"Hmm-- eh di magpapaalam ako" Sabi ko.

"Sige po binibini, pag pumayag po pupunta tayo" Pagsuko niya, hahaha ang kulit ko kaya.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at hinanap ang prinsipe.

Nakita ko siya na nasa garden.

"Hello po kamahalan" Masiglang bati ko dito at nagbigay galang.

"Magandang umaga binibini" Sabi nito.

"Ahm-- uhm--ano po kasi pwede bang pumunta ako sa ilog sandali lang si Ana naman kasama ko, saglit lang talaga promise" Sabi ko.

"Oh sige pero papasahaman ko kayo kila Andres binibini" Sagot niya.

"Talaga?" Masayang tanong ko.

Tumango lang ito at nakita ko ang pagngiti niya, kahit natatakpan ko ang mukha nito, nakikita ko ang pagngiti nito.

"Thankie" Sabi ko at pumalakpak pa.

Nagbigay galang ako at tumalikod pero nakakailang hakbang pa lang humarap ako.

"Gusto mo pong sumama?" Masayang tanong ko dito.

vhans :)

A/N: sasama kaya ang kamahalan?? Hehehe

01-20-2015

Magkaibang  Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon