Kabanata 3

2K 64 16
                                    

Minulat ko ang mga mata ko, para kasing sakto sa aking magandang face ang sikat ng araw.

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, at kinurap kurap.

Hinarang ko pa ang aking mga kamay sa tapat ng mukha ko sa para harangan ang liwanag.

Nang nakapag adjust ako sa liwanag dumilat na talaga ako.

Pero laking gulat ko ng pagdilat ko wala ako sa sarili kong kwarto, wala ang kama ko ang mahal ko unan at kumot ang stuffed toys kong si Hello Kitty.

Nakita ko din na nakaschool Uniform ako, nasa tabi ko ang shoulder bag ko.

"Where Am I?" Bulong ko.

Inikot ko ang aking mga mata sa paligid kung pagbabasihan parang gubat ito, madaming punong kahoy, halaman.

Tumayo ako parang nasa mataas akong parte ng lugar kita ko ang kabuuan, may nakita akong ilog, sa kanan parte ng lugar.

Luminga ako parang may maliit na bayan sa bandang kaliwa at isang......castle as in literal na kastilyo yung parang sa fairty tale.

"Oh my God where am I, lost?" Sabi ko sarili at niyakap ang bag ko.

Tinapik tapik ko ang sarili at kinurot ko pa ang sarili.

"Ouch! Shem, totoo to?" Gulat na gulat ako.

Napaupo ang sa damuhan, nasaan ako, anong lugar to.

Ayoko dito gusto ko ng umuwi.

Kinalkal ko ang bag ko, pero ang laman lang ay isang notebook at ballpen, favorite book ko, lips stick at face powder at------ yung lumang libro at this time may kasama itong necklace na may pulang bato nakaipit ito sa libro.

Gosh! Simula ng makita ko itong creepy book na ito nagkasunod sunod na ang weird na nangyayari sa akin.

Nakarinig ako ng yabag, kaya nagmamadali kong binalik ang gamit ko sa loob ng bag at nagtago sa likod ng malaking puno na nasa likod ko.

Sumilip ako para tignan ang mga parating.

Halos mapasigaw ako kasi my gracious mga hayop na nagsasalita sheeeet lang talaga.

Napasandal ako sa puno at tinakpan ang bibig ko baka marinig nila ako at gawing breakfast.

Ng makalagpas na sila sa akin, sinundan ko ng tingin ang mga weird nanginginig ako ano bang lugar ito.

Napahigpit akong ng hawak sa bag ko,kailangan kong makababa may nakita akong bayan baka may makatulong sa akin, at makapagexplain ng nangyayari dahil sobrang gulong gulo ako sa nagaganap ngayon.

Naglakad ako, di ko alam talaga kung san ang daan pero kailangan kong makababa baka gabihin ako sa gubat, base sa mg binabasa ko baka may wild animals dito gawin pa akong brunch no way!

Napabilis ako ng lakad sa naiisip ko kinikilabutan ako.

Pero napatigil ako ng nakarinig ulit ako ng usapan, nakita ko ang creepy animals nasa may ilog sila parang naliligo ewan ko basta nandun sila.

Nagkubli ako sa isang puno malapit sa kanila.

"Tara na Andres baka hanapin tayo na kamahalan" Rinig kong sabi ng ibon.

Diyos ko po talking bird.

"Maya maya na Jaime(pronounce as Hayme) maaga pa naman tsaka may kasama ang kamahalan" Sagot ng Aso.

"Oo nga Andres hahanapin tayo nun" Sabi nito ng unggoy.

"Hay naku ano ba yan Nelia" Sabi nun aso.

"Ano Maria babalik na ba tayo?" Tanong nito sa pusa.

Tumango lang ito, Lord totoo po ba to nakikinig ako sa kwentuhan ng mga hayop nababaliw na ba ako? Di naman ako nagda'drugs eh.

Bigla silang nagsilakad at shem na malagkit dadaanan nila ako.

Napasandal ako pero pag harap ko isang babay ramo na nanlilisik ang mga mata ang tumambad sa akin.

"Aaaaaaaahhh! Waaaaaahh!" Tili at sigaw ko.

"Help me!" Umiiyak kong sabi napaupo ako sa puno at tinakpan ang mga mata ko gamit ang kamay ko.

Nanginginig ako sa takot, pag aalala, pagtataka, nawawala ako sa mundong di ko alam kung ano.

"Tumigil ka" Rinig kong may nagsalita kaya napaangat ko ang ulo ko nakita ko ang isang lalaki na nakahood takip na takip ang buong mukha nito nasa kabayo siya nakasakay, pero tao siya base sa itsura niya.

Napatitig ako sa kanya biglang nagtatakbo palayo ang baboy ramo.

Pero di natanggal ang kaba ko sa pagdating ng mga nag sasalitang hayop.

"Sino siya?" Tanong ng Aso.

"Bakit ganyan ang suot niya, kakaiba siya" Sabi naman ng ibon.

Seryoso ako pa ang kakaiba mag kakaiba kaya ang talking animals.

"Binibini ayos lang po ba kayo?" lapit ng unggoy sa akin.

"Saan po kayo galing?" Tanong ng pusa.

Pero sa takot, kaba at pag tataka di ako nakasagot sa mga katanungan nila.

"Binibini ayos ka lang ba?" Tanong ng lalaking nakahood.

Napatingin ako dito at nasalubong ko ang bughaw na kulay ng kanyang mga mata.

Pero di pa din ako nakasagot kasi nandilim ang pangin ko.

secretvhans ♥

10-11-2014

Magkaibang  Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon