Kabanata 11

1.5K 43 5
                                    

Nasa harap ako isang mataas at malaking puno nakakatakot ang itsura nito.

Kinakabahan ako pero it's now or never kailangan ko ng makuha ang asul na bato.

Napahawak ako ng kwintas ko at nagdasal sa maykapal na tulungan at gabayan ako.

Humakbang ako at hinawakan ang puno, nun una parang may pwesang tumutulak ako pero mas nanaig ako, biglang nawala ang malaking puno at napalitan ng mataas ng pader, napaatras ako, ito na ang tirahan ni Uraya.

Hinanap ko ang daan, nakakita ang ng isang malaking gate kulay itim ito, walang ibang tao o nilalang sa paligid mukhang siguradong sigurado si Uraya na di matatagpuan ang tirahan niya.

Napangiti ako, well ako nakita ko neknek niya, naglakad ako papasok dahan dahan akong pumasok.

Pagkapasok ko sumalubong ang nakakatakot na palasyo oo mukha ding palasyo ang tirahan niya, pero nakakatakot parang balot na balot na itim na mahika ang buong lugar at tahimik pa.

May nakita akong bulto ng parang tao kaya agad akong nagtago sa isang pader sa gilid.

Nakita ko ang mga itsura nito kakaiba ang mukha ng mga ito mga nasa lima sila, may balute sila nakakatakot ang mukha nila itim na itim ang mata nila at may hawak na espada.

Napahawak ako sa dala kong palaso ready ako kung maglalaban tinuro nila sa akin ang pag gamit ng palaso at espada, di ko lang bet ang espada mabigat kaya feel na feel ko ang palaso.

Pero salamat at nilampasan lang nila ako kaya nakahinga ako ng maluwag.

Tumakbo ako at dumertso sa pintuan, agad akong nakapasok, nakita ko ang mga pinta nakakatakot ang display na pinta may mga hayop na patay, may mga puno na may mukha, at isa sa nakakuha ng atensyon ko ang palasyong sira sira.

"Ang lakas din naman ng loob mo magpunta mag isa sa aking kaharian dayuhan!" Sigaw ni Uraya dumagundong ang boses.

"Ibalik mo ang asul na bato, it's not yours" Sigaw ko dito, napahigpit ako ng hawak sa palaso ko.

"At bakit ko gagawin yun?" Nakangising tanong niya.

"Dahil yun ang tama, tama na ang pagpapahirap sa kanila wala silang ginagawang masama sayo" Sabi ko dito.

"Tsk tsk tsk!" Sabi niya habang umiiling at bumababa ng hagdan.

"Dapat akin ang buong kaharian namatay na ang aking haring kapatid pero ang magaling niyang anak pinigilan ako kaya binigyan ko siya ng leksyon" Sabi nito at naupo sa itim na upuan nagulat ako ng biglang paglabas ng ahas sa likod ng upuan.

Hinawakan niya at hinimas ito, at nakatingin ng matiim sa akin.

"Ang sama mo!" Sigaw ko.

"Alam ko!" Balik na sigaw, ang ahas naman biglang humarap sa akin at akmang ihahagis pero naunahan ko siya ng aking palaso tumama ito sa ahas at tumama sa pader, at nalusaw ang ahas.

May kapangyarihan ang aking palaso habang naglalakbay ako lumiwanag ang kwintas ko at nabalutan ng puting liwanag ang palaso kong dala ko.

"Laspastangan ka!" Sigaw nito at tinapat ang kamay sa akin pero agad kong naharang ang itim na liwanag na dapat tatama sa akin.

Agad akong kapag tago sa likod ng pader, "Gosh! She so lakas" Sabi ko lang.

"Labas dayuhan"Sigaw nito sa akin.

Huminga ako ng malalim at niready ko ang palaso ko, kaya ko to!

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at tinira siya ng palaso muntik na siya matamaan pero nakaiwas siya agad, nagtago ulit ako at hinanda ang palaso ko, dapat this time matamaan ko na siya.

Magkaibang  Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon