Kabanata 14

1.5K 44 2
                                    

*third person POV*

"Anak aba anong oras na di ka pa ba babangon?" Tanong ng Mamang niya sa kanya.

"Inaantok pa ko!" Reklamo nito.

"Ikaw na bata ka hala bangon na baka malate ka pa!" Niyugyog pa siya nito.

"Opo, ito na po babangon na" Natatawang sagot nito.

Tumayo siya at naglakad na parang zombie papuntang banyo.

Napatingin siya sa itsura niya sa salamin napangiwi siya, gulo gulo ang buhok niya may naiwang bakas sa gilid ng labi niya.

"Eww kadiri ka Angel!" Sabi niya sabay turo sa sarili sa salamin.

"Halika anak at maupo ang tagal mo naman" Sita ng Mommy niya sa kanya.

"Uhm napasarap ang tulog ko Mie" Sabi niya dito.

"May gagawin ka ba later princess?" Tanong ng Daddy niya.

"Yes Dad after class may meeting ang student council members e, why?" Tanong niya dito.

"Ganun ba sayang, isasama sana ka namin may bibisitahin sana kami ng Mommy mo e, maybe next time" Sagot nito at nginitian lang siya.

"Yeah maybe next time!" Sagot din niya.

"Mommy, Daddy una na ako ingat kayo ha love you!" Paalam niya sa mga magulang.

Pagkasakay niya sa kotse at nasa malalim na pag iisip may kulang parang may kulang sa kanya na di niya mawari.

Napabutong hininga siya, ano yung kulang sa kanya di siya mapakali.

"Anak nandito na tayo!" Sabi ng Papang niya di niya napansin sa lalim ng iniisip.

"Thank you po, bye pang ingat ka!" Paalam niya dito.

"Ikaw din anak ingat sunduin kita mamaya ha" Sabi nito tango lang ang sinagot niya.

Naglalakad siya pero hanggang ngayon iniisip pa din niya kung ano yung kulang, may kulang talaga pero di ko alam kung ano nakakalerkey.

"Hoy bessy anyare tulala ka?" Tanong ng kadarating niyang kaibigan na si Clarisse.

"Hmmm....ano alam mo ba bessy yung feeling mo na may kulang parang ano....yung may....basta!" Naguguluhan pag eexplain nito sa kaibigan.

"Ewan ko sayo, haha tara na nga" Natatawang sagot nito at hinila siya papasok ng University at nagpatangay sa kaibigan.

Habang nasa klase sila lumilipad ang isip niya iniisip niya parang may nakalimutan siya na di niya mawari.

"Hoy te ano tulala halika na break time na gutom na me!" Pagbubulabog ni Clarisse sa kanya, katulad kanina nagpatianod na lang siya dito.

Habang nasa cafeteria sila nakarinig sila ng bulung bulungan na may nakikita daw na multo sa library ng school nila.

"Totoo kaya yun bessy, laging tambay dun diba?" Pagtatanong ni Clarisse.

"Hmmm...ewan ko lagi akong nandun pero di naman ako nakakakita ng kahit anong multo dun" Sagot nito.

"Pfft, baka kasi natakot sayo miss president" Panunukso ni Clarisse sa kanya, sinamaan naman niya ng tingin ito kaya nag peace sign sa kanya.

Matapos nilang kumain bumalik na sila sa classroom nila, para sa susunod na klase.

"O siya babye bessy see you when I see you!" Paalam ni Clarisse kay Angel, uuwi na kasi ito si Angel ay may meeting pa kasama ang mga student council.

"Loka ka sige na babye ingats you!" Sagot lang nito at naghiwalay na sila dumeretso siya ng student council room.

Pinagusapan ang nalalapit na foundation ng University nila at sila ang punong abala dito, matapos ang meeting ay nakapagkwentuhan pa siya sa mga kasama.

Magkaibang  Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon