Kabanata 13

1.5K 45 2
                                    


Nakangiti silang lahat sa akin, "A-ah oh...key anong meron?" Nagtataka kong tanong sa mga ito.

"Hmmm! May muting regalo kami para sayo mahal naming binibini" Sabi ni Andres.

"Talaga?" Nanlaki pa ang mata ko.

"I love surprises" Excited kong sagot sa mga ito.

Ipinakita nila sa akin ang isang napakagandang damit napapalibutan ito ng makikinang ng bato at kulay puti, natuwa ako nun bata ako ito yung mga damit ng mga princess sa fairytale.

"Hu...wow, ang ganda!" Sabi ko sa mga ito at agad kong nilapitan.

"Pero...uhm anong meron?" Nagtataka kong tanong.

"May patitipon mamaya dito sa palasyo binibini" Sagot ni Maya sa akin habang hinihimas ang buhok ko, gusto gusto niyang gawin yun.

"Talaga, pero diba nun isang linggo may party na diba?" Tanong ko ulit nasasanay na sila sa taglish kong pananalita di ko keri ang pure tagalog nakakadugo ng nose.

"Tama binibini, pero ang pagtitipon ay para sa iyo" Sagot ni Mario.

"Ha, sakin e bakit?" Nagtataka ako.

"Pasasalamat iyon binibini para sa pagliligtas mo sa amin sa sumpa" Si Inang naman ang sumagot.

Napatango tango ako, "Pero okey lang kahit hindi na" Pagtanggi ko sa mga ito.

"Kailangan mahal kong binibini para sayo ang gabing iyon" Sagot ni ng prinsipe.

E kinilig na namn ako mahal na binibini bet ko yun naku kung di lang sila nakatingin nakiss ko na talaga tong lalaki sa harap ko.

"A...oh...key sabi niyo e" Sagot ko sa kanila.

"Tara na at mag agahan" Aya ng prinsipe sa amin, kasabay namin sila sa breakfast para masaya.

Naging busy sila sa pag aasikaso para mamaya, gusto kong makijoin kaso sabi nila wag na daw kasi para surprise daw yun sa akin pati ang prinsipe at si Inang di ko mahagilap mukhang busy din.

Nagpunta ako sa kwarto ko para makapagpahinga na din muna.

Kinalkal ko yung bag ko, kompleto pa din ang gamit ko dun actually di ko naman sila nagagamit kaya nasa bag ko lang sila.

Nakita ko ang libro, nakakatuwa amazing yung book na to, nun una akala ko may curse dahil dinala ako sa ibang mundo pero dahil dito nakilala ko ang mga taong kasama ko ngayon.

Pero naisip ko sila Mommy at Daddy pati si Clarisse namimiss ko na silang lahat.

Napahiga ako sa kama pero napabaliwas ako ng sabay nagliwanag ang libro at kwintas.

Lumabas na naman ang magandang diwata, nakangiti ito sa akin.

"Binibini, salamat muli sa pagliligtas mo sa kaharian, lubos akong nagagalak" Sambit nito.

"Ah naku walang anuman po" Sagot ko dito.

"Dahil sa pagputol mo sa sumpa makakabalik ka na sa mundo mo binibini" Sabi ko dito.

"Ta-talaga po?" Masayang tanong ko dito.

"Maibabalik ka na sa mundo mo" Nagulat ako ng biglang sulpot ni Inang.

"I...nang!" Nasabi ko lang.

"Oo binibini ako ang sumundo sayo sa mundo mo at ako din ang magbabalik sayo sa mundo mo" Sabi nito.

"Dahil sa pagtalo kay Uraya at pagtapos ng sumpa nabuksan na ang lagusan pabalik sa mundo mo binibini" Dagdag pa nito.

"Binibini makakabalik ka na" Masayang sabi ng diwata.

Magkaibang  Mundo (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon