"Mahal na mahal kita babe. Lagi ka lang mananatili sa tabi ko ha? wag na wag mo akong iiwan okay? Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa buong buhay ko. Pangako FOREVER na tayo!" - Him
Well siguro yan ang mga sandaling sinabe sa inyo ng mga ex niyo nung kayo pa. Syempre gawain naman nating magpauto at magpakatanga sa kanila, yung tipong naniniwala agad tayo sa kanila. Sa mga kasinungalingan na pinagsasasabi nila, dun tayo nadadali eh. Dun tayo natatalo. Kumbaga sa larong basketball, lamang ka na sa umpisa pagdating sa dulo NGANGA. Pinaganda lang nila nung umpisa, nagpainit lang sila nung umpisa tas ayan na sa huli nilamon din nila yung mga salitang yun. Sila din ang nanalo. Tanga nga eh? Tanga. (GINEBRA lang ang peg) :( HAHAHAHA. Ang pag-ibig talaga, kapag tinamaan ka wala ka nang magagawa pa. Kundi sumakay ng sumakay sa bawat trip. Eh wala eh? Dun tayo masaya eh. Bakit pa kasi nauso ang Breakup eh. Di ba pwedeng tayo nalang FOREVER? Please.
"Dear Ex, diba sabe mo sakin noon FOREVER na tayo? Anyare ngayon. Nganga na? Oo na. Talo nako, panalo ka. Ganun naman talaga diba? Ako na nataya sa huli. Wala na akong maisusugal pa eh. Napagod na ako eh. Sobrang tanga ko kasi kaya di ako nakahanap ng butas para makapasok. May magagawa pa ba ako? Eh hindi naman na kasi OVERTIME eh. Wala ding binigay na foul, kaya ayun. Tatanggapin ko nalang. Tatanggapin ko nalang na, wala talaga satin ang FOREVER."
YOU ARE READING
Dear Ex.. (Salamat sa lahat)
Teen FictionKung wala ka na talagang nararamdaman pa. 'Wag ka nang magparamdam pang muli. Wag mo nang hahayaang mahulog ulit ako sayo lalo na't alam kong hindi mo naman ako sasaluhin. - (c) Marcelo Santos III Ang Ex, oo past na yan. Hindi na dapat umeEXsena pa...