"Ni minsan ba naisip moko? Hindi naman diba? Wala ka naman kasing pakielam sa nararamdaman ko eh. Simula nung iniwan moko di kana nagkaron ng pake sakin. Kahit kamustahin wala akong natanggap mula sayo. Ganyan kaba talaga katigas? Nagagawa mo akong tiisin? Astig ah! Parang dati rati lang nung tayo pa halos di ka magkandaugaga kakatext sakin, samantalang ngayon ano? Wala na? Ni aninag mo wala? Sabagay. Para din naman to sakin eh. Para makalimutan kita. Tinitiis kong araw araw na wag kung titigan ang mga litrato nating dalawa na masaya. Tinitiis kong hindi lumuha gabi gabi, para lang mapatunayan ko sayo na ikaw ang nawalan hindi ako." Grabe pala talaga ang magtiis no. Ganyan talaga. Handa mong tiisin ang lahat para lang sa kanya. Ganun ka kamartyr at kadesperada. Tiis tiis din pag may time.. Hanggang kailan mo pa kaya makakayanan ang magtiis? Siguro susuko ka din.. Mapapagod ka din kasi. Tao ka lang din naman kasi, na kayang sumuko kapag napagod na. Kaya mo yan! Ikaw pa? Pinanganak ka nga sa mundong to nang wala siya diba? So, kaya mo yan. Pero sige, choice mo yan. :) Nararamdaman mo yan eh. Pero please, do it right.
"Dear Ex, hello.. Hindi ka ba naaawa sakin? Hays.. Kung nakikita mo lang siguro ako sa mga oras nato mapapaisip ka nalang na SAYANG.. Sayang kasi, sinaktan mo pa ako at iniwan. Ganito kasi kita kamahal eh. Wala eh, mahal kita eh. Mahal na mahal.. Kaya kahit sarili ko di ko na magawang tingnan kasi, wala na akong pakielam kahit durog na durog nako. Magtitiis nalang ako.. Titiisin kung makalimutan ka. Titiisin kung gumising araw araw na masaya. Para lang sayo, para lang sa sakit na ginawa mo. Magtitiis ako.."
YOU ARE READING
Dear Ex.. (Salamat sa lahat)
Teen FictionKung wala ka na talagang nararamdaman pa. 'Wag ka nang magparamdam pang muli. Wag mo nang hahayaang mahulog ulit ako sayo lalo na't alam kong hindi mo naman ako sasaluhin. - (c) Marcelo Santos III Ang Ex, oo past na yan. Hindi na dapat umeEXsena pa...