Never akong naghangad ng kahit ano mula sayo. Never din akong nagexpect at humingi ng kapalit. Pero kasi masakit. Sobrang sakit, kasi hanggang ngayon di parin kita nakakalimutan. Ewan ko ba kung anong klaseng nilalang ka. Bakit ba kasi ang unfair ng buhay.. Kung kelan naman masaya ka na dun pa maraming humahadlang sayo. Kung kelan maaabot muna wala parin, hindi enough yun para maabot mo. Infact sumusuko ka parin sa mga bagay na sobrang nagpapasakit sayo. Wala eh. Tao ka lang din naman. May narararamdaman, at kusang nasasaktan. Hindi naman kasi kayang madiktahan ng puso. Kusa lang yang nagmamahal. Kung pwede ko lang diktahan puso ko, edi sana nakalimutan na kita. Edi sana masaya nako para sayo. Bakit kasi ganun.. Ano ganun nalang lahat ng yon? Iiwan mo nalang ako basta basta? Kung may 100 rason para kalimutan kita hahanap at hahanap parin ako ng iisang rason para ipaglaban ka. Ganun ako katanga pagdating sayo. Ganun kita kamahal. Pero salamat kasi dahil sayo, natuto akong maging malakas. Maging matapang. Nakayanan ko. Lesson learned! ☺️ well, ganun lang talaga siguro ang buhay. Umaasa nalang ako na sana balang araw lahat ng sakit mapalitan ng saya. May plano si Lord dyan. Di niya tayo papabayaan. Di niya tayo hahayaang makitang nasasaktan ng ganito. Siguro dadating din yung point na kaya na kitang titigan ng hindi na nakakaramdam ng kahit ano pang sakit.
"Dear Ex, i don't know kung anong mararamdaman mo kapag nabasa mo ito. Kasi iba din ang magiging presence nito sayo. Di mo alam kung ano ang sinayang mo. Di mo alam. Oo isa nalang akong hamak na ex para sayo, pero tandaan moto. Sa oras na makalimutan kita, magpapasalamat ako sayo dahil ikaw ang naging inspirasyon ko. Ikaw din ang naging inspirasyon ko kung bakit ko ito naisulat. Salamat. Hanggang sa muli. Paalam na."
YOU ARE READING
Dear Ex.. (Salamat sa lahat)
Teen FictionKung wala ka na talagang nararamdaman pa. 'Wag ka nang magparamdam pang muli. Wag mo nang hahayaang mahulog ulit ako sayo lalo na't alam kong hindi mo naman ako sasaluhin. - (c) Marcelo Santos III Ang Ex, oo past na yan. Hindi na dapat umeEXsena pa...