Hayyyy... Siguro ilang years na tayo ngayon kung hindi ka nagloko noh. Naghahangad pa naman ako ng Forever. Akala ko kasi ikaw na yung forever ko eh. Hindi naman pala. Muka lang tayong tanga kakaasa dyan sa forever na yan. Hahahaha 😂😂😂 pero wag bitter mga pre. May forever. Forever exist. Yun nga lang, mahirap hanapin yan. Mahirap yang abutin. Ang pagkakaalam ko lang kasi, Si God lang ang Forever. Hindi niya tayo iiwan no matter what. So ayun, di ko alam kung pano ko to sisimulan pero awang awa nako sa sarili ko kasi sobra na yung katangahan ko eh. Sobra na akong nagpapakamartyr sayo. Ganito kasi ako magmahal eh. Sagad sagaran. Lalo na sayo. Ewan ko ba, sa lahat ng lalaking dumaan sa buhay ko sayo lang ako nabaliw ng ganito. First love never dies nga pala. Pero, sana dumating yung araw na mamatay ka... Este, mamatay na yung presence mo sa puso ko. Hahahaha! Siguro kaya tayo iniwan ng mga taong minahal naten, kasi may mas better pang darating sa buhay natin para palitan ng mga saya ang mga sakit... ☺️ Yung bang, mamahalin tayo talaga ng buong buo. At never tayong iiwan. Nasan kana bruhhh? Hahahaha, antagal mo namang dumating eh. Inip na inip nako. Dami ko na ngang pinagdaanan na sakit oh, tas wala ka parin. Gusto ko lang naman pag dumating ka in the right time, in the right place and will ni God yun. Hindi yung sapilitan lang tapos iiwan mo lang ako. Hahaha. boyfriend lang Daniel Padilla please? 🙏 kasi, hinahangaan ko si Daniel kasi buo talaga yung love na pinapakita niya kay Kathryn. Well, si Kathryn na siguro ang pinaka maswerteng babae sa balat ng lupa sa ngayon. Hays.. Bakit kasi ganun, nauso pa yung salitang IWAN. :( diko parin matanggap. Ni sapat na dahilan hindi ko makita kung bakit moko iniwan. Hays. Ang hirap mong kalimutang gago ka!
"Dear Ex, mala Kathniel na sana tayo ngayon eh. Sinayang mo lang kasi. Tanga mo naman, pero oo sige na mas tanga na ako. Basta, pagsisisihan mo din kung bakit mo ako iniwan. Maaalala mo din lahat ng masasayang memories naten ng magkasama at mapapaisip ka nalang na sayang talaga."
YOU ARE READING
Dear Ex.. (Salamat sa lahat)
Teen FictionKung wala ka na talagang nararamdaman pa. 'Wag ka nang magparamdam pang muli. Wag mo nang hahayaang mahulog ulit ako sayo lalo na't alam kong hindi mo naman ako sasaluhin. - (c) Marcelo Santos III Ang Ex, oo past na yan. Hindi na dapat umeEXsena pa...