Bitterness (Message#4)

154 5 0
                                    

Letse ka kasi. Nakakasura ka. Sana wala nang babaeng magtatangka sayo na mahalin ka. Naku, kung alam ko lang kung sino ang susunod na mabibiktima mo siguro napagsabihan ko na yun ng maaga pa. Ate, "Bawal magpauto sa hayop na yan, nakamamatay." Sige ka. Matataya ka agad. Bahala ka. Magmumuka ka lang tanga. Hahahaha. Tatawanan nalang kita kapag nahulog ka sa patibong ng lalaking yan. Puro salita lang yan. Di niya yan ginagawa at pinapatunayan. Hayop nga eh! Wala na tayong magagawa dun. Make a choice.

Ang bitter. Ha ha ha! Ganyan talaga. Part ng nasaktan ang maging bitter dahil syempre nathrauma sila sa sakit na naranasan nila dun sa taong minahal nila ng sobra na akala nila mamahalin din sila pabalik. Pero di pala.. Hanggang panaginip lang pala ang lahat. Kasi, akala lang lahat ng yon. Never na nangyari. Kaya, know your feelings din, wag sobra sobra ang ibigay. Magtira sa sarili. Para pag nasaktan ka, masakit lang. Hindi MASAKIT NA MASAKIT..

P.S Sana sa susunod na magmahal ako, tao na. Nagkamali kasi ako noon ng pagpili kaya napunta ako sa hayop eh! Tsktsk.

"Dear Ex, sa mga puntong to. Puno ng galit at emosyon tong puso ko. Hindi ko parin kasi akalain na gagawin mo sakin to. Magagawa mo akong iwan ng luhaan at saktan na tila bang halos gusto mo na akong patayin ng buhay. Sobrang sakit.. Kung alam mo lang. Pero galit na galit ako sayo! Bakit ko pa kasi ikaw nakilala eh. Sana wala nang magmahal sayo ng katulad nang pagmamahal ko. Sana wala na ding taong magpapakatanga sayo, katulad ng pagkadesperada ko ngayon. Pero isa lang ang mapapatunayan ko sayo.. Wala ka nang ibang mahahanap na katulad ko. Pero kapag nakahanap ka, tandaan mo IBA AKO SA KANILA.. Ibang iba.."

Dear Ex.. (Salamat sa lahat)Where stories live. Discover now