Nasa labas ako ng block nila Luke dahil ngayon lang ako nagkaroon ng oras para ibigay iyong libro niyang iniwan niya kagabi, di ko kasi sila naabangan sa gate kaninang umaga.
I can still hear their proffesor discussing, kaya umupo muna ako sa upuan sa hallway dahil mukhang isang oras pa bago sila matapos, nilabas ko nalang ang isang handout ko para mag review.
Nang makarinig ako ng studyanteng nagsisilabasan ay tumayo narin ako. I saw Luke chatting with his one classmate about their lesson, nasa tabi niya rin si Kim na busy sa pag cecellphone.
Napatigil siya sa paglalakad nang makita ako. Nagpaalam siya sa kausap niya at lumapit sila ni Kim sa akin. Kim greeted me bago nagpaalam kay Luke, mukhang may sasabihin pa sana si Luke sa kanya pero mabilis siyang umalis.
"Yung libro mo pala, naiwan mo kagabi, sorry kung wala kang nagamit kanina ngayon lang kasi ako nag ka-oras." saad ko sabay abot sa kanya nung libro niya ng Anatomy and Physiology.
"Salamat, don't worry, di namin 'to subject ngayong araw." nakangiting sabi niya at inabot ito. He opened his bag and put it there, sakto naman ang paglabas nila Nikko, Matteo at Hans.
Agad dumapo ang tingin nilang tatlo sa aming dalawa. Tinaasan pa ako ng kilay Nikkolai kaya inirapan ko siya.
"Oy, 'bat ka nandito?" mapanghusgang tanong ni Hans sa akin.
"Wala ka ng pake 'don." pabalang na sagot ko, narinig ko naman ang simpleng pagtawa ni Luke.
"Uwi ka na agad. Wag magpapagabi, mag aral ka." seryosong sabi ni Nikkolai bago tinanguan si Luke, ngumisi naman si Hans sa akin bago nila sinundan paalis si Nikko. Mga baliw.
"He's protective." Luke said smiling.
"Kunwari lang 'yon." sagot ko."By the way pupunta ka ng work?"
"Oo, tara sabay na tayo." alok niya, di naman na ako tumanggi.
Huminto muna kami sa NBS dahil may bibilhin daw siya loob saglit, hinintay ko nalang siya sa loob ng sasakyan. Di naman siya matagal, bumalik din siya agad dala ang isang supot na naglalaman ng mga papel at highlighters, nilagay niya ito sa backseat at nagdrive na papunta sa shop nila.
Agad kaming nag trabaho dahil marami ang costumer, nag deliver naman si Luke ng mga orders. Sobrang busy ng shop nila, hanep.
Sumandal ako sa counter habang binibilang ni ate Ela ang kita ngayong araw, katatapos ko lang linisin ang huling table.
"Mas nakakapagod pag weekends, sobrang hassle rin dahil kulang tayo sa tao." natatawang sabi ni ate Ela.
On hiring parin kami ng mga part timers at kung maaari ay mga full timers na sana. Malapit naring mag bukas ang isa nilang branch, talagang sikat ang shop nila Luke.
Sabay kaming napatingin sa pinto ni ate Ela ng bumukas ito, pumasok si Luke at mukhang tapos naring mag deliver. Ngumiti ito sa amin ni ate Ela bago pumasok sa opisina ng nanay niya.
"Gwapo si Sir Lucas 'no?" biglaang tanong sa akin ni ate Ela.
"Hmmm." sagot ko dahil totoo namang gwapo siya.
"Di mo type?" nakangising tanong niya sa akin.
"Luh, si Ate." pag iling ko at bahagyang natawa.
BINABASA MO ANG
The Taste of Solitude (Medical Series #3)
Teen FictionWhen you thought you have it all, but because of just one mistake everything you have disappeared. Krystal Jung fell inlove with a man she never expected to show up in her life. But will that love prevail forever? or will end up with a great tragic?