Chapter:3

577 13 0
                                    

"Nakakahiya ka talaga Dahyun." punong puno ng pang aasar na sabi ni Hans sakin, I regretted telling him what happened.

"Tumahimik ka na nga at ikaw na kasi magbigay ng bayad, ka block mo naman eh, arte." pagpupumilit ko rito. Talagang inabagan ko siya sa gate ng Uni. para lang dito pero sadyang iniinis niya talaga ako dahil ayaw niyang tanggapin ang ipangbabayad ko.

"Bakit ako? ikaw ang may utang." pagmamatigas pa nito.

"Hansel!" napalingon kaming dalawa sa tumawag sa kanya, ka block niya ata.

"Oy una na ako, bye!" mabilis na sabi nito at tumakbo papunta sa tumawag sa kanya. Nakakabanas talaga siya!

Maglalakad na sana ako paalis nang makita ko si Luke at Kim sa gate, agad akong na estatwa, lalapitan ko ba o hindi?

But in the end, I choose to walk away pero alam niyo na, ang malas ko talaga because someone called my name.

Agad akong lumingon at nakita si Kim na nakangiti sa akin, wow close? sabay lang tayong kumain ng barbecue teh, wala kang karapatang tawagin ako huhuhu.

Alanganin akong ngumiti sa kanila, I saw Luke smiling at me too.

"Ah...hello, b-by the way, eto pala yung bayad sa barbecue, sorry talagang lutang lang ako kahapon." nahihiya kong inabot sa kanya ang singkwenta pesos, maliit lang 'yon na halaga but ika nga nila, every cent count.

Agad namang nagpaalam si Kim dahil may tumawag sa kanya, nakita ko pang sinundan siya ng tingin ni Luke bago tumingin sa akin. Okay, it's very awkward now dahil kami nalang dalawa ang natira.

"Ah,, ayos lang, hindi mo siguro nabasa reply ko kagabi." sagot niya.

"Hah? hindi eh." sagot ko.

"Kahit wag mo ng bayaran, ayos lang." nakangiti niyang sabi at tumingin ulit sa direksyon kung saan dumaan si Kim.

Tumingin ulit siya sa akin at nagpaalam bago mabilis na sinundan ang babae. Wala naman na akong nagawa kundi pumasok na rin. Ayaw ko pa namang nagkakautang sa iba.

Mas lalo pa akong na depress nang maipaalala nanaman na malapit na akong grumaduate sa med school, isang taon nalang. Ang iba masaya dahil makakatakas na sila sa amoy ng unibersidad, di nila alam may mas malalang naghihintay sa kanila.

Did I choose my course? oo, do I like it? oo, Am I regretting it? oo.

Ako ay isa sa mga undecided na studyante, kung ano ba talaga ang gustong kurso, andami kong gustong kunin at maging at sa sobrang dami nila di ko na alam ang talagang kukunin, when I was in middle school, I want to become an astronaut, I find it amazing when people got the chance to travel not only the world but the universe, but later on, that dream was altered into a pilot, until I went back from liking to become an astronaut, hanggang sa napalitan nanaman ng mechanical engineering hanggang sa napunta sa architect dahil nadiskubre kong may talento pala ako sa pagguhit. Pero dahil sa pag ka addict ko ng kdrama, I suddenly want to become a prosecutor, I find it cool, kaya naman puro legal drama ang pinapanood ko, I was so determine and so sure na 'yon ang kukunin ko, but then, some medical k-drama caught my attention, I almost forgot my dream about becoming a prosecutor, I started to gather lots of medical drama, again, my interest altered, gusto ko palang maging Doctor, that's why I enrolled into a pre-med course in college, pero habang tumatagal, na boboring na ako, nauumay na ako, ang tagal palang maging Doctor,nakakatamad na, pero wala na akong magagawa, nakalayo na ako, and I hate to start again kung sakali dahil sayang ang oras, pera and enerhiyang nilaan ko.

Tamad akong lumabas ng room dahil feeling ko na drain ang utak ko. May surprise quiz kami about surgery and I am not sure if I did good. Di ako nakapagaral ng maayos kagabi dahil kung saan saan lumilipad ang walang yang utak ko.

"Ang hirap ng quiz."

"Mukhang di ako makakagraduate ah."

Rinig kong rant ng mga kaklase ko, well, I feel them, pero kailangan kong grumaduate,nakakahiya kay Lola, papa at tita, especially doon sa mga pinsan ko, insecurities started to consume me again with the thought, all my cousins have high level of intellegence, si Nikko, matalino siya, talagang fortre niya ang medisina, yung isa kong pinsan, Pumasa sa SNU at nag aaral ng law, yung isa, graduating this year as an architect and also running for a latin honor, yung dalawa nasa harvard, also studying law.

Samantalang ako undecided parin, or siguro nagsisisi lang, wala eh, ganda lang meron ako. Aliw na aliw nga si Lola eh, dahil sa dinami rami ng apo niya, kami lang ni Nikko ang kumuha ng medisina, at plano niyang saamin niya ipapamahala ang ospital in the future, she has a very high expectation from the both us, kaya naman nakakatakot bumagsak.

Tamad akong nagsout ng lab coat, kinuha ko ang isa kong notebook at tinali ang mahaba kong buhok bago dumiretso sa lab para sa lab subject ko. Kailangan ko ng alak pagkatapos ng araw na ito hmp.

Di ako sumama kila Nikko mag lunch. Nag lunch ako sa silong ng isang malaking puno sa school, malawak ang unibersidad namin at may parte na puro puno, kadalasan dito nag lulunch at nag aaral ang mga kapwa ko studyante dahil tahimik at presko ang hangin.

Pagkatapos kong maglunch at inilabas ko ang libro ko at ang notebook, I need to study dahil may recit kami mamaya. Maganda ang schedule ng klase ko, hindi papalit palit di tulad ni Nikkolai at Mateo. Mula 8:AM hanggang 5:00 PM ako kaya naman nakakapagparty ako sa gabi.

Natigil ako sa pag-hihighlight nang may marinig akong kakaibang tunog, tumigil pa ako ng konti para pakinggan ulit ito, talagang nagsalubong ang aking mga kilay nang mapagtanto kung ano ito. Isang unggol putangina.

Dahan dahan akong sumilip sa likod ng puno kung saan ako nakasandal, only to see Kim at kandong kandong siya ng isang lalaki, they're fucking making out, mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang ipasok ng lalaki ang kamay niya sa loob ng tshirt ni Kim, he also slipped his other hand inside her skirt. Di ko na kinaya ag nakikita at agad kong inayos ang mga gamit ko at umalis. Dumiretso ako sa C.R at naghilamos, para tuloy akong nagkasala sa nakita.

I mean yeah, I saw a lot of that dahil mahilig akong pumarty, marami akong nakikitang ganyan sa loob ng bar pero sa loob ng campus? putangina ha? buti walang masyadong studyante sa parte kung saan ako pumwesto at natatakpan sila ng mga puno. Balak ata nilang mapatalsik, tatapang.

Paglabas ko ng C.R ay muntik ko ng mabangga si Luke at mukhang may hinahanap ito.

"Sorry." mabilis niyang sabi, tumango lang ako, I was about to walk away nang lingonin niya ulit ako.

"By the way, did you by chance saw Kim?" tanong nito sa akin.

Agad ko namang naalala ulit ang nakita kanina. "Hindi eh." pagsisinungaling ko.

"Ah, sige, hindi pa kasi siya nag lulunch eh." nagaalalang sabi nito, ngumiti siya ulit bago nagpaalam.

Alangan namang sabihin kong nakita ko siyang nakikipagyugyugan doon sa labas, tsaka di siya nag lunch dahil siya na ang ni-lulunch.

Nanatili akong nakatayo at pinanood ang papalayong pigura ni Luke. Halatang may gusto siya sa kaibigan. Isang nakakatakot na pangyayari. Umiling nalang ako bago umalis.

-🌻

The Taste of Solitude (Medical Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon