Chapter:19

421 10 4
                                    

Again, internship palang pero nakaka stress na, nakakasuko na.


Tamad akong sumalpak sa katre ng quarter namin, ito lang ata ang oras na nakaupo ako ng maayos sa buong araw. Sinabunutan ko ang sarili at minura mentally, saan ba nag sosout ang utak ko?   Isa ako sa nag observe sa isang lung surgery kanina and the doctor asked me kung anong best surgery ang dapat sa isang lung cancer patient, I answered laporatomy for pete's sake! saan ko ba 'yon nakuha gago, the doctor looked at me dumbfounded.


"get some sleep Jung, mukhang lumipad utak mo or meron ka ba 'non?"


Wow! Just wow! what my senior said keeps ringing into my head! nakakahiya! mabuti sana kung mag isa lang ako nung sinabi niya 'yon, I was  with his residents!


After I got some sleep bumalik narin ako to do my rounds bago pumunta sa opisina ng department namin. The two residents are there, sila yung nakarinig, di ko alam kung anong klaseng mukha ang ipapakita ko, nakakahiya talaga.


"Oy Krystal, kumain ka na? kain ka na, we ordered too much food." nakangiting aya sa akin ni Doc. Leya, isa sa mga pinakamabait na resident na nakilala ko.


Doc. Sam gestured me to take a seat, akala ko nung una mag jowa sila ni Doc. Leya, mag bestfriend lang pala, lagi ko kasi silang nakikitang palaging magkasama.

Inabutan ako ni Doc. Leya ng spag, at milktea, tumango naman ako bilang pasasalamat.


"Wag mo ng isipin yung nangyari kanina, ganoon lang talaga si Doc. Dela Cruz, I am not invalidating your pain ha, pero we actually experienced worst, I'm telling you this para di ka na ma-shock at medyo mabawasan yung sakit na nararamdaman mo in case he give inappropriate comments again, lahat ng residente ditong dumaan sa kanya ay talagang napahiya noon, mayroon ngang iba na gusto ng sumuko dahil ang harsh niyang magsalita, actually, okay pa yung sinabi niya sayo kanina, next time kasali na pamilya mo sa panglalait niya and next time ulit kasama na ang boung angkan mo, so just cheer up, wag mo nalang isipin 'yon, just do better next time and you'll be fine." pang i-encourage sa akin ni Doc. Leya, ngumiti naman ako at tumango.



"Alam mo ba ang pinakamasakit na sinabi niya sa akin nong intern pa ako?" saad ni Doc. Sam kaya napatingin ako sa kanya waiting for him to continue.



"Eto ang sabi niya, alalang alala ko pa talaga, 'Paano ka nakapasok sa medical school at sumabak sa intership ang bobong tulad mo!? siguro binayaran ng pamilya mo ang mga grado mo 'no? magkano? ibabalik ko, di namin kailangan ang walang pasyon sa pag do-doctor dito! mag quit ka nalang at magpalamon sa mga magulang mo walang kwenta! that's what he said to me, I felt so little that time, parang gusto ko na ngang mag quit nalang talaga pero dahil sa pangarap nagpatuloy ako." salaysay ni Doc.Sam.



Grabe, bakit kaya may mga Doctor na ganyan, it is okay for them to get angry but with limit din naman sana dapat, hindi yung halos putulan nila ng pakpak ang mga under sa kanila, kahit salita lang ang mga 'yon but ika nga nila, words can kill, it can make a person bleed.



Mabilis ang mga pangyayari sa buhay ko, our internship will end soon, okay naman ang relasyon namin ni Luke, we see each other every weekend pero kung hassle talaga schedule namin, we see each other when we see each other.


"Kumusta ka?" tanong ni Luke sa akin, I was seated on his stool, tambay nanaman ako sa condo niya, habang siya ay nagluluto.


"Gumagana pa naman sistema ko, ikaw?" tanong ko pabalik and he just gave me a thumbs up.




Tinitigan ko ng matagal ang likuran niya dahil nakatalikod ito sa akin, I wish he's telling the truth. "You can always open up to me okay? I'm always here to listen when things go south, I just want tell you that I love you and I care for you."



Lumingon ito sa akin and I saw how he smiled genuinely."Thanks love. I do the same. I'm always here for you too."



After naming kumain ng lunch ay nag volunteer akong maghugas ng pinggan, pagkatapos noon ay lumapit ako sa kanya sa sofa, he's wearing his usual eye glasses while highlighting on his books.



Napasimangot naman ako at nilapitan siya, Why the hell am I being clingy now!?


Tinaasan niya ako ng kilay before he pinched my cheeks, di rin siya nakatiis at binaba ang librong hawak niya at binuhat niya ako, I am sitting on his lap two arms being wrapped on his neck, hinawakan niya naman ang magkabila kong bewang bago niya ako niyakap.


Nakaramdam ako ng pahinga. Hindi lang siya tahanan; pahinga rin sa mundong nakakapagod.


"May plano ka ba sa pasko?" tanong niya sa akin in between our hugs.


"Maybe uuwi kami ng Gangnam, alam mo na, dapat kompleto kami, bakit?" sagot ko.


"How about new year?" tanong ulit niya.


"Maybe we'll go to New York, we mostly spends our new year there with our other relatives, it's a tradition already I think." sagot ko.


Kumalas din kami sa pagkakayakap, bumalik naman ako sa pagkakaupo sa tabi niya bago siya hinarap.


"Bakit?" tanong ko ulit ng di ito nagsalita.



"Hmmm? ah wala, I'm just asking sagot nito at ngumiti ng tipid bago nag iwas ng tingin. Pinakiramdaman ko muna siya bago nagsalita.


"May plano ka ba? You can tell me, you know I can cancel all those events just for you, just say the word." saad ko.


Tumingin naman ito ng sa akin at ngumiti ulit ng tipid. "Baliw, spend it with your family, mas importante sila."


"But you're also important." sagot ko.


He just pinched my nose again before smiling. But he didn't utter any word.


"Ikaw ba? Saan ka mag papasko?" tanong ko rito.


"Bataan, with my fam and Kim of course, the typical." he shrugged.



Umakto naman akong nagseselos kahit di naman talaga."Si kim nanaman? nagseselos na ako ha."

Na alarma itong tumingin sa akin."What no? hahaha, she's part of the family already and promise, wala na akong nararamdaman para sa kanya."



Tinawanan ko naman siya at pinisil ang pisngi."I'm just joking love, pero seryoso, do you want us to spend the holiday together?"



"Sana, pero may plano ka naman na with your family and I respect that." he said smiling.




"Well I can sacrifice one, do you want to welcome the new year together?" nakangiting tanong ko.



He looked at me with a very hopeful eyes."Can you do that?"


"I can do everything just for you." saad ko.


Even if one day sacrificing for you means hurting myself, I will never hesitate, because I love you so much, I don't believe in love but you're the only exception.



—🌻

The Taste of Solitude (Medical Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon