Chapter:11

403 11 0
                                    

Mag isa akong naglalakad papuntang cafeteria para mag lunch dahil di ako naka gawa ng baon ko, I woke up very late, nag aral kasi ako magdamag kagabi.

Kagagaling ko lang sa lab, suot ko pa ang lab coat ko at specs, babalik pa ulit ako mamaya roon pagkatapos kong kumain.


After I got my food, naupo ako sa pinakadulo. I was reading my notes while eating nang may maglapag ng strawberry shake sa mesa ko, I looked up and saw Kim smiling at me, ngumiti din ako sa kanya bago tinignan ang braso niya, may band aid parin ito.

Umupo siya sa harap ko bago magsalita." I heard from Lucas na ikaw ang umasikaso sa akin that night, I am thankful for that and also I apologize for the trouble, I owe you a lot."

Nginitian ko ito at umiling."Wala 'yon. Kumusta ka na? Yung ulo mo? did you go and see a Doctor? malakas din pagkakatama niyan sa lamesa 'no."

Tumawa naman siya ng bahagya, kumunot naman ang noo ko, what's funny?"You're so kind. Oo ayos lang ako, wag kang mag alala, sige enjoy your lunch."

With that, umalis na siya. Napangiti naman ako. I hope they both talk.


Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ako sa lab. My day in the University is very tiring. Medyo na late pa akong pumasok pero nagtataka ako kung bakit nagsasara na si ate Ela eh alas sais palang.


"Oy Krystal." bati sa akin ni Ate nang makita ako.


"'Bat ng aga mo magsara ate? may nangyari ba?" tanong ko.


"Oo eh, Si Sir Lucas pinapagalitan nanaman, malala na ngayon." malungkot na sagot ni ate.


"Bakit daw?"di ko maiwasang itanong.


"Nung biyarnes kasi, napaaway ata may mga pasa sa mukha eh, tapos ngayon lang  siya umuwi" sagot ulit ni Ate, naalala ko naman yung nangyari.


"Wait, diba sabay kayong umuwi nung Biyarnes?" nagtatakang tanong ni Ate.


"Oo ate, pero hinatid niya lang ako tapos umalis na siya." pagsisinungaling ko, ayaw kong mag kwento, parang binabackstab ko  kasi ang mga kasangkot kung sakali.


Tumango lang si Ate."Ganoon ba? haysst, ano nanaman ba nangyari. By the way, pwede ka ng umuwi, bukas ka nalang pumasok, gamitin mo nalang ang oras na ito para magpahinga at mag aral."


"Ah sige po ate salamat, sige mauna na ako." nakangiting sabi ko,I was a little bit hesitant na umalis nalang pero ano nga bang magagawa ko? Instead, I went to buy some groceries nalang.


Pagka uwi ko ay agad kong inayos ang mga pinamili ko bago naligo at mag palit ng damit. Bumalik ako sa kusina at nagluto ng sinangag, while waiting for it to cook, sumandal ako sa counter at nag hanap ng gamit sa pag babake online, I am also planning to buy bigger oven.


Kasalukuyan akong nag sscroll nang tumunog ang doorbell ko, sino naman kaya ito, wala namang sinasabi sila Andrei na pupunta sila. Nilapag ko sa counter ang cellphone ko at tamad na naglakad para pag buksan ito.


Napaawang naman ang labi ko ng makita kung sino ito."Oy Luke."


"Can I come in?" mahinang tanong nito. Agad naman akong tumango at binuksan ng mas malawak ang pinto. Pumasok naman siya agad, dala nito ang bag niya.


"Kumain ka na?" tanong ko rito.


Umiling naman siya.


"Great, I'm cooking sinigang." masayang sabi ko at nagtungo sa kusina.


"You can open the TV and watch first!" sigaw ko mula sa kusina. Pero di naman niya ito ginawa.


We eat silently, nag presenta pa siyang mag hugas ng pinggan pero pinigilan ko ito, bukas nalang ako maghuhugas dahil malamig na ang tubig.


Nauna na siyang bumalik sa sala, sumunod naman ako dala ang kape namin, nag aaral pala siya kanina dahil nakalabas ang mga reading materials nito.


Umupo ako sa sahig kaharap siya at nilapag ang kape namin sa coffee table. Tumingin ako mukha niya at naghihilom na ang pasa sa may bandang mata niya pero yung sa labi ay halata pa. Tumayo ako at kinuha ang first aid kit ko bago lumapit sa kanya. Nagulat naman siya nang hawakan ko ang mukha niya.


"Dapat ginagamot mo bawat umaga para di mag iwan ng peklat." payo ko habang nilalagyan ito ng ointment. Pagkatapos 'non ay sunod kong tinignan ang braso niya.


"Ang puti pa naman ng balat mo, halatang nasugatan dahil namumula." sabi ko kahit di niya ako sinasagot. I changed the bandage into a new one.


"Thanks." tanging sabi nito at nag iwas ng tingin.


"Ayos ka lang?" di ko mapigilang itanong.


Marahan itong tumango.


Tinitigan ko ito, di ko alam ang gagawin, di ako sanay sa pag cocomfort eh, halata naman kasi di siya ayos.


Bumuntong hininga nalang ako at niyakap siya, nabigla pa ata ito. "Ayos lang 'yan, if you need someone to talk to nandito lang ako."


After that ay humiwalay na'ko. Tumingin ako sa kanya at nginitian siya.


"Salamat." saad ulit nito.


Nginitian ko nalang ito ng tipid. Di ko alam kong anong nangyari pero halata kong malala nga ito.


"I and Kim fought, umuwi ako ng Bataan para magpahangin, pagbalik ko rito, nag away naman kami ni mama." he started, tahimik lang ako at nakikinig.


"I can't blame my mom though. She has a point, I've been selfless when it comes to Kim, pero alangan namang hayaan ko siya roon, she was harass, di ko alam, parang lahat ng ginagawa ko mali." pagpapatuloy niya.



"All I want is to help, kahit walang kapalit, kahit di niya ako mahalin pabalik, pero di ko namamalayan, nauubos narin pala ako, nakakapagod, lahat ng effort ko nasasayang lang rin dahil kahit anong gawin ko paulit ulit lang ang nangyayari."


"Kim came to thank me kanina." wala sa context na sabi ko.



"Glad to hear that." sagot niya.



"But she must be more thankful to you dahil pinuntahan mo siya, your efforts are not wasted, you just did what was right." saad ko.



Di siya umimik at nanatiling nakayuko. Niyakap ko naman ang dalawa kong tuhod habang nakatingin sa kanya, nag angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin. I smiled at him.



"I, honestly doesn't know how to comfort you right now, but I want to say that you are not worthless. And also, ayos lang magmahal pero siguraduhin mong ang pagmamahal na 'yan ay hindi siyang uubos sa 'iyo."




—🌻

The Taste of Solitude (Medical Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon