When I woke up, I am met by the white ceiling, making it obvious that I am in the hospital.
I turned my gaze infront and saw my son, sobrang nag aalala ang mukha nito.
"Mommy!" agad niya akong niyakap at umiyak. Hinaplos ko ang buhok niya.
"Mommy is okay now baby." mahinang sabi ko.
Kumawala ito sa akin at tinignan ako, pinunasan ko ang natitirang luha niya gamit ang daliri bago ngumiti.
"Really?" tanong nito.
"Hmm." pagtango ko.
Naroon rin si tita at lola, I assured them that I was okay, even my dad called. Sobrang nag aalala silang lahat.
When they're both convinced that I am okay, umalis narin sila leaving me with Jihyun, bibili si tita ng pagkain at babalik naman si lola sa meeting na pinahinto niya dahil sa akin.
Jihyun was lying beside me while watching on my phone some cartoons. Nakayakap naman ako sa kanya habang nakikinood
Bigla akong napatingin sa pinto ng may kumatok, bumukas ito ng dahan dahan. Gulat na gulat ako ng makitang si Luke ito.
"Doc!" agad na sabi ng bata at agad itong nilapitan, napaupo naman ako. Binuhat niya ang bata bago ito pinisil sa pisngi. Napaiwas agad ako ng tingin.
"Can you leave me and your mommy for a second? I just need to talk to her for a moment." mahinang sabi ni Luke sa bata at agad naman itong tumango. He waved at me before finally leaving.
Naramdaman kong lumapit si Luke sa akin pero nanatili akong nakayuko. I can't meet his gaze again, I just can't afford it.
"Maayos ka na ba?" tanong nito sa akin. I can't fathom the emotions behind his words.
Tumango lang ako bilang sagot. Then silence enveloped us again before he decide to break it.
"C-can I asked another question?" parang kinakabahang tanong niya at tumango ulit ako.
"I--- Is h-he m-my child? Is Jihyun my son?" parang hirap na hirap na tanong niya.
Doon na tumulo ang mga luha ko. I wish he is.
Maybe he calculated the year gap.
Dahan dahan akong umiling habang patuloy sa pagragasa ang mga luha ko."N-no, h-he's not y-yours."
"Krystal, please don't lie to me." his voice broke.
Umiling agad ako."H-Hindi siya sayo..."
"P-paanong hindi? limang taon na siya, limang taon narin simula nung umalis ka, paanong hindi?" hirap na hirap na rin siya.
"I-I...I...I..I...c-che...I cheated on you." I lied. Hirap na hirap na ako Lord. Hindi ko na kaya. Di ko masabing narape ako, di ko kayang sabihing nilagyan ng droga ang inumin ko noon at inuwi. Hindi ko kaya.
"K-krystal...please you're lying." di makapaniwalang saad niya pero di na ako makapagsalita. Dahan dahan itong umatras sa akin habang umiiling. At nang makaalis siya ay doon na bumuhos ng malakas ang mga luha ko.
Pagka discharge ko ng ospital ay agad akong nag impake ng mga gamit ko, I need to leave this place, di ko na kayang manirahan pa rito. Tita was confused but I just told her an emergency came up from my business. I planned to get Jihyun after he finishes this year sa school, he can't also stay here, I feel sorry for dragging a clueless child like him to my mess but this place isn't just for us.
Ang Ironic ng nangyayari sa pamilyang 'to. Nikkolai was out there chasing a lady and here I am hiding from a man. Siguro ganito talaga ang nakatadhana para sa aming mag pinsan. Life's like a chess board and we are the pawns.
After a very hard goodbye to Jihyun, I finally arrive at the airport, walang naghatid sa akin, and it's my request, I just want to leave this place in peace.
Umupo ako sa waiting area habang hinihintay ang eroplanong sasakyan ko.
"K-krystal?" napaawang ang labi ko ng makita si Zarina, ang kaibigan ko noon, ang lagi kong kainuman.
"OMG! Krystal!" she exclaimed when she realized that it's really me.
Agad niya akong niyakap ng mahigpit, ako naman ay nanatili naninigas sa kinauupuan.
Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin bago ako tinignan.
"Putangina ka! Halos mag aanim na taon na ngayon lang kita nakita, saan ka ba ng sososout ha! Alam mo bang muntikan na kitang ireport na missing punyemas ka!" saad nito.
She's still the same Zar I know from before.
Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya bago yumuko. Why can't I just leave this place quietly? Bakit ba nagpapakita silang lahat sa akin ngayon.
"Gaga ka talaga! Matapos mo akong takasan sa hotel di ka na nagpakita, wala ka man lang message na iniwan, nag shower lang ako saglit paglabas ko wala ka na sa kama letche ka!" pagpapatuloy nito.
Doon naman na ako nag angat ng tingin. Ano? Confusion started to swallow me.
"H-huh? sa hotel mo? ikaw ang kasama ko roon?" dahan dahan kong tanong. But I clearly remember being dragged by that man.
"Oo, pinuntahan ako ng boyfriend ko para sunduin tayo, then he saw you being dragged by someone by force, syempre, nilapitan ka namin, we helped you, the man run away, drinoga ka pa ata eh dahil di ka naman madaling malasing, it was my first time seeing you in that state, dinala tayo ni Miller sa hotel. At dahil lasing din ako, I just took off your clothes at nahiga na sa tabi mo, tapos ayon, kinaumagahan pagkatapos kong mag shower you disappeared like a tiny bubble." salaysay niya.
Nanlumo ako sa nalaman, I wasn't raped, Naligtas ako, all those resentment and pain is for something that never happened, pero bakit ako nabuntis?
"Wait...don't tell me you thought you were raped?" bumilog ang mga mata ni Zar. I slowly nooded and she hugged me tightly.
"Omg, I'm so sorry." she said between our hug.
Nang pakawalan niya ako ay dali dali akong tumayo at kinuha ang mga maleta ko.
"Sorry...and thank you Zar. I'll see you soon!" nagmamadali kong saad.
Pumara ako ng taxi at agad kong pinasok ang maleta ko, habang umaandar ang sasakyan ay tinawagan ko si Papa. Matapos ang ilang ring ay saka ito sumagot.
"I'm sorry, I was in a meeting. Is there's something wrong?" he's worried again.
"Dad, about 5 years ago, if you can still remember it. Am I a week pregnant?" agad na tanong ko
He stops for a second maybe thinking."I think no, as far as I can remember you're a month pregnant that time, uh...two months pregnant I think? why?"
Nabitawan ko ang cellphone sa sagot niya. Then tears starts streaming down my face. Jihyun wasn't a product of rape, and I never had any sex with other man except Luke at that time.
Shit.
—🌻
p.s: sorry if medyo natatagalan po akoezs sa pag update ngayon, busy lang po ako sa pag di-digest ng sandamakmak na case tsaka busy din po sa pagluluksa sa ending ng snowdrop, pag di niyo pa iyon napapanood, panoorin niyo na, pandagdag kalungkutan sa buhay chos. So ayun na nga, salamat sa patuloy na pag babasa sa inaamag kong istorya hahaha. see u again after 10 years muah!

BINABASA MO ANG
The Taste of Solitude (Medical Series #3)
Novela JuvenilWhen you thought you have it all, but because of just one mistake everything you have disappeared. Krystal Jung fell inlove with a man she never expected to show up in her life. But will that love prevail forever? or will end up with a great tragic?