Chapter 1: "Tears!"

1.4K 84 49
                                    

CHAPTER 1

To make the long story short...

Break na kami ni Sophia. Nagsimula ang lahat sa simpleng

"Yes I will be yours Clied Fernandez"

at tinapos niya sa

" Ayoko na! Tama na Clied! tapusin na natin to

Diba ang dali? Ang daling balikan ang nakaraan pero ang hirap kalimutan. At hetong mga luhang tong umaagos sa mukha ko na walang tigil sa pag-agos ay hindi pa tumitigil kahit pinipilit kong labanan.. Dala ba to nang sakit at pagkabigo na nararamdaman ko ngayon? Pero wala akong pakialam kahit maubusan pa ako ng luha ngayon. Mailabas ko lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon (1%=tears, 99%=emotions 'pain') 

May mali ba akong nagawa sayo? Di ba wala! Kasi hindi naman kita niloko kasi mahal na mahal kita. Pero sa huli, ikaw ang nangiwan at ako ang luhaan dala ng pagkabigo at sakit na nararamdaman.

"Clied anak. Lumabas ka na diyan sa kwarto mo at mahuhuli ka na sa flight mo papuntang Seoul" 

At sa pag-alis ko, tuluyan ko nang buburahin ang nakaraan ko at pati sarili ko  babaguhin ko dahil ayoko nang magpaka TANGA!

At kapag dumating ang araw na nakita kita, hindi kita aawayin, hindi ako magagalit, at hindi kita sasaktan....

Yayakapin lang kita sabay bulong

"Huwag kang manghihinayang kapag nilayuan rin kita gaya ng paglayo mo saakin di ba? basta't alam kong pinaramdam ko sayo na mahalaga at mahal na mahal kita"

"Sige po Ma. Lalabas na ako. Sandali lang po at mayroon lang akong aayusin sandali" i replied.

Pagkabukas na pagkabukas ko nang pinto, I was surprised. Nandito ang mga tropa ko kasama si Sophia.

"Tol aalis kana pala di mo man lang kami sinabihan." unang bungad ni Waylon

"Oo nga Pare. Ibig sabihin ba nun hindi ka dito magpapasko sa Pinas?" sumbat pa ni John

"Teka, teka.... bakit parang umiiyak ka?" tanong ni Carl

"Wala to mga tol. Ma-mimiss ko lang kayo"

sinungaling kong sagot kasi ang totoo nasaktan nanaman ako ng makit ko si Sophia ' this not the right time para magpakita ka ulit ' Bakit nandito siya?

 "O mga pare... panubayan aalis na ako , mahuhuli na kasi ako e"

"Aalis ka na talga Clied?" biglang tanong ni Sophia

"Ah ... ahm ... Oo at nagmamadali na ako" pautal - utal kong sagot.

Masakit man isipin na iiwan ko na kayong lahat pero heto lang ang paraan para makalimot ako

"Aling Estella, pakidala na po nitong mga gamit ko sa kotse at Kuya Jun ihanda niyo na ang kotse at aalis na ako" pasigaw kong sabi sa kanila.

Dadaan na sana ako paalis sa kanila pero pinigilan ako ni Sophia. Anu nanaman bang kalokohan to?

"Clied please pwede ba tayong mag - usap?"

Hinila ko siya pabalik sa kwarto ko. 

"Bakit mo ako sinaktan?"

"Bakit mo ako pinakawalan?"

"Bakit mo ako iniwan?" yan ang unang bumuka sa bibig ko nung kaharap ko na siya

"Bakit ka rin aalis ng walang paalam?"

"Bakit ka rin nagkakaganyan?"

"Bakit ka pa ba umaasa ha?" awts!!! as#h@le men! pabalik niyang tanong

"Wala lang ba sayo yung dati? at yung pagmamahal ko sayo?" I asked.

"Meron" pilit niyang sagot

"Kung ganun bakit mo ako iniwan? tinalikuran? sinaktan? at bakit ka nandito kung talagang wala na tayo?"  

"Kasi di ba ayoko na sayo! at kung yun rin lang... ibabalik ko lang sayo eto.... ang singsing! Hindi ko na yan kailangan. Sege aalis na ako. Goodluck pala sa pag-ails mo papuntang Korea"

*ting!* nahulog ang singsing na inabot niya saakin... Ganyan na ba ang mga babae ngayon? Sila na ang nang - iiwan? at para rin hindi na makita ng mga tropa ko ang luhang to na paulit - ulit lang sakaka agos!! SH#T!!!!! kinuha ko ulit yung singsing atdali - dali akong lumabas sa kwarto papunta sa labas para pumasok na sa Kotse at para rin makaalis na ako.

Tandaan mo to Sophia,

HINDI NA ULIT AKO MASASAKTAN PA NANG GANITO! KASI SA PAGBALIK KO, KAYO NAMAN ANG PALULUHAIN KO GAYA NG GINAWA MO SA ISANG KATULAD KO NA ANG ALAM LANG AY MAGMAHAL  NG TOTOO AT HINDI MANAKIT SA ISANG BABAENG TULAD MO

___________________________________

end of the 1st Chap 

sana po nagustuhan niyo ..... VOTE, LIKE AND COMMENT PO KAYO TNX!

KUNG MAY TIME NGA PALA KAYO... CAN YOU READ MY OTHER STORIES ( SPECIALLY YUNG ONE SHOT STORY NITO)

* MY VALENTINE - ONE SHOT * po yung title ... sana po basahin niyo at vote and comment na rin pala tnx!

She made me CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon