Chapter 39
"Have you considered studying again?"
Napatigil ako sa paglalaro sa swivel chair ni Sam nang bigla nya akong tanungin nun. Tumaas ang kilay ko sa kanya.
"Huh?" parang tangang tanong ko.
Sam smirked at me. Binaba nya ang hawak na blue print bago naglakad papalapit sa akin. He held both sides of the chair to make me steady. Ngumuso ako.
Nandito kaming dalawa ngayon sa office nya. Rest day ko ngayon pero may trabaho sya. Napagkasunduan namin na magsisimba kami mamaya kaya sinama nya na lang ako para hindi ako maghintay. Hindi naman daw sya sobrang busy, may tinatapos lang.
At first, ayoko talaga. I can still remember what happened that night. At isa pa, my insecurities are kicking inside me. Naiisip ko lang kung gaano sya kalayo para maabot ko. But those thoughts were put into waste when I was greeted by his colleagues.
With no apparent reason, they started apologizing to me. Lito ako kung bakit at para saan hanggang sa si Peach na mismo ang kumausap sa akin. We talked and everything was settled. Okay lang naman kasi talaga sakin.
Eventually, I got comfortable here. Kahit papaano, hindi ko naramdaman na iba ako.
"I said, have you considered studying again?" pag-uulit nya.
Ngumiwi ako.
"Bakit mo natanong?"
"Nothing. I just wonder if you want to study again." aniya.
Kung gusto lang din, aba oo, gusto ko. Sino ang ayaw makapagtapos? Kaso, hindi naman lahat ng gusto, pwedeng makuha. Hindi porket gusto natin, makukuha natin.
Slowly, I shrugged my head and smiled sadly at him.
"Gusto. Pero hindi ko na iniisip yan." I said before chuckling.
Sam looked at me sadly. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago nag-iwas ng tingin.
"Why? You can still study. Ieenroll kita. Kahit online lang dahil may trabaho ka." suggest nya. Umiling ako.
"Wag na." sabi ko at tinawanan sya. He didn't answer. I sighed.
"Hindi na ako maalam mag-aral. Mabobobo lang ako. Tsaka late na din. Ilang taon na akong late." sabi ko na para bang sapat na rason na yun para hindian ko ang offer nya.
Sam licked his lips. Nang may tumakas na buhok sa mukha ko, mabilis nyang inilagay yun sa likod ng tenga ko. I smiled.
"Wala namang due date ang pag-abot sa pangarap." he said. Natigilan ako.
Sam sighed before smiling at me.
"Tanda mo nung college tayo? Everytime na tinatamad akong mag-review, pinapagalitan mo ako. Dati naman pumapasok lang ako para sa attendance, pero dahil sayo, minahal ko ang course ko. And look where it brought me."
"Wag ka nga. It's all because of your hardwork. Wala naman akong ambag sa success mo." sabi ko. Ngumisi sya sakin.
"Kung alam mo lang. Tinitingnan ko kaya yung picture mo noong nagrereview ako ng board."
Ngumuso ako. Nambola pa, akala mo naman talaga totoo.
"Pero seryoso Sab. Pwede mo naman ulit subukan. Tutulungan kita." he said sincerely.
BINABASA MO ANG
Hey, My Coffee Lover
Teen FictionSometimes, the best memories can be created by a simple coincidence... unexpected eye contact, small smile, a mistake.... and everything can suddenly turn into magic. It can be inside a coffee shop, where random people go... Who would have thought t...