Seventh Chapter
Memorial Park
*
Susugod sana sakin ang babaeng kasama ni Adam pero hinila niya ito at umalis sila palayo. Sinasabi lang ni Adam na ayaw niya ng eksena. Nagpupumiglas ang babae kaya naman nakapukaw ito ng attention. May mga taong nakatingin pa rin sakin. Salamat nalang at nandyan si Tanner.
"Cotton candy?" offer ni Tanner.
Tama naman si Tanner. Mapait ang nararamdaman ko ngayon kaya kailangan ko ng asukal.
"Tanner sana hindi na ko naglaro." sabi ko habang kinakagat ang cotton candy.
"Sana hindi na din ako nagstrike. Sana hindi na ako sumama sa kanya magkape." dugtong ko pa.
Hinihimas lang ni Tanner ang likod ko. Hindi niya din siguro alam kung ano ang sasabihin sa akin. Wala naman din siyang alam kung ano ang meron sa amin ni Adam.
Hinatid ako ni Tanner pauwi kahit ayoko pa. Kailangan ko daw magpahinga. Wala naman ako magawa dahil nandito na kami sa bahay. Good news, wala pa ring tao.
Nasa kwarto na ako at nagtext nalang si Tanner na uwi na siya. Heto nanaman ako at mag-isa. After 15 minutes nagtext si Tanner na kakauwi lang niya. Nagreply naman ako at sinabi kong matutulog na ako. Pero hindi ako matutulog. Gusto kong magsorry kay Adam sa nagawa ko. At gusto kong malaman kung ano nalang ako sa kanya. Kung ano ba talaga ako sa kanya. Kung ano pa kami.
Sinagot ni Adam ang una kong tawag at tinatanong kung sino daw ako. Nagpakilala naman ako at sabi niya ay hindi niya daw ako kilala. Parang tinatahi ang puso ko sa sama ng loob. Bakit niya to ginagawa sakin.