Second Chapter
Carnival
*
Ang sarap sarap gumising sa umaga kapag nanumbalik ang inspirasyon mo. Yung tipong bumalik ang kakaibang tibok ng puso mo. Yung tipong after lunch ka naman talaga nagigising pero dahil sa may kakaibang kiliti ngayon sa puso mo, nababago nito ang routine ng buhay mo.
"Ang aga mo naman babe. Antok pa ko eh!" daing niya sa kabilang linya.
Tinawagan ko na kasi agad siya dahil siya agad ang nasa utak ko paggising ko. Natatawa ako sa pagkahusky ng boses niya dahil bagong gising. Pero natawa din siya. Pinuyat ko din siya kagabi dahil magdamag kami magkausap sa phone. Yung getting-to-know-each-other-stage kung tawagin ng karamihan. Masaya ang gabi ko at lalo na ang umaga ko.
"Natulog ka na ba talaga kagabi o may tinawagan ka pang iba?" pagtatanong niya mula sa kabilang linya.
Nabanggit ni Adam na seloso talaga siya. At ayaw niyang may makakausap na ibang lalaki ang mga nagiging girlfriends niya. Iyan daw kasi talaga ang laging dahilan ng break-ups ng mga naging past relationships niya kaya naman heto bumagsak nalang siya sa contractual relationships. Nabanggit niya na ngayon lang niya gagawin to at ako ang buena mano. Kung sabagay, sakto naman sakin tong ganitong sitwasyon dahil may limit at alam kong may hangganan. Alam ko ang assurance kaya alam ko ang ibabagsak kong attachment kung hanggang saan lang. Kumbaga sa pagsesend ng e-mails, hanggang 25mb lang maximum files na pwede mong i-attach.
"Syempre hindi no. Natulog na ako. At loyal akong girlfriend" sabi ko.
"Good! Mag-ayos ka na. I'll be there at 30 magdate tayo for the whole day. Sagot ko na dahil girlfriend na kita. May sasakyan ako kaya di tayo magcocommute." sabi ni Adam.
Parang sa isang ting lang ng slot machine natupad lahat ng pangarap ko kay Adam. Ang makadate siya, ang makasakay sa kotse niya at syempre ang makasama siya. Hindi ko naman hiniling na maging boyfriend talaga siya pero parang ganun na nga.