Sixth Chapter
Center Plaza
*
"Gumising ka na." daing ni Adam.
Tanghali na pala. Ang sarap lang ng tulog ko. Para akong nagblackout na tipong hindi mo na maalala lahat ng nangyari kagabi. Hindi ko na maalala. Yun tipong bigla ka nalang nakatulog. Mga ganung klaseng eksena?
"Uwi na tayo." sabi ni Adam habang nag-aayos ng gamit.
Uuwi na kami? Wala na ba kaming adventure? I mean wala ba kaming gagawin ngayong araw? O baka naman uuwi lang kami tapos maya maya ay magkikita din kami. Hay, ayoko muna mag-isip isip ng kung ano ano baka mauwi ako sa maling akala.
Lumapit ako kay Adam at yumapos sa kanya from his back. Tapos napahinto siya sa ginawa ko.
"San naman ang adventure natin ngayon babe?" tanong ko.
"Wala, magpahinga naman tayo ngayon." malamig niyang pagkakasabi.
Kinurot nito ang puso ko. Nakaramdam ako ng mababaw na kaba na hindi ko mapaliwanag kung ano ba to. Kung duda ba ito o kung sama lang ng loob. Sa tono ng boses niya, parang may something na hindi ko magrasp.
Kagabi pa siya ganyan, nung hindi niya tinuloy yun love making namin. Parang tama na nga ata ang nararamdaman ko. Parang may nagbobother nga sa isip niya. Hindi ko alam kung ano yon.
"3 days nalang tong relasyon natin." di ko mapigilang sabihin.